Xiellara
*Ting*
Kira Hail: Beh, isabay natin sila Kuya Loewen at Kuya Rem mamayang lunch.
Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Me: Yeah, tara na't maging attention seeker mamayang lunch.
Ilang sandali pa ay nagtext na naman siya.
Kira Hail: Siraulo HAHWHAHA
---
Mag isa akong bumaba mula sa building namin nang mag lunch na. Tumila na ang kaninang pag ambon sa labas kaya naman hindi na mahirap ang maglakad lakad sa field.
Thala can't come to eat lunch with us, she has something important to do at babawi na lang raw mamayang hapon dahil tutal ay mag rereview naman kami sa library.
Nang makapasok ako sa cafeteria ay agad ng naghanap ng mauupuan. Tita Karylle forbade us to buy anything inside the canteen for the meantime because of what happened. Kaya naman home made lunch ang dala ko ngayon.
Naupo na ako sa pwesto na napili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang magkalikot doon habang hinihintay ang pag dating ng pinsan.
"Oh gosh!"
"Sila yung dalawang hot guy sa college department diba?"
"OMG! Ang gwapo nilang dalawa!"
"Ba't sila andito sa juniors?"
"Teka, bakit nila kasama yung babaeng taga section Ethic?"
Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang section Ethic. Yun kasi yung section ni Kira. Tapos may narinig pa akong 'dalawang hot guy sa college department' churva ek-ek na yan.
Nilingon ko yung pinaguusapan ng mga chismosa kong school mates. Oh sige na nga! Chismosa na din ako!
Nakita ko sila Kira at yung dalawa naming bodyguard na sina Kuya Rem at Kuya Loewen. Ang loka kong pinsan nasa gitna pa, habang nakangisi sa mga taong nakakakita sa kanila.
Nang makita ako ni Kira ay agad nagliwanag ang kanyang pagmumukha saka itinuro ako kina Kuya.
"Oh, there she is!" Sigaw niya saka tumakbo papalapit sa akin.
Punyemas!
Nang makalapit siya sa pwesto ko ay agad siyang naupo sa tabi ko. Naiwan sa isang gilid ang dalawa naming bodyguard, tinanguan ko sina Kuya Rem at Kuya Loewen bago hinarap ang pinsan ko na nakaupo na sa tabi ko.
"Gosh Lara, ang daming admirer ng bodyguard natin." Panimula niya at pinasadahan ng tingin ang mga istudyante na nasa loob ng cafeteria.
Katulad ko ay nilabas na rin niya ang kanyang lunch.
"I know right? Mukhang malalagpasan na ata nila ang mga fan girls ni Zeus at ng mga alagad niya." I chuckled as I started eating.
"Binabackstabbed niyo ba kami?"
Napairap ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Zeus, na kasama si Lex. Parehong may hawak na tray ng pagkain.
"Ay hindi, frontstabbed to." Umupo sila sa katabing table namin.
"By the way, who's that two guys standing there?" Pagiiba niya ng usapan at tinuro ang dalawa naming bodyguard.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
Random"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...