Chapter 32: JX finds its way back home

1.2K 32 0
                                    

Joelle POV

Kaya nagpapalate ako ng uwi dahil ayoko ng traffic. Kahit 6 block away lang ako sa condo, traffic dito papasok sa gate ng condo, uwian na kasi ng mga galing sa opisina. Dahil sa mga kidnap for ransom na balita lagi ng malikot ang mata ko sa mga nakapaligid sa'kin mapa-kotse or pedestrian.

Napako ang tingin ko sa isang lalaking nasa kabilang side ng gate ng condo at nakatingala. Madungis ang lalaki na suot ay camiso chino na asul at may putik putik pang maong na kupas at rubber shoes. Nakatagilid sa akin.

Binuksan ko ang passenger side window ko at malakas na tinawag ang pangalan ng lalaki. I hope it's him! “Angelo!”

Lumingon naman ang lalaki sa pinagmulan ng boses at nagulat ng makita ko at parang nag-aatubiling lumapit sa akin. Binusinahan ako ng nasa likod ko. Hindi ko pinansin. “Please come here!” sigaw ko ulit at sinenyasan ko siyang lumapit. Lumapit naman siya. “Get in quickly please!” sabi ko. Dali naman siyang sumakay dahil busina ng busina yung nasa likod ko.

Pinaandar ko agad ang sasakyan papasok sa gate. Ibinaba ko ang drivers side window para makita ko ng guard. Ang ganda ng ngiti ni Manong Guard sa kin ng makita ko at bigla rin napalitan ng pagkagulat ng makita ang katabi ko. Medyo kumaway pa si Angelo sa kanya.

Manong, pakisabi nga po don sa driver ng kotse sa likod ko matuto siyang maging pasensiyosa. Kung ayaw niyang patalsikin ko siya sa building na 'to.” matigas kong sabi. Nagulat si Manong Guard at mukhang natakot at kumaway pa ako paalis. Pero hindi agad ako nag-drive ng mabilis. Tinginan ko muna ang rear view mirror ko. Kausap nga ng guard yung babaeng driver at tumingin pa sa kotse ko at nakita kong namutla. I smirked at pinaandar ko na ang SUV ko. Minamaliit niya siguro 'tong kotse ko dahil luma na at naka-mercedez siya. Tsk!

 Derecho ko sa P3 sa parking space ko. Aba at dito rin pala ang parking nitong kotseng nasa likod ko. Kung sabagay, lahat ng magagarang sasakyan ay dito naka-park. Itong SUV ko lang ang out-of-place dito ngayon.

Nakita kong nagmamadaling bumaba ang driver at kumatok sa window ko. Pinagbuksan ko naman. Medyo namumutla pa siya.

Mrs. Montecillo, I'm really sorry for being impatient. I didn't recognized you.” Maarteng sabi ng babae at mabilis pang tiningnan ang sasakyan ko na parang minamaliit. Di naman katandaan ang babae siguro mga 5 years senior lang sa kin.

Next time, never judge the driver by the looks of it's car!” mataray kong sabi at isinara ang window ko.

Tiningnan ko ang katabi kong lalaki na natutulala – sa kagandahan ko or katarayan ko? I give him my sweest smile ever kinakabahan kasi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Did you also forget being a gentleman to open the door for a beautiful lady or do you want me to open the door for you?” nakangiti pa ko rin ako at nakanganga siya. Noon ko lang napansin ang labi niya. Medyo natatakpan kasi ng bigote. Kay Mister M talaga. Gusto ko na sana siyang yakapin at paghahalikan dito pero baka sumigaw siya ng rape! Ma scandal pa ko. . .ang frontpage. . . “Joelle Montecilllo – desperada sa nawawalang asawa. . . nanghalay ng lalaking mukhang pulubi!”

Dahil sa hinala ko na siya talaga si JX. Sinadya ko talaga ang pag-e-english, alangan naman nalimutan din niya ang english?

I-I am so-sorry!” at dali dali naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan. Sa pagdikit pa lang ng palad namin. Naramdaman ko na naman ang malakas na pagdaloy ng kuryente sa buong kong katawan. Nakatitig ako at inaaninag ang mata niya sa malapad sa salamin.

 “Thank you! Please come with me.” Binawi ko agad ang kamay ko na parang nanginginig na sa kaba at excitement na nararamdaman ko. Nagpauna kong lumakad papunta sa elevator matapos kong i-alarm ang kotse ko, mahirap na baka ma-carnap. Ha ha ha. Asa pa ko!

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon