Chapter 36: My Prince Husband Hardship

1.2K 31 0
                                    

Joelle POV

Na-miss mo ito, MK? How? Di ba ikaw pa ang nagdedeliver niyan sa'min sa Isla?” Nagtataka ko na miss niya ang mga seafoods ganon mangingisda siya. Ngayon ko nga lang naisip na ang isang JX Montecilllo na ni ayaw paakyatin ng Mommy niya sa puno ay natutong mangisda. Hindi ko pa alam kung ano pang hirap ang dinanas ng mala-prinsipe kong asawa.

 Ikinuwento niya sa amin sa kabila ng hirap siyang magsalita kung bakit hindi siya kumakain ng laman dagat. Nag-ngingitngit tuloy lalo ako kay Princess. For sure, magtatanong na sina Mommy kung sino si Princess.

Sino ang Princess na iyon? Ano ba talaga ang nangyari sa iyo, anak?” tanong ni Mommy.

Ikinuwento ni JX na nagising siya at tinatawag niya ang Princess. Dahil ang napanaginapan niya ay ang princess wife niya na for sure ay sinamantala ni Princess dahil iyon ang pangalan niya. Ikinuwento rin niya ang tungkol kay Baby Angela na akala niya at talagang anak niya. Pati ang pagiging mangingisda niya at ang pagsubaybay niya sa akin sa Isla pag nandoon ako. Ang pag-akyat niya sa mga puno ng buko at bayabas para madalhan lamang ako.

Para tuloy akong naiiyak sa kuwento niya. At least hindi niya na-miss na maging malambing na asawa sa paglilihi ko. Kung nandon sana siya baka kung ano ano pa ang hiningi ko sa kanya pero sa halip si Liam ang nagbibigay sa akin. Gusto ko rin kasi ng mga Lady Pink Apples pero ewan ko kung meron dito sa Pinas at yung Golden Delicious Apples. Pero buti na lang meron Granny Smith at si Liam naman ang matiyagang nagbibigay sa kin non.

Mabait na kaibigan din sakin si Liam. Siguro tama na ang pagpaparusa ko sa kanya. Tutal bumalik na si Mister M.

Natapos naman kaming kumain sa kabila ng maraming kuwento ni Mister sa adventure niya pero pangingisda at mag-akyat sa mga puno. Natawa pa nga ako na kulang na lang daw na magbaging siya pero sinubukan daw niya at sumigaw pa raw siya ng Tarzan. Lumipat kami sa may salas para makaupo ang lahat na nakikinig sa kuwento ni Mister.

Tumunog naman ang cellphone ko at tumatawag si Kuya Alex. Naka-ilan miss call na rin pala siya. Tinanong lang niya kung paano ko nahanap at saan ko nahanap si Angelo. Ikininuwento ko na lang sa kanya. Pero ang utos ko ay hanapin si Princess para maka-usap ko dahil hindi ko pa kasi natatanong si JX kung saan nga pala sila nakatira ni Princess.

Bumalik ako sa umpukan matapos kong makipag-usap.

Eh, JX, anak. Ngayon ba nakikilala mo na kami?” tanong pa rin ni Mommy. Parang nahiyang naman si JX.

Na-na-nararamdaman ko po na-na-na kayo ang Mo-mo-mommy ko pero hi-hi-hindi ko po si-sila matandaan!” ang tinitukoy niya ay sina tatay Ato at ang ibang mga kasama namin.

Mister M, ipapakilala ko sila sa'yo isa-isa. For sure, matatandaan mo rin sila.” Una kong ipinakilala si Tatay Ato at yumakap siya kay JX na teary eyed. Gumanti naman ng yakap si JX. Then si Nanay Sylvia, sina Sabel, Mari, Meanne, na mga yaya ng mga anak namin. Sina Riza, Candice na bagong mga kasambahay. Pati ang mga night shift na security guard dito sa bakuran para sa proteksiyon ng mga babies ko bukod pa don sa dalawa na naka-duty sa gate.

Joelle, hija, dapat ay mapatingnan natin sa doctor ang asawa mo kung possible pang bumalik ang tuwid niyang pagsasalita.” sabi ni Mommy.

Yes, Mom, magpapa-appointment agad ako bukas na bukas din. Kung puede po pakisamahan muna siya sa St. Luke's Hospital bukas after lunch. Susunod din po ako don may aasikasuhin lang ako sa opisina sa umaga.” May mga importanteng document kasi na kailangan kong pirmahan sa umaga. At yung meeting ko sa hapon ay ipapasa ko na naman kay Liam kung wala siyang ibang meeting.

Hijo, sino naman si Angelo? Bakit iyan ang ibinigay na pangalan sa iyo? At bakit ganon ang itsura mo kanina sumakay ka sa kotse ni Joelle – napaka dungis mo.” tanong ulit ni Mommy.

Ako na ang sumagot kung sino si Angelo. Naawa rin sila kay Angelo. At si JX ang nagkuwento kung saan siya nagti-trabaho. Sa isang construction site na building na nasa harap lang ng MGC. Ganon kalapit lang siya pero hindi ko nakikita. Kaya pala ganon siya kadumi kanina dahil sa construction siya. Naghahalo siya ng mga semento.

I can't imagine my husband who is the P/CEO of multi-billion company working as construction worker. Napakahirap ng pinagdaanan niya. Dati pakanta kanta lang at pa-pose pose ay malaki na ang kinikita niya huwag ng idamay ang pagiging CEO niya. Ngayon, masyadong mabigat ang trabaho niya para sa isang araw na minimum wage. Mas malaki pa ang sueldo ng ordinary employee sa MGC dahil above minimum ang sueldo nila.

Sinabi rin niya na lagi niya kong tinatanaw pero minsan lang niya ko nakita at sinundan niya daw ako papunta sa Heritage Park.

Tinanong din niya kung sino si Eric kaya ipinaliwag ko sa kanya kung sino sa Eric at ang ginampanan papel ni Eric sa buhay namin. Sumangayon naman siya dapat niya pala pasalamatan si Eric. Sinabi ko rin kung anong araw iyon at anong mahalagang okasyon iyon.

So, we-we-we miss to ce-ce-celebrate our two we-wedding a-a-anniversary?” tanong ni Mister. Tumango ako.

I ne-need to ca-ca-catch up with you then?” at ngumiti siya ng pilyo? Huh? Kilala ko na yang ngiti na yan at na-miss ko yan. Iyan ang ngiting may paka-manyak niya. Patulungin kaya ako ni Mister M, mamaya? Okay lang kahit hindi. Sobrang na-miss ko rin naman siya. Kahit i-celebrate namin mamaya ang lahat ng okasyon na miss namin. Ha ha ha. Napangiti rin ako ng pilya sa naisip ko. Baka hindi na ko makatayo bukas!

Para naman nakahalata na sina Mommy at nagpaalam ng uuwi na sa mansion dahil hatinggabi na rin naman. Oo, nga it's midnight already! Lumipat na rin ang mga kasambahay namin sa maids quarter.

Sa guest room ko na pinatulog si Gab dahil ayaw ko rin naman mag-drive na malayo lalo na't hating gabi na. May damit din naman siya sa guest room na ginagamit niya. Umakyat na kami ni Mister M sa silid namin.

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon