Chapter 53

176 18 1
                                    

(A/N):

I wanna dedicate this chapter to my four best friend!

Ira, Ann, Christine and Johairah miss ko na po kayo! Stay safe walang tiktok, wattpad at ML sa langit. Love youuuuuuu!

(I writed this note 3 years ago panahong laganap pa ang covid. It's funny how I read this now while revising my story. 3 years have passed and we're still friends kahit na pare-pareho na kaming mga college at busy sa mga buhay, we still hang out. Love you mga gf's ko.)


Xiellara

Bumaba na ako mula sa kwarto. Siguro naman tapos na silang kumain at mag-ayos ng pinagkainan. Kailangan kong makausap si Nixon.

Pagkatingin ko sa maliit naming sala ay naroon sila at nanonood ng DVD.

Napasampal ako sa noo dahil sa pinapanood nila. Trolls. Aish, nakalimutan ko mga isip bata nga pala mga kasama ko.

"Nixon." Isang pangalan lang ang binanggit ko ngunit lahat sila ay nakatitig na sakin.

"I said Nixon." Ulit ko.

"E-Ehem. Bakit?" Tila kinakabahan niyang sagot.

"Come with me."

Tumango siya at sabay na kaming tumungo sa taas. Iginiya ko siya sa kwarto ni Papa at bumaba kami papuntang basement.

"Woah. May basement pala dito?" Namamangha niyang saad.

Umupo ako sa swivel chair at kinuha ang isa pang swivel papalapit sakin at doon pinaupo si Nixon. Nasa harap namin ang computer.

Binuksan ko ang file na nisend niya sakin.

"Saang lupalop mo nakuha ang mga pictures na ito? Pati yung pagkaikli-ikling info about sa Crescents?" Seryoso kong tanong.

"Sa Mommy ko. She handed me a flashdrive, ang sabi niya ay kailangan mo raw ang laman nun. So I send all the files." Tumango ako.

"Saan naman nakuha ni Tita ang flashdrive?" Takang tanong ko.

"From this house. Not exactly here." Aniya.

"How?" Ako.

"Diba ang Mommy ko ay isang agent katulad na Mama mo?" Siya.

"Uh yep." Ako.

"Nagpatulong si Tita Khione kay Mom sa pagiimbestiga ng pagkamatay ng Papa mo. At dahil nga nagtatago si Tita, si Mommy na ang nagpatuloy nun. And then she found the flashdrive from this house, not really here. Let me say na sa bakuran." Aniya.

"Alam mo bang muntik ng ma-virus ang computer ko dahil jan." Muli niyang dugtong saka nilabas mula sa bulsa ang isang kulay asul na flashdrive.

"Sigurado ka bang dalawang file lang yun?" Tanong ko.

"I'm sure of it." Siguradong sagot niya.

"Pero bakit dalawa lang?" Curiosity hit me.

Nagtinginan kaming dalawa na parang iisa lang ang nasa isip namin.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now