Chapter 49: Triple J 1st Birthday

1.4K 31 0
                                    

JX POV

August 13: Saturday

First Birthday ng mga babies namin. Hiniling ko sa doctor ko na pagkatapos na lang ng birthday ng mga anak namin ako operahan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa operasyon. Kinakabahan ako na baka mamaya ay hindi na ko magising after ng operasyon. Ang asawa ko ang laging napapalakas ng loob ko.

Dito kina ate Gel gagawin ang party, buti na lang at summer dito kaya sa backyard. Hindi ko naman kilala ang mga ibang bisita kundi yung mga kaibigan namin na nandito nung dumating kami at si Dr. Romero. Sina Marie, yung secretary ni Joelle at si Meanne, yaya ni Baby Jem ay dumating kahapon. Inaayos pa raw ang papers nina Mari at Sabel.

 Wala naman theme ang birthday party ng mga bata, simple lang. Sa Pilipinas dapat ang birthday celebration nila pero ipina-cancel ni Misis dahil kailangan akong dalhin dito sa Canada. Kung alam ko lang sana pinatapos na lang muna ang birthday ng mga bata don bago kami nagpunta dito para sa operasyon ko. But my wife is the one deciding for us. Minsan iniisip ko under kaya ako ng asawa ko dati?

 “MKA, halika dito, pa picture tayo ng mga bata.” tawag sa kin ni Misis M. Kasalukuyan akong nakaharap sa barbequehan at ako ng nag-iihaw ng pork BBQ, hotdogs for kids, may bangus pa at tilapia. Karamihan din kasi ng mga mga bisita namin mga Pinoy.

Lumapit ako kay Misis at kinalong ko ang dalawang barako namin. Kalong ni Misis si little Princess. Ang ganda ng ngiti ng asawa ko, kaya todo ngiti rin ako. Masasaya rin naman ang mga anak namin.

 “Wow, sweet happy family!” sabi ni Ate Gel. Si Kuya Daniel ang kumukuha ng pictures. May mga pictures din kami ng mag-blow the candle ang mga bata. Kami ni Misis ang nag-blow.

Marami rin mga games para sa mga bata. Sina Ben at Reese ang nagpapalaro. Bestfriend ko raw si Ben pero ang tingin ko parang opposite kami. Parang kalog si Ben at ako yung serious type. Pero ang sabi ni Misis, parehas daw kaming makulit.

May face painting – si Little Princess ay may naka-paint na buttefly sa mukha, si JA ay spiderman si JR, wala – ayaw! Malilikot ang anak namin – kaya natutuwa naman ang mga bisita namin, si JA ay maraming sound na sinasabi na hindi pa maintindihan at mahilig magsayaw. Si JR ay lagi rin nakangiti at takbo ng takbo pero hindi mahilig magsasalita. Si Jem ay mahilig rin magsasayaw at makipag-usap sa tao. Kanino kaya sila nagmana? Sa akin kaya or kay Misis?

Bandang ala-sais ng gabi ay tapos ang party ng mga bata. Ang mga naiwan na lang dito ay yung mga kaibigan namin at si Doctor. Nagbukas ng mga regalo ang mga bata. May book na parang piano ang hindi na binitiwan ni Baby JA at pindot ng pindot sa piano. Mahilig daw talaga sa musika si JA at sa akin daw nagmana sabi ni Mommy. Si Baby JR naman ay isang interactive book na may story telling ang pinagkaabalahan. Ang sabi ni Mama Olive ay mana daw kay Joelle. Si little Princess ay mga stuff toys ang mga pinagyayayakap. Very lovable daw si Baby Jem at sa min dalawa ni Misis nagmana parehas.

“Wow ang ganda, kanino galing ang mga iyan?” na-amazed si Misis sa mga painting na regalo. Oil painting ito na around 24 x 18 ang laki ng canvas. Tig-iisang painting ng mga images nina JA, JR at Jem. May buong first name din nila sa baba.  Liam Nobledo ang nakasign na painter.

“Joelle, kay Sir Liam galing yan. Ipinadala niya sa amin. Hindi pa daw niya kasi natapos nung bago kayo umalis kaya hindi niya naipadala sa inyo.” sabi ni Marie.

Oh, I love it. He's really a great artist. Kuhang kuha niya ang itsura ng mga bata at parang buhay na buhay!” masayang wika ni Joelle. Habang tinitingnan ang mga larawan. I admit maganda nga ang pagkakapinta. Hindi ko akalain painter pala yon.

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon