Prolouge

1.5K 32 2
                                    

Panay ang hikab ko habang naglalakad sa field ng school namin. Inaantok pa ako tapos idagdag mo pa itong malamig na weather. Ang sarap pa matulog sa kwarto with coffee and Taylor Swift's music.

"Aray! Tangina naman!" Sigaw ko nang may biglang nanghila sakin.

"Wow! Ikaw na nga niligtas sa paparating na bola, nagmumura ka pa?" Arogante niyang saad.

"Wala naman akong sinabing iligtas mo ako." Sarkastiko kong sabi.

Iniangat ko ang tingin ko sa lalaking may baritonong boses.

He's wearing a cocky smile that I wanna erase on his face. Hindi maipagkakaila na mayroon siyang kagwapuhan at syempre kahanginan.

"Just be grateful dahil nagkusang loob ako. Baka mamaya tulog ka sa clinic kung di pa kita hinila." Saka niya binitawan ang kamay ko.

I kinda felt guilty of what he said. Pero ma pride ako eh. Nag-iwas na lang ako ng tingin baka mamaya ay kamalasan na naman ang mangyari.

"Sige na, sige na. Thank you."

"Oh bat di ka makatingin..." Base sa paraan ng pagsasalita niya halatadong nakangisi ang loko. Bumaba ang tingin nito sa aking ID at muling nag angat ng ulo sakin. "Miss Xiellara Vernandez."

Kala niya siguro kikiligin ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. In your dreams.

"Bakit kailangan ba nakatingin sayo kapag magte-thank you?" Sarkastiko ulit na tanong.

Hinarap ko siya saka tinitigan sa mata.

"Salamat." Pagkatapos ay ngumiti ako ng peke.

Umirap ako sa hangin saka ko siya tinalikuran. Sana di na kami magkita.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now