Kapitulo III - Bloody Gift

1.7K 50 4
                                        


Sa malaking simbahan ng St. Paul Church ginanap ang binyag nina Jan Vladmir at Jana Ysabelle. Dumalo sa okasyon ang buong pamilya ni Janina at ang malalapit nilang mga kaibigan ni Dmirtri.
"Ngayon ay mga ganap ng Kristiyano sina Jan Vladmir at Jana Ysabelle..."

Sabay na niyakap nina Janina at Dmitri ang kanilang mga anak matapos iyong sabihin ni Fr. Reamon.

Kasunod niyon ay sama-sama nang kinuhanan ng litrato ang kanilang buong pamilya. Kabilang ang mag-asawang Xeanna at Lawrence kasama ang kanilang anak na sina Kiero Xerence at Kiera Xerene.

Ilan sa mga naging ninong ng kanilang kambal ay sina Mr. Xero Ceresola Bueza, Mr. Richard Jamile, ang Presidente ng Morris Group of Companies. Mr. Joven Villegas, ang Vice-President. Gayundin ang halos lahat ng stockholders ng kanilang kompanya, kabilang sina Mr. Edison Ocampo, Mr. Argie Tulid, Mr. Mark Anthony Garcia, Mr. Marcelo Delposo, Mr. Antonio Supas, Mr. Felipe Fucidio, at Mr. Jose Garcia. Gayundin ang ilang tauhan nila sa resort na sina Mr. Rogelio Banza, Mr. Vincent Paul Nebrao, Mr. Ronald Valete, Mr. Jorgen Miranda, Mr. Chris Rico, Mr. Gloriven Rama, at Mr. Edgar Begornia. Ilan sa kanilang mga ninang ay sina Mrs. Desie Gregorio, Mrs. Faith Sy, Mrs. Maria Remedios Narvaez, Ms. Gerarda Ruiz, Mrs. Christy Bachoco, Ms. Shiela Mary Lorenzo, Mrs. Mitchel Polido, Mrs. Emilia Gargallo, Ms. Cherleen Dulla, Ms. Lyziel Palgan at si Dra. Kim Biong.

Habang nagaganap ang tagpong iyon ay isang tao ang matama namang pinagmamasdan ang mga munting anghel na sentro ng kasiyahan ng mga taong naroon.

"Sige lang. Magpakasaya kayo hanggang may pagkakataon pa kayong makasama sila," giit niya bago lumabas ng simbahan.

Nakaramdam ng pagtataka si Commander Bunsol nang mapansin niya ang biglaang paglabas ni Commander Salinas sa simbahan kaya agad niya itong sinundan.

Mahigit isang buwan na silang magkasama nito ngunit hindi talaga niya magawang magtiwala sa kanyang kapareha. Isa pa, likas na rin sa kanya ang pagiging mailap dahil ilang beses nang sinira ng ibang tao ang pagtitiwala niya. 

"Maging alerto kayo sa mga posibleng mangyari." Ito ang narinig niyang sinabi ni Commander Salinas sa kanilang mga tauhan na nakapwesto sa labas ng simbahan.

"Ako ba'ng hinahanap mo, Bunsol? Kailangan na ba 'ko ni Sir Dmitri?"

Hindi niya akalaing napansin pala nito ang kanyang pagsunod. Hindi na siya nakaimik pa nang harapin siya nito at biglaang tanungin. Kaya agad siyang tumalikod upang bumalik sa loob ng simbahan.

Akala mo ba hindi ko alam ang iniisip mo sa’kin, Bunsol. Hinding-hindi mo ‘ko makikilala ng lubusan, ani Salinas sa kanyang sarili nang mapansin niyang naiinis na umalis si Bunsol.

SA MORRIS Paradise ginanap ang malaking handaan para sa kambal. Matinding pagbabantay muli ang ipinag-utos nina Commander Salinas at Bunsol sa kanilang mga tauhan para sa sekyuridad ng mga taong naroon.

Ang tema ng okasyon ay tila isang malaking palasyo sa ilalim ng karagatan. Sina Jan Vladmir at Jana Ysabelle ay nagmistulang mga sanggol na sireno at sirena. Kapwa sila nakahiga sa isang malaking kuna, na pinalamutian na gaya ng isang malaking kabibe. Si Janina naman ay nakasuot ng isang mahabang gown na kulay berde, na mistulang buntot ng isang sirena. Syempre si Dmitri ay isang berdeng pantalon lamang ang tanging suot bilang isang matipunong sireno.

“Lyziel, nakahanda na ba ‘yong mga souvenirs na ipapamigay natin sa mga bisita?”

“Opo, Miss Nina. Ipinayos ko na po sa kanila.”

"Okay."

Abala si Janina sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita nang mapansin niya ang paglapit ng isang matangkad na babae sa mesa kung saan nakalagay ang mga regalo para sa kanyang mga anak. Isang maliit na pulang kahon ang inilapag nito roon at agad ding umalis.

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon