Chapter 53 - Liam & Jorie's Special Chapter. . .

1.5K 24 0
                                    

Joelle POV

 After the board annual meeting. Nagbakasyon nga si Liam at inasikaso ang art exhibit niya. Ako na ang kumuha ng event coordinator at sa isang five star hotel ng MGC ang venue. Tinulungan ko na lang si Liam sa pag-pe-presyo ng mga art works niya. Mahilig ako sa arts kahit hindi ako marunong magpinta. Madalas din ay dumadalo ko sa mga arts exhibit dati kaya medyo alam ko rin ang mga fair prices. February 11 ang schedule ng art exhibit niya dahil I need to go back to Canada on the 13th to be on time for our Wedding Anniversary.

February 6

I got an unexpected call and she wants me to meet with her. Nagdahilan na lang ako kay Liam na hindi ko siya matutulungan at that day. Siyempre kasama ko pa rin si Kuya Alex.

Sa isang masarap na restaurant ang usapan namin. Paborito ko ang restaurant na ito, dito lang sa BGC. Nagulat na nga ako sa pakikipag-meet niya sa akin. Pero mas nagulat ako sa kasama niya.

 “Hi, Jorie. Hi, Dr. Romero. I didn't know that you two knew each other.” nginitian ko sila ng walang malisya dahil hindi ko alam kung ano ang relationship nila. 

What's with Dr. Romero agad, Joelle. Call me Rene.” He kissed me on my cheeks. Nagbeso rin kami ni Jorie. 

But we're not at Canada. By the way, you knew my PSG, Kuya Alex, right?” Nakipagkamay naman sila kay Kuya Alex.

Joelle, I'm just going to wait there.” tumango lang ako, ganyan talaga si Kuya Alex. Sa isang bakanteng table siya naupo na medyo may kalayuan ng konti sa akin. Just to give us privacy while talking sensitive issue. 

And we're not at the hospital, Joelle. Akala ko pa naman, itinuturing mo na kong kaibigan.” Sabi ni Doc habang hinihila yung upuan ko at inilalayan akong maka-upo.

Okay then, thank you, Rene.” umupo naman siya sa harap ko, sa tabi ni Jorie. 

Thank you Joelle, for meeting with us for a very short notice. And sorry kung may kasama pa kong chaperon. Nung malaman kasing ikaw ang i-me-meet ko nagpilit sumama para daw makamusta ka.” nakangiting sabi ni Jorie at humarap pa kay Rene.

You're so nice, sister, ibuko mo pa ko kay Joelle.”

 “Sister? You're sibling?” tanong ko. Ngayon ko lang napuna na parehas nga ang mga mata nila. Kaya pala noon ko pa iniisip na may kaparehas ng mata si Doc, si Jorie pala.

Oh, you didn't know? Hindi sinabi ni Kuya sa'yo?”

 “Nababanggit lang niya na may sister siya but I didn't know it's you. So, you're the one I met at Palawan, five years ago?” naalala ko sinabi ni Rene na ipinakilala ko ng sister niya sa kanya na na-meet ko sa CR. At siya ang nagbibigay ng information kay Rene tungkol sa akin. So, obviously close silang magkapatid.  But I didn't noticed then that we're look so much alike.

Sorry, I thought – I mentioned already!” paumanhin naman ni Doctor na nakatingin sa menu. Inabutan ako ng menu ni Jorie. Umorder lang ako ng Shrimp Salad. Ito ang paborito ko sa restaurant ito.

Kelan ka pa dumating, Joelle? How's JX and the kids?” tanong ni Rene.

 “Three weeks ago. May speech theraphy pa rin si JX but he's getting better. The kids are great.”

Three weeks already at hindi ka man lang nagparamdam.” biglang nagseryoso si Rene.

And I'm going back on the 13th. I just need to attend the annual meeting and to give my VP, Mr. Nobledo, a vacation. Sorry very tight ang schedule ko, I hope you understand.”

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon