Kapitulo II - Manang Ayang

1.9K 43 0
                                        

"Totoo 'yon, hija. Talagang napakapilyo niyang asawa mo noong bata pa siya. Kaya nga dumami agad ang mga puti kong buhok dahil sa konsimisyon sa kanya."

Hindi na napigilan pa ni Janina ang kanyang pagtawa dahil sa ikinuwento ni Manang Ayang. Lalo na nang mapansin niyang nagkunwari pa si Dmitri na walang naririnig kahit pa ilang hakbang lang naman ang layo nila sa kinaroroonan nito. Naroon ito ngayon sa kanilang veranda habang nagbabasa ng ilang papeles na ipinadala rito mula sa Maynila. Sila naman ay nasa salas dahil tinutulungan siya ni Manang Ayang sa pag-ayos ng photo album nina Vladmir at Ysabelle.

"Halos malibot ko ang buong hacienda araw-araw para lang mahanap siya," natatawa pang dagdag ni Manang Ayang.

"Sandali lang po," bulong niya rito na pansamantalang huminto sa pagkukuwento nang itinuro niya si Dmitri. Saglit niya itong iniwan upang lambingin ang kanyang asawa.

Mahigpit niyang niyakap si Dmitri mula sa likod nito. "Naniniwala po ako sa inyo, Manang Ayang. Kahit po ngayong malaki na siya, napakakulit pa rin niya," pagbibiro pa niya, "Kaya nga po pinakasalan ko siya kasi nakulitan ako sa kanya," sarkastiko pa niyang paliwanag habang nakatitig sa mga mata ng kanyang asawa.

Isang mariing halik sa labi naman ang iginanti ni Dmitri dahil sa kanyang kakaibang paglalambing. Kaya naman hindi na siya nakapagsalita pa dahil sa pagkabigla sa ginawa nito.

"Sige mahal, kukulitin pa ba kita uli?" natatawa pang tanong ni Dmitri nang magkalas ang kanilang mga labi.

"Grabe ka, mahal. Hindi ka na nahiya kay manang oh," sagot niya na labis na ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Sabay pa nilang binalingan ng tingin si Manang Ayang na napangiti na lang din dahil sa kanilang ginawa.

"Mahal, okay lang 'yan kay Manang," nakangising sagot ni Dmitri. Kinindatan pa niya si Manang Ayang kay nag-thumbs-up ito. "Kilalang-kilala niya 'ko kaya alam niyang hindi ko mapipigilan ang sarili ko lalo na kapag ganito kaganda ang asawa ko," paliwanag pa nito habang marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

Lalong namutawi ang matingkad na ngiti sa kanyang maamong mukha dahil sa simpleng papuri ni Dmitri. Hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan kanyang nararamdaman dahil sa pagmamahal ng kanyang asawa.

"Kaya mahal na mahal kita kasi alam kong kahit binobola mo lang ako, alam ko rin namang may basehan 'yon," ganti niyang biro kay Dmitri.

"Bagay talaga tayo mahal kasi napakakulit mo rin," sagot nito.

Muling siniil ng halik ni Dmitri ang kanyang mga labi kaya pareho silang napangiti nang matapos iyon. Nang muli nilang lingunin si Manang Ayang ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Marahil nahiya na ito sa kanila kaya umalis na lang.

"Ano pang ikinuwento sa'yo ni Manang?" nakangising pang pag-uusisa sa kanya ni Dmitri.

"'Yong mga kalokohang ginawa mo noon." Inaamin niyang mas lalo pa niyang nakilala si Dmitri dahil sa pakikipagkwentuhan niya kay Manang Ayang. Tila ba ito ay isang inang nagkukuwento ng mga bagay na ginawa ng kanyang anak. "Gaya no'ng hinabol ka ng mga bubuyog kaya nagtago ka sa inuman ng mga kabayo n'yo," natatawa niyang paglalahad.

"Naaalala ko rin 'yon, mahal. Alam mo bang namaga ang buo kong katawan dahil sa bee sting," saad pa ni Dmitri.

"Wala no'n ang Mama at Papa mo kaya si Manang Ayang ang nag-alaga sa'yo hanggang sa gumaling ka," dagdag pa niya.

"Gano'n niya ako kamahal bilang isang anak. Alam mo bang masaya ako dahil nagkalapit na kayo ni Manang. Alam mo bang ang mga taong mahalaga sa'kin ay mahalaga din sa kanya," paliwanag pa ni Dmitri.

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon