Xiellara
Apat na araw. Apat na araw akong hindi sumasama sa limang bakulaw. Ilag muna ako sa kanila.
Sa ngayon ay tutok muna ako sa club namin. Practice kada-hapon, at kung minsan ay sumasabay akong mag-lunch sa kanila.
Si Thala ay nagiging busy na rin sa kanyang club. Abala siya sa page-ensayo ng cheer dance nila para sa nalalapit na intramurals.
Samantalang si Kira ay ganoon din. Sila ang nagde-disenyo ng pag-gaganapan ng intrams namin dito sa gymnasium.
"Come on Snow! Hahaha," tawa ni Ice sa kanyang kakambal.
Nagkukulitan sila ngayon, samantalang si Kenzo at Maia ay nag-uusap sa isang gilid. Si Warren naman ay kasama kong kumakain ng snack habang pinapanood ang kambal.
"Damn it Ice! Nakakainis ka talaga!" Inis na sigaw ni Snow saka hinabol ang kanyang kakambal.
Nagtawanan naman kami.
"Ang cute talaga nilang dalawa. Hahaha," habang itinuturo ko ang kambal na naghahabulan sa labas.
"Yeah, ang cute nga." Tinignan ko si Warren ng sabihin niya yun.
Tumaas ang kilay ko ng maabutan ko siyang nakatingin sakin. Umiwas naman siya ng tingin saka tumawa.
Napatingin kami kay Kenzo nang tumayo siya saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng bass. Sumunod sa kanya si Maia. Mukhang tuturuan niya.
Lately nagiging mas close silang dalawa eh. Hahaha, bagay sila.
Kinuha ko kay Warren ang hawak niyang chichirya saka kumain. Tinawanan naman niya ako.
Ilang saglit pa ay bumalik na ang kambal.
"Xie, tawag ka ng pinsan mo." Banggit ni Snow.
Tumayo ako saka lumabas para tignan ang pinsan ko sa labas. Kasama niya si Thala.
"Lara!" Aniya. Niyakap naman nila akong dalawa. Ganun din ako sa kanila.
"Ano meron?" Tanong ko.
Lumakad kami papunta sa isang bench, na medyo malayo sa building namin.
"Lunch tayo mamaya." Panimula ni Kira.
Tinanguan ko naman siya.
Ilang minuto pa kaming tahimik. Pansin ko ang pagtititigan nilang dalawa, para bang may gusto silang itanong.
"Ano yun? May problem ba?" Tanong ko sa kanila.
Sabay naman silang ngumuso saka tumingin sakin.
"Kasi napansin lang namin. Uh... Umiiwas ka ba kay Zeus?" Nabigla ako sa naging tanong ni Thala.
Lumunok muna ako bago ko ulit sila hinarap.
"H-Hindi. Bakit?" Tanong ko.
"Eh kasi, sa tuwing binabanggit namin na sasabay satin sina Zeus, umaayaw ka." Diretsong sabi ni Kira.
Totoo, sa nag-daang apat na araw, sa tuwing break time, lunch or uwian na sinasabi nilang sasabay samin ang limang bakulaw ay, umaayaw ako.
Hindi naman ako nagsalita dahil wala akong mahanap na isasagot.
Nanliit ang mata nila sakin. Lalo tuloy akong nate-tense!
"Xiella, may itinatago ka eh." Banggit ni Thala.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
Random"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...