Chapter 19 - First Meeting. . .Again!

968 28 1
                                    

 Angelo POV

Lumakad siya papasok sa kalagitnaan ng gubat. Palihim akong sumunod. Tumigil siya sa lugar kung saan may isang maliit na falls. Parang paborito niya ang lugar na ito. Dito ko sila huling nakita ni Alex dati.

Umupo siya sa isang medyo malaking bato at nakatingin sa falls. Nagsasalita siyang mag-isa!

Mister M, kailan kaya ulit tayo makakapaligo ng sabay dito sa batis na ito. Hindi ko malilimutan kung paano mo ko turuan gumawa ng baby sa falls na yon.” natawa siya at medyo nag-blush sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nag-love-making sila sa falls na ito? Biglang nag-init ang katawan ko.

Nasa bandang likuran lang niya ako dahil lalapitan ko na siya para makipagkilala. Tumayo siya pero nadulas siya. “Aaahhhh!” Sigaw niya. Bago siya tuluyan bumagsak ay mabilis ko siyang nasalo sa likod niya. Gumapang sa akin ang init ng katawan niya na para kong na-kuryente. At lumakas ang tibok ng puso ko.

Tumingala siya sa akin at bigla siyang tayo. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito. Stalker ba kita, rapist, serial killer! Huwag mo kong sasaktan, please, hindi ko pa nahahanap ang asawa ko!” tarantang sabi niya. Napangaginipan ko na ang halos katulad nitong tagpo.

Please huwag mo rin akong ra-rape-in. Hindi ka masasarapan sa'kin. Huwag mo rin akong papatayin. May tatlo kong anak na nag-iintay sakin. Three months pa lang sila. Ayokong maulila sila sa ina. At hindi pa rin namin nahahanap ang kanilang tatay. Kaya please nakiki-usap ko.” Magkatiklop pa yung mga palad niya at nakatapat sa dibdib niya. Gusto ko sanang matawa sa kadaldalan niya. Hindi daw ako masasarapan pag ni-rape ko siya. Eh, mukhang ang sarap sarap niyang tikman. Ang kinis kinis ng legs dahil naka-short siya at hapit na polo shirt ang suot niya na kitang kita ng magandang hubog ng katawan niya.

Hindi ako nagsalita dahil baka lalo siyang matakot sa akin sa pagka-utal-utal ko. Umiling lang ako at iniabot sa kanya ang orchids. Napatingin siya sa iniabot ko at tumingin sa akin. “Para sa akin iyan white orchids?” mahinahon na niyang tanong na hindi pa rin nawawala ang titig niya sakin. Na-concious naman ako at tumungo at tumango ng tumango.

Inabot naman niya ang bulaklak. “Salamat. Sino ka? Ano pangalan mo?” tanong niya ulit. “Ako si Joelle.” at inilahad niya ang kamay niya.

Jelle POV

Buti na lang at may nakasalo sa kin bago ko bumagsak pero nagulat ako sa itsura niya. Akala ko si Kuya Alex lang. Pero pagtingin ko isang lalaki na ngayon ko lang nakita, makapal ang balbas at bigote, naka-straw hat at malapad na salamin sa mata. Natanta ko at natakot. Ayokong pa talagang mamatay.

Kung titingnan mo siya ay mukha siyang serial killer or hoodlum or rapist. Parang takas lang sa bilibid. Nagmakaawa na ko. Hindi ako pumipikit para kung lumapit siya ay makagawa akong paraan. Ayoko naman sumigaw at tawagin si Kuya Alex at baka mataranta siya at bigla na lang sapakin at makatulog ako. Lalo lang niya ko mapagsasamantalahan or worst hindi na ko sikatan ng araw at baka ipaanod na lang ako sa dagat.

Umiling siya at iniabot sa akin ang orchids. White orchids! Lalo akong mapatitig sa kanya. Halos kasing taas siya ni JX. Hindi ko lang gano maaninag ang mata dahil sa malapad niyang salamin at sumbrero. Tumungo pa. At ang labi ay medyo natatakpan din ng bigote. Hindi ba marunong mag-ahit ang lalaking ito.

Pipi kaya siya? Kailangan kausapin ko siya at malaman ang pangalan niya. Para kung rape-in man niya ko at buhayin. Mahahanap ko siya. Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Dahil ba sa takot ito?

Salamat. Sino ka? Ano pangalan mo?” tanong ko ulit. “Ako si Joelle.” At inilahad ko ang palad ko. Parang nag-aatubili siyang tanggapin dahil urong sulong ang kamay niya. Sa tutoo lang ay medyo natatakot ako. At baka nanginginig pa ang kamay ko pero nilakasan ko lang ang loob ko.

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon