Xiellara
Napamulat ang aking mata nang marinig ko si Tita na ginigising kami ni Kira.
"Lara! Kira! Bumangon kayo jan at may pupuntahan pa tayo!"
Narinig ko ang pagkatok niya sa aking pintuan tapos sumunod sa pintuan ng kwarto ni Kira.
"Opooo." Inaantok naming sagot.
Bumangon na ako saka tinignan ang bedside clock malapit sa aking lamesa. 7:50 a.m.
Sabado ngayon, siguro ay magpapasama si Tita sa grocery para bumili ng mga stock dito sa bahay. Ang bilis kasi maubos iyong mga pinamili niya noong nakaraan.
Niligpit ko na ang pinaghigaan ko pagkatapos ay naghalungkat ako sa aparador para maghanap ng susuotin. Isang dark blue wide leg jean at hanging shirt ang napili kong suotin.
No choice naman na ako dahil ang loose shirt ko ay nasa mga labahin, at ngayon sana kami maglalaba pero may pupuntahan naman kami.
Dumiretso na akong banyo para gawin ang dapat gawin. Duh.
After 30 minutes, tapos na din. Dina-dry ko na lang ang buhok ko para maipitan agad.
Nang matapos ay bumaba na ako bitbit ang aking sling bag, dito kasi nakalagay ang cellphone at wallet ko baka sakaling may gusto akong bilhin.
Naupo na ako sa hapag, sumunod naman na dumating ay si Kira na naka high waisted jeans at hanging shirt na katulad ng akin.
Sabay nga pala naming binili ang hanging shirt na suot namin, pinilit lang naman niya ako. Yung sa kanya ay kulay blue, yung akin naman ay gray. Dala rin niya ang kanyang sling bag.
Inilapag na ni Tita ang agahan, fried rice, kape at bacons.
"Kain na,"
Habang kumakain ay hindi pa rin namin maiwasang hindi magdaldalan ni Kira ng kung ano-ano.
"Hmm. Alam mo ba, baka ilipat ako sa section ni Thala!" Saad ni Thala habang natutuwang uminom ng kape.
"Weh?" Tanong ko.
"Oo nga, sinabi sakin ng adviser namin. Hehe," paliwanag niya.
"Buti pa kayo magiging magkaklase," nguso kong saad kaya natawa siya.
"By the way, pupunta tayong City Mall para bumili ng mga supply dito sa bahay," singit ni Tita.
Sabi na eh. Hehehe, buti may pera pa ako.
"Kasama po ba natin sina Kuya Rem?" Tanong ko.
"Nope. Pinag-leave ko muna sila ngayon," iling ni Tita kaya't napatango kami ni Kira.
Nang matapos na kaming kumain ay nagdiretso na kami sa sasakyan ni Tita dahil yun na daw ang gagamitin namin.
Napansin namin ni Kira na tahimik na naman si Tita. Kaya't nagtinginan kami. Buti na lang at sa back seat kami nakaupo.
"Ang tahimik ni Tita ngayon ah," bulong ko para hindi marinig ni Tita.
"Sinabi mo pa, hindi naman pwedeng dahil sa kompanya dahil nama-manage naman niya yun kahit nagi-stay siya sa bahay para mabantayan tayo." Mahabang bulong ni Kira. Napatango naman ako dahil sa pagsang-ayon.
Cruz Corporation ang pangalan ng company nila Kira. About beauty products ang kanilang business kaya hindi na kataka-taka na maganda ang aking pinsan dahil alagang-alaga talaga sa katawan.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
Random"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...