Chapter 18 - The Search Continue

849 28 0
                                    

Angelo POV

Nainis ako sa huling balita na napanood ko tungkol kay Joelle. Sira - hindi lang ang araw ko kundi ang isang buong linggo dahil hindi naman nagbigay ng kumento si Joelle para itanggi ang mga balita tungkol kay William Nobledo. Guapo rin si William Nobledo, matangkad, maputi at mukhang matalino rin. A perfect replacement for JX Montecillo. Iyon ang sabi sa news. Isang linggo na ang nakakaraan at hindi pa rin nagpapa-interview si Joelle. Iyon nga kaya talaga ang ipapalit niya kay JX? Parang nakaramdam ako ng awa para kay JX. Sinukuan na ba siya ng asawa niya?

 Joelle POV

 Ayoko na sanang pansinin ang balita tungkol sa'min ni Liam. Pero dahil sa pananahimik ko lalo naman lumalala ang issue. Nagpa-set na ulit ako kay Ann ng press conference sa opisina.

 Sa press conference. Nilinaw ko na hindi pa rin ako sumusuko sa paghanap sa asawa ko. Wala ibang makakapalit sa kanya at kaibigan ko lang si William Nobledo. Tinanong din nila kung bakit iba ang suot ni Liam nung lumabas kaya sinabi ko rin ang tutoo. Pati ang pananahimik sa issue. Sinabi ko na sa bahay ako nag-wo-work dahil sa mga anak namin. Nanawagan pa rin ako na baka may makakita sa asawa ko. At tuloy pa rin akong personal na maghanap sa asawa ko kung walang magiging problema ang mga anak ko.

 End of November

Angelo POV

Masaya ko na nilinaw ni Joelle yung mga balita tungkol sa kanila nung William Nobledo na yon. Pero halos isang buwan at kalahati na mula nung umuwi siya dito sa Pilipinas pero hindi pa rin siya napagawi sa Isla Jon-elle. Hindi na kaya siya muling pupunta dito?

Nasa ganon pag-iisip ako ng tumunog ang cellphone ni Pedro. Kadarating lang namin dito sa pangpang at inaayos ang mga nahuli namin mga isda at ibang lamang dagat.

Elo, matutuwa ka sa ibabalita ko.” Bulong ni Pedro sa akin. “Nag-text si Aling Tale at dalhan daw natin siya ng sugpo at isda bukas. Darating daw doon sina Joelle.”

Nagliwanag ang mukha ko at na-excite. “Ikaw na ang madala bukas dahil luluwas kami sa Manila ni Misis bukas para sunduin yung Nanay niya na galing Qatar.” sabi ni Pedro.

 “Kung ako sa iyo, Pare, makipagkilala kay Joelle. Mukhang mabait naman siya. Hindi ka naman masamang tao at baka maging kaibigan mo pa siya pag nalaman niya ikaw ang nagbibigay ng buko at bayabas nung naglilihi siya.” Naikuwento ko rin kasi kay Pedro iyon nung makaalis na si Joelle pabalik ng Canada dahil napuna niya na lagi akong malungkot.

Ba-ba-baka pag su-suplada-ha-han niya la-lang a-ako!” sabi ko.

Hindi naman siguro. Pero hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan di ba?” May katwiran nga naman si Pedro. Sana hindi niya ko pagsupladahan. Pero kahit pagsupladahan niya ko. Okay lang siguro.

Ngayon ay desidido na kong makipagkilala kay Joelle. Maaga kong nagdala ng mga sugpo at isda kay Aling Tale kinabukasan. Nagbigay din ako ng buko para kay Joelle. Baka na-miss niya ang buko. May dala rin akong isang tangkay na orchids na puti na nakuha ko kahapon sa gitna ng gubat. Ibibigay ko ito kay Joelle.

Nagkakape sa kusina ang lalaking laging kasama ni Joelle, yung bodyguard niya. So ibig sabihin nandito na sila. Pero asan kaya siya? Ipinakilala ko ni Aling Tale kay Alex at kumaway naman siya sa akin.

As usual, inilipat ko lang sa di kalayuan yung bangka ko at bumalik para intayin si Joelle. Nakita ko siya lumabas at pumunta sa tabing dagat. Nakamasid ako sa di kalayuan. Nakadipa siya at pinagmamasdan ang bukang -liwayway! Parang nakita ko na ang ganon tagpo.

 May narinig na naman akong mga tinig. . . “Mahal ko, huwag kang magpapakamatay!”. . . “Huh? Bakit naman ako magpapakamatay, eh di hindi tayo nagkasundo!”. . . “Eh, bakit nakadipa ka at parang tatalon?”. . . “Masama bang i-welcome ang bukang -liwayway!”

 “Good Morning, Philippines!” sigaw ni Joelle. Kaya napatingin ako sa kanya. Hindi rin siya nakangiti pero hindi rin nakasimangot. “Good morning, Mr. Sun! You're giving me another hope. Sa tuwing sumisikat ka sa umaga, hindi ako nawawalan ng pag-asang makikita ko rin ang asawa ko! Sana ngayon na ang araw na iyon!” malakas niyang sigaw. Natutuwa ako sa kanya na hindi pa rin siya sumusuko. Sana nga makita na niya ang asawa niya para maging masaya na siya ulit.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon