Epilogo

1.4K 42 6
                                        

 

“Hindi ako makakapayag na masayang lang ang halos pitong taon kong paghihintay para makapaghiganti sa kanya…”

Isang misteryosong lalaki ang nakaharap ngayon sa tatlong computer monitor na nagtataglay ng anim na video-ng kuha mula sa ilang cctv cameras.

“Dahil sa pakikialam n’yo ay magbabago ang mga plano ko.”

Matama niyang pinagmasdan ang mga taong nakikita niya roon bago niyang binuksan ang speaker upang marinig siya ng mga ito. Sa oras na magtagpo sila ng pinakahihintay niyang manlalaro ay magsisimula na ang isang larong hinding-hindi nila makakalimutan.

 “Get ready for a week of deadly survival game.”

Umalingawngaw ang nakakatakot niyang boses sa loob ng anim na kwartong nagsisilbing kulungan ng anim na taong magiging kalaro ni Dmitri Morris.

 ©2014.Mysterious Eyes | Xerun Salmirro

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon