Chapter 12: I'm Missing You. . . Joelle!

1K 22 0
                                    

 Angelo POV

 Mula ng umalis si Joelle papunta Canada ay parang nawala ang saya at sigla ko. Laging akong nagtatanong kay Kapitana kung may balita na kay Joelle. Pero bihirang bihira na siyang maipakita sa TV at sa diaryo. Buti na lang at kinukunsinte ni Kapitana ang kabaliwan ko raw kay Joelle at hindi ako isinusumbong sa asawa ko. Dahil si Joelle Montecilllo ay isa lang pangarap na hindi ko makukuha kahit kailan!

 Pinapahiram na lamang niya ako ng CD yung “The Wedding: Jon-elle” na pinapakinggan namin ni Pedro sa isang luma niyang CDMan. Madalas ay duet ang kanta nila sa album na ito. Lagi rin akong humuhuni dahil hindi naman ako makakanta dahil utal ako. Bakit parang alam na alam ko ang mga kanta? Siguro dahil avid fan din nila ko.

Nung maisoli ko yung unang CD, ipinahiram naman ni Kapitana yung unang album daw nina JX at Joelle. . . “Our Love Story: JX Montecilllo & Joelle Mateo”. . . pirated copy lang daw ito dahil limited edition ito.

 Napakalungkot ng unang kanta. . . ito ang kinakanta ni Joelle ng una silang nagkakilala at kamamatay lang ng nobyo ni Joelle na si Eric. . . sumakit na naman ang ulo ko. . . nandito ko sa gitna ng gubat at nag-iisa. . .nakikinig sa CDMan. . . may mga nag-flash na naman mga pangayayari sa utak ko. . . malabo pa rin ang mga mukha ng tao. . . “Sino ka? Ano ginagawa mo dito? Stalker ba kita? Rapist? Serial Killer?” sigaw ng babae. “Itong guapo kong ito. . . stalker, rapist or serial killer!” Tumawa yung lalaki. Tutoo kaya itong nangyari? Ako kaya ang lalaki iyon baka dati na kong stalker ni Joelle at napagkamalan niya kong rapist at serial killer? Boses ni Joelle ang nakikinig ko. Hindi ako puedeng magkamali. . . dahil lagi kong napapakinggan ang kanta niya at lagi ko siyang naririnig sa pagmamatyag ko ng lihim sa kanya. Boses ni Joelle ang lagi kong naaalala!

 Nagpatuloy ako sa pakikinig, lahat ng kanta ay may istorya. Kaya siguro parang alam ko ang kuwento ng buhay nila dahil dito sa album na ito. . . mag nag flash na naman sa isip ko. .. “Mahal ko, kamusta pakiramdam mo?”. . . “Nag-dedeliryo pa ba ko? GA, pano ka napunta dito? Nasa Canada ka di ba?”. . . “Malamang nag-eroplano, alangan naman nag-teleport ako.”. . .TOK. . . binatukan ng babae yung lalaki. . .“Aray naman, mahal ko, iyan ba pasalubong mo sa'kin?” At niyakap ng mahigpit nung lalaki yung babae. . . .

 Mahal ko? GA? Ito ang dalawa sa tawagan nina Joelle at JX, bakit parang ako si JX sa mga pangitain ko? Napakapit pa ako sa ulo ko, binatukan ni Joelle yung lalaki.

 Nagpatuloy ulit ako sa pakikinig. . . You are the Reason . . . ang title ng kanta. . . napaluha ako at nakakapit sa dibdib ko . . . sa malungkot na kanta. . . ayon sa story sa album ito ang inawit ni JX nung magtapat siya ng pag-ibig kay Joelle. . . may mga scene na naman akong nakita. . . nakaluhod ang malabong mukha ng lalaki sa harap ng isang babae. . .“Joelle, I know that you are now ready to open your heart again. . .” napakapit ako sa ulo ko dahil sa sakit. . . Si Joelle ang babae!. .mabilis ang pangyayaring nakikita ko. . .“If you could love me back. . . because I love you so much!”. . .“Do you love me too?” sumagot si Joelle. . . “Yes”. . . they hug and kissed!. . .

Arrggghhh!” Sigaw ko dahil lalong tumitindi ang sakit ng ulo ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang mapagod ako. “Ba-ba-bakit? Si-si-sila lagi kong na-na-a-a-alala?”

Hindi kaya patay na talaga si JX Montecillo at lumipat ang kaluluwa niya sa akin? Halos sabay ng mawala siya at maaksidente ako! Posible kaya iyon kaya mga ala-ala nina Joelle at JX ang nakikita ko at wala kami ni Princess? Kung posible yon. . . asan kaya ang kaluluwa ko. . . ni Angelo? Ah, kabaliwan lang yon! Obssessed lang siguro ko . . .

Dahil kaya miss na miss ko na si Joelle! “I mi-miss y-you, JJJOOOOEEELLLLEE!” Sigaw ko dito sa gitna kagubatan.

 ==

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon