Chapter 27: MGC's Christmas Party

850 22 0
                                    

 December 23

 Joelle POV

Napakalungkot ng pasko ko ngayon. Wala pa rin ang asawa ko at isang taon na siyang nawawala ngayon araw na ito. Last year, natulala ako kaya kahit sumapit ang pasko wala sa akin. Kaya ngayon ko nararamdaman ang sobrang pangungulila ko kay JX. Buti na lang ay may mga anak na kami ngayon kung wala baka tuluyan na kong sumuko.

Sa grandball room ng isang hotel ng MGC kung saan laging ginaganap ang ganitong malalaking event. Maraming mga tables ang chairs dahil hindi lamang sa mga empleyado ito kundi pati sa pamilya nila. Alas dos ang umpisa ng party para sa mga bata. Laging binibigyan ng MGC ng regalo ang mga anak ng mga empleyado. Last year, bago naganap ang aksidente - ginanap ang Christmas Party at mismong si Mister M pa ang nag-costume bilang Santa Clause.

Ngayon isa sa staff ng MGC ang naka-costume na Santa Clause. Kami ang unang family na nagpa-picture. Nakakandong sina JA at JR sa magkabilang hita ni Santa at kalong ko si Jem. Ang kulit talaga nina JA at JR. Hinila ba naman yung balbas ni Santa kaya naalis. Nagkatawanan tuloy dito sa loob ng hall at nadismaya ang mga a little bit older kids na nakaka-intindi na. Ay, fake si Santa!

 Kahit nagkaganon ay naging masaya pa rin ang mga bata dahil sa mga regalong natanggap nila. Marami rin mga regalo para sa Triple J na bigay ng mga employee. May mga iniabot din ang mga waiter. Ang dami regalong bubuksan ng mga anak ko sa Pasko.

 Naka-check-in kami dito sa isa sa 3BR VIP Suite sa Penthouse kasama ko si Gab sa isang room, sa isa pa ay para sa mga yaya at sa amin ng mga babies ko. Dalawa ang VIP Suite dito yung isa kina Kuya Daniel kasama sina Mama at Mommy dahil 3BR rin naman.

Dahil yung party sa gabi ay para sa mga adults. Mostly inuman at sayawan. Naka-bestidang kulay pula ako. Yung mga yaya ang naiwan sa mga natutulog na bata sa kani-kanilang playpen.

 Sabay sabay kaming bumaba nina Kuya Daniel at Ate Gel at Ako. Si Gab ay sinundo si Rhianne. Kami ang magkakasama sa table kasama rin si Liam.

Nagbigay ako ng opening remarks. “Good evening, Ladies and Gentlemen, I just want to greet each one of you a Merry, merry Christmas and a Blessed New Year to come! I won't keep it long! Just enjoy the night and cheers!” Iniangat ko sa ere ang hawak kong kopita ng red wine na kalahati ang laman at ininom ko ng mabilis. Palakpakan naman sila at bumalik ako sa table namin. Gusto ko sanang sabihin . . . this is the first time that our P/CEO will not going to join us. . . pero baka mag-iyakan lang ang mga staff. I don't want to ruin the night. Ako na lang ang maglalasing!

Liam POV

Nakangiti si Joelle pero nakapaka-lungkot pa rin ng mata niya. Alam kong hindi rin naman siya sanay uminom pero ang bilis niya naubos ang red wine sa cup niya. Lalo siyang mabilis malalasing.

Princess, huwag kang ganon uminom baka malasing ka!” paalala ng Kuya niya.

 “I won't, Kuya, thanks!”

Niyaya ko na lang siyang sumayaw. Sweet yung tugtog. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko at ang sa akin sa balingkinitan niyang baiwang.

You're so beautiful tonight, Joelle.” Di ko maiwasan hindi ibulaslas ang paghangang nararamdaman ko.

Ngumiti siya ng tipid. “Only tonight?”

Natawa naman ako. “No, everynight and day, every hour, every minute and every second. You really is so gorgeous!”

Thank you!” matipid niyang sagot. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya at nawala ng ngiti sa mga labi niya.

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon