Xiellara
Nandito na kami ngayon sa loob ng game zone. After the talk inside the cafe, the boys decided to invite us play here. Mukhang sinusulit ang weekend.
Nasa claw machine ako dahil eto talaga paborito ko sa tuwing nagpupunta ako dito. Minsan nakakakuha, minsan hindi. Si Thala naman busy sa isa ring claw machine kasama niya si Lex. Samantalang etong kasama ko nakikipag-agawan pa sa akin.
Nakakapunyeta.
"Ako nga muna!" Sigaw niya dahil hindi pa ako nakakakuha.
"Aba! Na una ako dito! Maghanap ka ng ibang machine diyan!" Pabalik kong sigaw sa kanya.
"Kanina ka pa! Hanggang ngayon hindi ka pa din nakakakuha!"
Itinigil ko ang paggalaw ng claw saka tinignan siya ng masama saka umalis ako sa pwesto ko.
"Siguraduhin mo lang na may makukuha kang stuff toy diyan ah?!" Inis kong sigaw dahilan para tumawa siya. Ngisi lamang ang isinagot niya sakin.
Lumipas ang trenta minuto wala pa rin siyang nakukuha. Napapamura na lang siya sa inis samantalang ako naka-kunot noo lamang sa panonood sa kanya.
"Ako naman! Kanina ka pa diyan." Saka ko siya mahinang tinulak pero hindi naman siya nagpatinag. Nanatili siya doon at muling naghulog ng isang coin, kaya wala na naman akong nagawa kundi maghintay.
Napatigil na lang ako nang makakuha siya ng isang stuff toy na lion, ang cute.
"Yes!" Aniya saka mahinang napasuntok sa hangin.
"Tabi ka diyan! Ako din!"
Agad na akong naghulog ng coin doon at pinaandar ang claw para kunin ang stuff toy na panda, pero hindi doon tumapat yung claw. Napasobra. Wala na akong nagawa kundi kunin ang stuff toy na yun at hindi inaasahan nakuha ko naman!
Yes!
Tigre naman ang nakuha ko na super cute na agad kong niyakap.
"Madaya!" Singhal sa akin ni Zeus.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya habang naka-arko ang isa kong kilay.
"Trenta minuto akong naglaro bago ako nakakuha samantalang ikaw kakahulog pa lang nakakuha na!" Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Lolo ko may ari nito eh." Pagbibiro ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil lumapit na rin sa amin sina Thala na may dalang pagkain.
Wow! Chibog na.
Inaya na muna nila kaming maupo sa food court para kumain ulit. Meryenda daw. Hehe. Syempre hindi na ako tatanggi sarap ng pagkain eh.
Habang kumakain napansin ni Thala yung bitbit naming stuffed toy.
"Ang cute!" Aniya.
Ngumiti na lang ako.
Nagpatuloy na ako sa pagkain samantalang yung katabi ko ay panay ang sulyap sa akin.
"Isa pa. Susundutin ko yang mata mo." Pagbabanta ko sa diyos ng kidlat. Nag-iwas na lamang siya ng tingin. Natakot siguro.
Ng matapos na kaming kumain ay nagyaya na silang umuwi. Nasa parking lot na kami sabay na raw kasi ako sa kanila at hindi naman na ako tumanggi.
Makapal kasi mukha ko. Charot.
Nang makasakay na kami sa kanilang sasakyan, sinabi ko na ang address ng bahay namin—nila Tita. Minuto ang lumipas ng makarating na kami sa bahay.
Pero bago bumaba nag paalam na muna ako kina Lex at Thala saka nagpa-salamat na rin. Bumaba na ako sa van nila saka sumulyap sa bintana kung nasaan nakaharap si Zeus.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
Random"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...