Xiellara
December 24,
Masaya akong naligo at nagbihis dahil may pupuntahan kami ni Kira. Dali-dali akong kumatok sa kwarto ni Kira dahil bibili kami ng regalo.
"Sandali lang!" Sigaw niya.
Tumingin ako sa suot kong wrist watch. 3:40 p.m.
Agad naman na siyang lumabas at sabay na kaming bumaba. Naroon na sina Mama at Tita kasama ang mga maids, nagluluto dahil may dadating daw na bisita mamayang alas siete.
"Ma, may ipapabili ba kayo?" Tanong ko.
"Wala naman. Maaga kayong umuwi ha?" Saad ni Mama.
"Oo naman po." Ngiti ni Kira.
Nagpaalam na kami sa kanilang lahat saka na sumakay sa sasakyan.
Masaya ako ngayon. Syempre makalipas ang ilang taon makakasama ko ulit si Mama sa pasko.
Lumipas ang ilang minuto ay bumaba na kami sa mall at nagpaalam na hintayin na lang kami ni Manong. Magkikita-kita rin kasi kami ng mga kaibigan namin. As in kaming lahat, kasama naroon si Razel.
Pagkapasok namin sa Cara Cafè ay sinalubong kami ng mga kumikinang na Christmas lights. Namataan agad namin sina Thala sa isang mahabang mesa.
Nang maka-upo na ay bahagya akong nagulat nang makita si Cara na nakasuot ng Christmas dress na may apron at meron pa siyang santa hat!
The girl who bullied me because of a mere band.
Inismid niya ako pagkatapos ay bumaling na sa mga kasama ko.
"Yun lang ba?" Mataray niyang tanong sa amin nang sabihin namin ang aming order.
"Yep." Tugon ni Zeus.
Umalis naman na si Cara.
"Teka.... Siya ba ay----" Ani Kira na agad sinagot ni Brielle.
"Siya ang may ari nitong coffee shop," sabat niya.
"Ah, kaya pala ang pangalan ay Cara Cafè." Tango ko.
"Here's your order Ma'am, Sir. Enjoy your coffee!" Napatingin ako sa lalaking nagsalita.
"Jace?" Sabay na banggit namin nina Nixon, Yuki at ako.
"Wazzup classmates!" Saka siya nakipag-apir sa amin.
"Dito ka----" naputol naman ang sasabihin ko.
"Yep! Nag-apply ako dito dahil," yumuko siya at bumulong sa akin. "Nililigawan ko si Cara." Saad niya.
Nanlaki ang mata ko saka ngumiti.
"Ayos yan! Pagbutihin mo para di na siya magtaray! Nga pala, Merry Christmas!" Banggit ko.
Bahagya naman siyang natawa dahil sa sinabi ko.
"Merry Christmas too, pati rin sa inyo. See you around." Bati niya rin sa mga kasama ko.
"Aray!" Napabaling kami nang mapaso ata ang dila ni Razel dahil sa iniinom niya.
"Tatanga-tanga." Ungot naman ni Nixon.
"Bwiset to ah!" Akmang susugudin niya si Nixon pero agad naman siyang pinigilan ni Brielle.
"Kalma," pagpapakalma niya kay Rapunzel.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
Aléatoire"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...