(A/N):
To be honest, nag-enjoy akong itype ang chapter na ito. Hehe.
Enjoy reading din Asters! Stay safe, Love y'all (◍•ᴗ•◍)❤
• gracerian this is it :)
Xiellara
Nagising ako dahil sa tilaok ng manok sa kabilang bahay. Medyo naninibago ako dahil hindi alarm clock ang naririnig ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aparador. Ah oo nga pala, pinatay ko ito dahil paniguradong tatawagan ako ni Mama. Pagkabukas ko nun ay tama nga ako, puro text galing kay Mama, Kira, Tita, pati si Thala at Brielle din.
Pinasadan ko ng tingin ang kanilang message. Pero iisa lang ang naging tanong nila. Na saan raw ako. Para hindi ko na patayin ay in-airplane mode ko na lang muna saka iniwan doon. Nagmamadali na akong bumaba dahil tiyak na nasa baba na rin si Ate Jessa.
Hindi nga ako nagkamali dahil naroon na siya at ang bango ng niluluto niya!
"Oh buti gising ka na. Heto kumain ka na,"
Hinubad niya ang apron saka isinabit. Tumingin naman ako sa hinanda niya. Tortang talong.
"Teka Ate, saan ka naman nakakuha ng talong?" Takang tanong ko.
"Jan sa kapit-bahay, nagbigay sila." Napatango naman ako.
Nagsimula na akong kumain nang bigla kong mapansin ang paligid. Maayos na, yung ref ay naka-on na rin, may laman na ang dispenser, malinis ang lababo, sahig,
Sinilip ko ang maliit naming sala, ang ayos na rin.
"Mukhang maaga kayong nagising Ate." Saad ko atsaka kumain.
"Ganoon na nga. Saka punishment ko rin naman." Tumango ulit ako saka na kami kumain.
Matapos kumain ay napagdesisyunan muna namin umakyat sa kaniya-kaniyang kwarto. Ako naman ay naligo na. Pagkatapos ay nagpunta agad sa kwarto ni Papa.
—Flashback—
"Xiella anak, dito ka magtago para hindi ka nila makita."
Parang hangin ang boses ni Papa pero narinig ko pa rin at sinunod ko siya.
May binuksan siyang bilog sa sahig saka ako ibinaba doon,
"Pa, p-paano ka?"
Ngumiti siya sakin, bumagsak naman ang luha ko.
"Wag kang mag-alala, hindi kita iiwan anak." Aniya at pinunasan ang pisngi ko.
"Promise?" Saka ko tinaas ang isa kong palad.
"Promise----"
"Xygun! Harapin mo ako!"
Dumagundong ang boses ng isang lalaki. Sinara na ni Papa ang takip, hindi ako umalis sa pwesto ko at mas hinigpitan lang ang kapit sa hagdan.
"Ano pa ba ang kailangan mo Geor? Na sayo na ang lahat bakit ba ginugulo mo pa rin kami?" Dinig kong sabi ni Papa.
YOU ARE READING
Better than Words ✓
De Todo"Because for me, action is better than words." -Him ***** Xiellara Vernandez, a girl with a random personality and has a lot of trouble in family, in life to be exact. She considered her trouble life as a bad luck. But what if that bad luck will lea...