Chapter 30: Begging for Forgiveness

996 25 0
                                    

Joelle POV

14 February

Pagpasok ko pa lang sa silid ni Mister M (P/CEO Office) ay isang nakaluhod na Liam Nobledo ang sumalubong sa akin na may hawak pang bouquet of white orchids napakaaga pa 7:30 pa lang. Lagi pa rin akong maagang pumapasok sa opisina at madalas ay past six PM na nakakauwi lalo na't okay naman ang mga bata pag tinawagan ko sina Mama.

Sorry, Mrs. Montecillo, I can not say NO, to one of my boss.” sincere na paumahin ni Ann na kasunod ko sa silid.

It's okay, Ann, you can leave us here.” Dumarecho ko sa table ko at umupo sa swivel chair at hindi ko pinansin ang nakaluhod na lalaki. Binuklat ko ang mga folder na nakapatong sa table ko at inumpisahan magbasa.

Paluhod na lumakad papunta sa tapat ng mesa ko si Liam. “Joelle, please patawarin mo na ko. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ko pinapatawad.” Patay malisya ko na nagpatuloy sa pagbabasa. Parang wala akong naririnig. Akala mo makukuha mo ko sa paawa effect mo at pang-famas na acting. Nek nek mo! Best actress kaya ako dyan sa mga hindi nag-eexist na peg. Sa loob loob ko, eh, di huwag kang tumayo – ako ba nagpaluhod sa'yo! Kumita na yan scene na yan. Ginawa na ni GA yan sa kin dati. Parehas pang kayo may white orchids ha.

Joelle, patawarin mo na ko, araw ng mga puso ngayon, please open your big heart kahit pagpapatawad lang please!” narinig kong sambit niya pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Nawala sa isip ko ngayon umaga na 3rd wedding anniversary nga pala namin ni Mister M ngayon. Kagabi pa kasi ko nag-iiyak para sa araw na ito. Isang taon na mula ng magising ako sa pagkatulala at hindi ko pa rin nakikita si MKA.

Plano ko rin kagabi na dalawin ang puntod ni Eric. It's his 5th Death Anniversary. Tatlong taon ko na siyang hindi nadadalaw sa death anniversary niya. Nung 2nd death anniversary niya ay kasal namin ni MK. Nung 3rd ay nasa Harvard ako. Nung 4th ay nasa Canada ako. I feel guilty of not doing it. I need his help to find JX for me, he's my real GA anyway!

Tumayo ako at kinuha ang bouquet of white orchids mula kay Liam. “I need this, it doesn't mean na pinapatawad na kita. If you want to stay kneeling there – it's up to you!” pasuplada kong sabi kay Liam at ni hindi ko siya tiningnan sa mata niya at baka maawa ako. Sayang ang pang best actress peg ko. At lumabas na ko ng silid.

Ann, may pupuntahan lang ako. Babalik rin agad ako. Pakidalhan mo ng kape yung isang tao dyan na ka-agang mag-pilitensya. . . hindi pa naman mahal na araw.” Nilakasan ko talaga ang pagsabi ko para marinig ni Liam.

Okay, Mrs. Montecillo!”

Sumakay ako ng elevator, derecho sa lobby at parking. Sakay ako ng kotse at lumabas sa gate ng MGC. Tinahak ko ang landas papunta sa Heritage Park.

 Wala man lang kandila or fresh flower dito sa puntod ni Eric. Wala rin kasi sina Tito Enrico ngayon. Nung New Year kami huling nagkita at nabanggit na pupunta silang Italy na mag-asawa.

Inilagay ko ang bouquet sa harap ng picture niya at kina-usap ko siya.

Eric, pasensiya ka na sa tagal ng hindi ako nakadalaw sa'yo. I hope you still understand me as you always did. I really feel guilty. Yung bulaklak na binigay ko sayo, kinuha ko lang yan sa isang nag-so-sorry sa kin. Ni hindi ako nakabili ng kandila. Siguro alam mo rin kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Nawawala pa rin ang asawa ko. At kung nandito siguro siya baka hindi rin kita madalaw. Alam mo naman ikaw lang ang pinagseselosan non. I really hope that you do understand me. Makikiusap din ako sa iyo - please find him for me. Please, guide him home back to me! Sige, kailangan bumalik na rin ako sa opisina. Huwag kang masyadong matulog ng mahimbing!”

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon