Kapitulo XI - Vladmir at Ysabelle

1.1K 37 2
                                        


“VLADMIR?!“

Agad na namutla si Janina nang mapansin niyang tila nangingitim ang mukha ng kanyang anak dahil sa patuloy na pag-iyak nito.

Nang marinig naman ni Manang Ayang ang pagsigaw ni Janina ay agad siyang pumasok sa kwarto ng pamilya nito. Matama rin niyang sinuri ang hitsura ni Vladmir habang marahan itong idinuduyan ng mga bisig ni Janina.

“Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital dahil mukhang nahihirapan siyang huminga,” paliwanag niya.

“Sige po, manang. Tara na po,” natatarantang sagot ni Janina, na halos patakbo pang lumabas sa kanilang kwarto.

“Sandali lang, hija. Kumalma ka muna,” pigil niya rito. Nang mapansin niyang nagising na rin si Ysabelle ay kinarga na rin niya ito. “Mauna ka na sa kotse dahil ibibilin ko pa si Ysabelle kay Dora,” habilin pa niya.

"Sige po," sagot nito at tuluyan na siyang iniwan.

Namumugto na ang mga mata ni Janina dahil sa labis na pag-iyak nang makarating si Dmitri sa hospital. Patakbo niyang sinugod ang kinaroroonan ng kanyang mag-ina dahil sa pananaig na rin ng labis na pag-aalala.

“Mahal, nasa’n na si Vlad? Ano’ng nangyari sa kanya?”

“Mahal, si Vlad,” nanginginig na sabi ni Janina habang mahigpit siyang yakap nito.

“Ano po’ng nangyayari sa anak namin?” giit niya sa doktor na humarap sa kanilang mag-asawa.

“Base sa obserbasyon ko, nahihirapan ang inyong anak sa paghinga dahil sa posibilad na may depekto ang kanyang puso o baga.”

“Paanong nangyari ‘yon? Ayon naman sa newborn screening nilang magkakambal, healty silang dalawa ni Ysabelle,” paliwanag niya.

“Posible pong may mali sa resulta. Pero ‘wag po kayong mag-alala dahil sa test na gagawin namin ay masisiguro na natin ang tunay na kalagayan ng inyong anak.”

“Sana nga po,” malungkot na sagot ni Janina.

“Sige po, mauuna na ako. Pwede n’yo na pong makita ang anak n’yo,” ani ng doktor bago tuluyang umalis.

Kapwa sila napaiyak nang makita nilang may nakalagay ng tubo sa bibig ni Vladmir upang makahinga siya ng maayos.

“Vlad, nandito na si Mommy at Daddy,” ani Janina habang marahan niyang hinahaplos ang aparatong iyon.

“Gagawin namin ang lahat para gumaling ka, anak,” aniya habang matama niyang pinagmamasdan ang maamong mukha ng kanilang munting anghel.

Muling napahagulgol si Janina sa dibdib ng kanyang asawa dahil hindi siya makapaniwalang ang munti nilang anghel ay nakakaranas na ng ganitong paghihirap.

“Mahal, manalig tayo sa Diyos na pagagalingin niya si Vlad sa lalong madaling panahon,” ani Dmitri habang hinahaplos ang kanyang likod.

“Naniniwala ako, mahal. Alam kong hindi Niya pababayaan ang ating mga anghel.”

Sabay silang pumikit upang taimtim na manalangin. Na tangi nilang sandigan sa mga ganitong pagkakataon.

Lord, kayo na po ang bahala sa aming anak. Nanalig po kami sa Inyo…

ISANG kakaibang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi nang makalabas na ang kotseng kanyang minamaneho sa malaking tarangkahan ng Morris Paradise.

"Sisiguraduhin kong hinding-hindi n'yo na ako makikita pa," giit pa niya habang matama niyang pinagmamasdan ang unti-unting pagsasara nito.

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon