Kapitulo V - Tatlong Pag-ibig

1.4K 37 3
                                    

Paulit-ulit na binasa ni Dora ang lumang sulat na kanyang natagpuan sa dating kwarto ni Dmitri. Gusto niyang malaman kung hanggang saan nga ba ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay Dmitri. Nagbabasakali rin siyang maibalik ang ilang bahagi ng kanyang alaala upang lubos niyang maintindihan kung bakit nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

"Dora, itigil mo na ang ginagawa mo bago pa ‘yon malaman ni Sir Dmitri.”

Hindi na naituloy pa ni Dora ang muling pagpasok sa dating kwarto ni Dmitri nang marinig niya ang seryosong boses ng kanyang Tiya Ayang kaya agad niya itong hinarap.

“Ano po’ng ibig n’yong sabihin?” pagkakaila niya. Iniwasan niya ring tumingin sa mga mata nito dahil ayaw niyang mapansin nito ang pagsisinungaling niya.

“Alam mo ang sinasabi ko,” giit nito.

“Pasensya na po Tiya Ayang. 'Di ko na po uulitin ‘yon.” Napilitan na rin siyang sumagot na lang bago siya tumalikod upang umiwas na sa iba pa nitong sasabihin. "Aalis na po ako," magalang pa rin niyang pamamaalam dito.

Tama nga ang ginawa niyang hindi pag-uusisa sa kanyang tiyahin ng tungkol sa kanila ni Dmitri dahil alam niyang pagsasabihan lang siya nitong ‘wag na iyong alamin sapagkat posible iyong maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa. Ito rin naman ang iniisip niya pero may isang bahagi ng puso at isipan niya ang nag-uudyok na kailangan niyang malaman ang kanilang nakaraan.

Kung noon ay mabilis niyang nakalimutan ang madilim niyang nakaraan, ngayon ay buo na ang loob niyang unti-unting ibalik ang kanyang mga alaala. Kung ano man ang mga hindi kaaya-ayang magbabalik ay kailangan niyang tanggapin at harapin upang maipagpatuloy ang kanyang buhay.

Naiiling na pinagmasdan ni Manang Ayang ang unti-unting paglayo ng kanyang pamangkin. Alam niyang hindi pa rin titigil si Dora sa pag-ungkat ng nakaraan nito. Akala niya tuluyan na nitong nakalimutan iyon pero nagkamali pala siya.

Isa siya sa mga naging saksi sa unti-unting pag-usbong ng pag-ibig sa puso ni Dora para kay Dmitri. Labing-dalawang taong gulang pa lamang si Dora nang manirahan ito sa Hacienda Morris. Napagdesisyunan nilang mag-asawa na ampunin na ito dahil sa pagkamatay ng mga magulang at mga kapatid nito dahil sa isang malaking sunog.

Agad na nakasundo ni Dmitri ang kanyang pamangkin dahil tanging ito lamang ang kaedad ng binatilyo na naninirahan sa loob ng mansyon. Mas lalo pa silang naging malapit sa isa’t-isa nang mamatay ang mga magulang ni Dmitri sa isang aksidente noong ito ay labing-walong taong gulang. Habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan ay unti-unti  na rin palang nahuhulog ang loob ni Dora sa kanilang amo.

Nang magkaroon nang lakas ng loob si Dora na ipagtapat ang kanyang nararamdaman kay Dmitri, kasabay naman niyon ang pagpunta nito sa Maynila upang doon na manirahan. Simula noon ay hindi na sila nagkita pa ni Dmitri dahil hindi na ito bumalik pa sa Hacienda Morris.

Muli lamang silang nagkita ni Dmitri nang makulong na ito dahil sa pag-amin bilang pangunahing suspek sa pagkamatay ng pitong tao. Sa loob ng ilang taon ni Dmitri sa kulungan ay halos tatlong beses lamang nitong hinarap si Dora.

Nang malaman ni Dora ang pagkakaroon ni Dmitri ng kasintahan ay sobra siyang nasaktan. Hanggang sa napilitan siyang palayasin na si Dora sa Hacienda Morris dahil sa pakikipagrelasyon nito sa isang lalaking hindi niya gusto. Pero alam niyang ginawa lamang iyon ni Dora upang tuluyang makalimutan nararamdaman nito para kay Dmitri.

“Sana ‘di mo na ungkatin pa ang lahat, iha. Siguradong ikaw lang din ang masasaktan sa huli," aniya nang makapasok siya sa loob ng dating kwarto ni Dmitri upang maglinis doon.

"MAHAL, miss na miss na kita," malambing na sabi ni Dmitri habang kausap niya sa telepono si Janina.

"Miss ka na rin namin, mahal. I love you," sagot nito.

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon