Chapter 49

151 15 2
                                    

Xiellara

"Ayos ka na ba Lara?" Tanong ni Nixon habang inilalapag ang pagkain ko sa side table ng kama.

"Ayos na rin, salamat Nix." Saad ko.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Nixon. Ang sabi niya ay nawalan raw ako ng malay noong umuulan kaya't dito niya agad ako dinala para mapagpahinga niya ako.

Sinipat niya ang noo at leeg ko.

"May sinat ka pa. Hindi pa kita madadala sa inyo dahil umuulan pa rin. Wag kang mag-alala na kausap na ni Mama si Tita Khione na dito ka muna pansamantala." Litanya niya.

"Salamat."

"Sige kumain ka muna, kung may kailangan ka wag kang mahihiyang tawagin ako." Pilit akong ngumiti sa kanya saka tumango. Pagkatapos ay umalis na siya.

Huminga ako ng malalim at pumikit, pilit na inaalala ang mga nangyari kanina.



'Well, sinabi ko yun para naman makatotohanan. Atsaka ako? Magkakagusto sayo? Wake up Xiella. Hinding-hindi mangyayari yun. You hear me? You're just a DARE.'

'You hear me? You're just a DARE.'



Iminulat ko ang mata ko, inaasahan na may tubig na tutulo mula doon, pero wala. Pinakiramdaman ko ang puso ko, tumitibok pero parang wala ng buhay.

Sa tingin ko napagod na rin ito, katulad ng mga mata kong pagod na rin kakaiyak. Inayos ko ang upo ko saka kinuha ang pagkain para makakain na rin ako, gutom na kasi ako. Nang matapos ay sinunod ko ang gamot na nakalagay rin sa tray, saka na ako tumayo at kinuha ang tray na pinaglalagyan na pinagkainan ko saka lumabas mula sa loob ng kwarto.

Napatingin ako sa suot ko. Pair pajamas na kulay asul. Hmm. Not bad. Nabigla ako nang masalubong ko si Tita Nelia.

"Oh my gosh Xiella! Are you okay now?" Tanong niya habang sinisipat ako.

"Tita! I miss you po!" Banggit ko at niyakap siya gamit ang isa kong braso habang nasa kabila ko naman ang tray.

Niyakap rin ako pabalik ni Tita.

"I miss you too hija."

Nagsimula kaming maglakad patungo sa kusina, pagkarating doon ay kinuha ng isang katulong ang tray na hawak pagkatapos ay umalis.

"How are you?" Panimula ni Tita habang nagsasalin ng kape.

Tumingin ako sa isang malapit na bintana, kita ko doon ang pagpatak ng ulan.

"I think.... I'm good." May halong pag-aalinlangan.

"You think?"

Hindi muna ako sumagot. Inusod sakin ni Tita ang black coffee.

"Narinig ko kay Nixon ang nangyari. I'm sorry about that Xiella..." aniya.

"Ayos lang po. Nag pa-uto rin naman ako,"

"Hindi ka nagpa-uto Xiella. You're just a soft hearted girl that's why." Napangiti ako sa sinabi ni Tita.

"Enjoy your coffee Lara, punta lang ako ng opisina ko. May aasikasuhin." And after that she left.

Soft hearted? Nah. I think it's better when I change that word into cold hearted. Build a wall, make it hard. This time wala ng makakatibag ng ginawa kong pader. I'm sure of that.














Better than Words ✓Where stories live. Discover now