Kira
Ilang sandali pa ay sinundan ni Nixon at Zeus si Xiella matapos nitong mag-walk. Samantalang nilingon ko naman si Razel dahil namumuro na ang babaeng ito.
"You know what? Kung wala kang respeto, sana naman may hiya ka..." Saad ko.
Umirap ako at sumunod sa gate ng University sumabay na rin sa amin ang ibang mga kaibigan. Pagkadating doon ay parehong naghahanap ang dalawang bakulaw.
"Na saan si Lara?!" Bulyaw ko.
Hinawakan ni Thala at Brielle ang braso upang pakalmahin.
"We don't know. Hindi na namin siya naabutan dito." Paliwanag ni Nixon.
Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone upang matawagan siya.
"Hel---"
["Kira!----Manahimik ka!"]
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig mula sa tawang. Ni-loud speaker ko yun dahilan para maagaw ko ang atensyon ng aming mga kaibigan.
"Xiella! Oh my gosh!" Saad ko.
["Kung gusto niyo pang makita ang babaeng ito nang buhay, papuntahin niyo si Zeus sa Luna."] Seryosong sabi ng lalaki.
Tumingin ako kay Zeus na nag-aalab na sa galit ang mata.
"Pupunta ako. Basta maipangako niyong palalayain niyo siya."
["Remember? Promises are meant to be broken. So I won't promise anything."]
["Ano ba?! Bitawan niyo akong mga unggoy kayo! Ampapanget niyo!"] Sigaw ni Xiella sa kabilang linya.
"Xiella! We'll be there! Hold on!" Sigaw ni Thala.
Halos mabitawan ko ang aking cellphone nang marinig namin ang isang malakas na sampal na sa tingin ko ay iginawad sa aking pinsan.
[T-Tang'na ka! Pag ako nakalaya dito sasampalin rin kita at gagawin kitang hakdog ka'ng gunggong ka!"] Sigaw ni Lara.
["The clock is ticking people."] And after that the line went off.
"I-Ito na nga ba ang sinasabi ko sayo Zeus!" Naiiyak na sabi ni Thala.
Nag-aalab ang mata ni Zeus nang dumiretso siya sa parking lot.
"Wag na kayong sumunod sa amin." Ani Yuki at sumama kina Zeus sa sasakyan.
Pinaandar na nila iyon paalis.
"N-No. We'll gonna follow them." Saad ko.
Pinuntahan namin ang isang sasakyan nina Thala, without a word ay sinundan namin sina Zeus.
"Alam mo ba kung saan ang Luna?" Tanong ko kay Thala na siyang nagda-drive.
"Yeah." Maikli niyang sagot saka pinaharurot ang sasakyan.
Pinunasan ko ang luhang dumaloy mula sa gilid ng mata ko.
"Fvck it! Ano ba ang meron at lagi na lang Xiella ang napapahamak?" Inis kong saad.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
Random"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...