Limang minuto na lamang bago mag-alas syete ng gabi nang makarating si Dora sa dalampasigang bahagi ng Morris Paradise. Agad siyang nagpadala ng isang text message sa numerong +639177408170 upang sabihing naroon na siya sa kanilang tagpuan.
“Sana nga sabihin niya sa’kin ang lahat ng gusto kong malaman,” giit niya habang pinagmamasdan ang isang larawan.
Ang larawang ito ang tanging laman ng brown envelope na natanggap niya noong siya ay nasa hospital. Makikita rito ang tatlong tao, isang lalaki, isang babae, at isang batang babae, na sa palagay niya ay magkakapamilya. Isang mensahe pa ang nabasa niya sa likod nito;
Gusto mo bang malaman ang katotohanan sa mga bagay na gumugulo sa isip mo?
Pumunta ka sa tabing-dagat ng Morris Paradise sa November 10, alas syete ng gabi. Hihintayin kita...
Hindi na siya nagdalawang-isip pa na makipagkita sa taong iyon dahil nakilala na niya ang isa sa tatlong taong nasa larawang ito.
“Good evening, Isadora Katigbak Narvaez…”
Agad siyang napalingon nang marinig niya isang baritonong boses, na mula pala sa isang matangkad na lalaking nakasuot ng puting kasuotan, na sa tingin niya ay uniporme ng isang doktor.
“Sino ka? Ano’ng gusto mong sabihin sa’kin?”
“Hindi mo na ba ‘ko naalala?” tanong nito kasunod ng isang ngiti kaya napakunot na lang ang kanyang noo dahil sa pagtataka. “Ako si Dr. Jomar Legaspi, ang doktor mo,” pagpapakilala rin nito.
Nakakasiguro siyang ngayon lang niya nakita si Dr. Legaspi dahil ang pangalan lamang nito ang naririnig niya mula kay Manang Ayang. Ayon pa kanyang tiyahin, ito ang pansamantalang nag-alaga sa kanya nang mawala siya sa kanyang katinuan. Ipinagamot siya nito at tinutulungang makabalik sa Hacienda Morris.
“Hindi lang ‘yon ang gusto kong malaman.” Agad niyang ipinakita rito ang hawak niyang larawan. “Sino ang mga taong ‘to? Ano’ng koneksyon nila sa buhay ko?” giit pa niya.
Hindi agad sumagot si Dr. Legaspi, bagkus ay kinuha nito sa kanyang kamay ang larawang iyon. "Hindi ba kilala mo na ang isa sa kanila?" tanong nito habang itinuturo ang taong iyon.
"Oo. Siya ang babaeng nasa panaginip ko," pagpapatotoo niya. "Sino ba talaga siya?"
Isang malapad na ngiti ang isinagot sa kanya ni Dr. Legaspi. Tinalikuran pa siya nito kaya hinarangan niya ito dahil sa kalituhan.
"Akala ko ba, sasabihin mo lahat ng gusto kong malaman? Ba't iiwan mo na lang ako rito?" panunumbat niya.
"Kung gusto mong malaman ang lahat, kailangang mong sumama sa'kin. Pero hinding-hindi ka na makakabalik sa Hacienda Morris," seryoso nitong sagot.
Hindi agad siya nakasapagsalita dahil sa kondisyon nito. Malalaman nga niya ang buo niyang pagkatao pero malalayo naman siya sa mga taong malaking bahagi ng kanyang buhay.
"Ano, sasama ka ba?"
"Sasama ako p-pero..." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa pag-alis ni Dr. Legaspi. Kaya wala na siyang nagawa kundi sundan ito.
Magpapaalam na lamang siya kina Dmitri at Janina kapag nalaman na niya ang lahat ng katotohanan.
GUSTONG-GUSTO ko ng makita ang nawawala kong anak na si Nathaniel. Hindi ko na hahayaang magkalayo pa kaming mag-ina kaya pasensya na kung 'di na 'ko nakapagpaalam sa inyo.
BINABASA MO ANG
I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)
Misteri / ThrillerBook 2 | IKWKM Trilogy July 2007, pitong tao ang pinatay ng isang serial killer, si Dmitri Morris upang pagbayarin sila sa kanilang mga nagawang kasalanan pitong taon na ang nakakalipas... Sapat na nga ba ang pananatili ni Dmitri sa kulungan sa loob...
