Chapter 31: Marie Remember Princess

1K 27 0
                                    

End of July

Joelle POV

Five more months pass, wala pa rin kaming balita kay Princess Cruz. At gayon din kay JX a.k.a Angelo. Mahirap talagang makipaglaro ng hide and seek lalo na sa laki ng Maynila. At alam kong tuso ang kalaban kong babae. Ilan Princess Cruz na rin ang nakausap ni Kuya Alex dahil medyo may hawig sa larawan. Very common kasi ang mukha nitong babae na ito. Kaya siguro pamilyar siya sa kin. Pero ngayon naiinis na ko sa kanya kung dati ay sinabing maganda siya ngayon ay mukha demonyita na siya sa paningin ko dahil alam kong sinadya niyang itago ang asawa ko.

Bumalik na si Mama sa Canada at si Mommy Chelsie ulit ang nandito sa Pinas para tulungan ako sa triplets. Eleven months na ang Triple J lalong nagiging mga cute at chubby. Regular model sila ng mga ini-endorse nilang mga damit, shampoo, diapers, baby food at baby milk. Kasama nila ko lagi sa shooting. Pati yung Baby Lotion ay kami pa rin mag-iina ang regular model. Lumakas daw lalo ang sale nila dahil sa commercial. Marami pa rin kumukuhang ibang mga company pero hindi ko na mapagbigyan. Naisip ko magandang business pala talaga ang mga babies. Sabi ni MK dati hindi business ang paggawa ng babies, eh, itong tatlong babies pa lang namin. Malaki na ang kinikita. Nakalagay na nga sa sari-sarili nilang account ang kinikita nila.

Nag hire din ako ng bodyguards mula sa agency ni Kuya Alex. Sampu sila na laging mga naka barong. PSG talaga ang dating! Hindi para sa akin ang mga body guard kundi para sa mga babies ko. Uso na naman kasi ang kidnap for ransom. At paranoid akong ina. Hindi ko pa nga nakikita ang tatay nila, eh.

Wala akong bodyguard, feeling ko ay walang naman treat sa buhay ko. Si Kuya Alex kasi ay busy pa rin sa paghahanap kay JX at Princess. Siya lang kasi ang gusto kong bodyguard. At feeling ko kasi superwoman ako. Pero iba't ibang kotse ang gamit ko araw-araw puro tinted pa, hindi kasi mahilig mag-collect ng kotse ang asawa ko. Mas malaki pa nga ang garahe sa likod bahay kaysa sa mansion. Sa bahay ay sampung kotse lang ang naka-park pero sa mansion nina Mommy ay marami. Kaya dumaaan ako lagi don para magpalit ng kotse. Kahit araw araw sa isang buwan ay iba't iba ang gamit ko. Puro mamahalin pa. Ramdom naman ang paggamit ko. Ayoko kaya bigyan ng clue kung sakaling may magtangka man sa'kin. Kaya ngayon bihira rin akong masundan ng mga paparazzi. Maliban kung kilala nila ang kotseng gamit ko.

Nagsasalita-salita na rin ang Triple J. Tata ang first word ng mga boys ko at Nana kay little princess. Lagi namin ipinapakita ang malaking poster ni Mister M at sinasabing Tatay kaya kilala nila ang tatay nila. Mas matatas magsalita si little princess dahil babae pero tumatakbo na ang mga boys at umaakyat na ng hagdan. Kaya double ingat ang mga yaya. Si Jem, pahakbang hakbang pa lang.

Lagi pa rin dumadalaw si Liam sa mga bata pero di ako ga'no nakikipag-usap sa kanya. Mabuti na yung lumayo ang loob niya sa kin kesa lalo ko siyang masaktan pagnakabalik na si Mister M. Ayoko siyang bigyan pag-asa na puede niyang palitan ang asawa ko. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kahit matagalan bago ko makita ang asawa ko, hinding hindi ko siya ipagpapalit. Minsan ay tinatawag siyang Tatay ng mga bata pero kino-correct ko agad na Ninong.

Kung siguro ay humingi ako ng tulong sa media para i-post ang picture ni Princess baka madali siyang makita pero tuso talaga ang tingin ko dito at mukhang mayaman din dahil hindi nasisilaw sa Php5M rewards. Maaring maitago niya sa malayo ang asawa ko or baka nga sa ibang bansa pa. Ibig sabihin asawa ko talaga ang habol niya at hindi ang pera nito.

Nakakainis kasi si Mister M, very irresistable, ako nga laging napapatunganga makita ko palang siya. Kahit nga sa life-size poster niya na nakadikit sa wall ng room namin. Napapanganga ko tapos nakakindat pa kin. Sino hindi kikiligin non? Pagnakita ko talaga ang lalaking yan mababatukan ko – hinding hindi ko na siya papayagan mag-model or mag singer. Kung gusto niyang mag-model sa harap ko. . .kahit nude pa! Ha ha ha. Oh, I missed him so much! At ako na lang ang kakantahan niya kahit pautal-utal siya, ok lang sakin!

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon