Kapitulo VIII - Lihim

1.2K 29 8
                                        


First Author's Note:

Ang kapitulong ito ay naglalaman ng ilang mga maseselang eksena. Kapag binabasa mo na,'wag mo na lang gawin sa harap ng maraming tao.

MARAHAS niyang itinulak ang hubad nitong katawan patungo sa kanilang malambot na kama.

"Akin ka ngayong gabi. Akin ka lang," gigil niyang sabi habang marahan niyang hinahaplos ang maamo nitong mukha. Hindi niya hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng kanyang ginawa upang magkasama sila ngayong gabi.

Isang mariing halik ang ipinagkaloob niya sa mapupula nitong mga labi. Ilang segundo siyang nagtagal dito dahil sa kakaiba nitong lasa, na tila unti-unti na niyang kinahuhumalingan.

Makalipas ang ilang segundo ay unti-unti na niyang pinagapang ang kanyang nag-aalab na dila mula sa leeg nito pababa sa malalapad nitong dibdib. Itinatapat pa niya ang tainga niya rito kaya napangiti siya nang marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso nito. Tila isinisigaw nito ang kanyang pangalan…

“Mahal…”

Napaangat ang kanyang ulo nang maramdaman niya ang paghaplos ng kamay nito sa kanyang pisngi. Hanggang sa naging sunud-sunuran na lamang siya nang unti-unti nitong inilalapit ang kanyang mukha sa mukha nito. Hindi na rin siya tumutol pa nang sabihin nitong umupo siya sa mga nakakatakam nitong abdominal muscle o abs.

"Mahal, akin ka lang. Hinding-hindi ako makakapayag na mawala ka sa buhay ko," malamyos nitong bulong kasunod ang pagsiil nito ng halik sa kanyang mga labi.

Mas lalo pang naging mapusok ang kanilang paghahalikan dahil kapwa sila hinihingal sa bawat pagtatama ng kanilang mga dila. Mas lalo ring umigting ang nararamdaman niyang init nang marahan ng gumapang ang dila nito sa kanyang leeg pababa sa kanyang malulusog na mga dibdib.

Impit siyang napaungol nang paglaruan nang dila nito ang mala-rosas na korona ng kanyang kanang dibdib, habang minamasahe naman ng kamay nito ang isa pa. Sinasabayan naman niya iyon ng marahang pag-indayog ng kanyang katawan.

"Akin ka lang, mahal ko. Akin ka lang..." nanginginig niyang bulong sa tainga nito.

Ilang minuto pa nilang pinaligaya ang bawat isa bago sila humantong sa nakakapanabik nilang pagsasanib. Sa pagkakataong iyon ay naging marahas na ang galaw ng kanyang minamahal, kaya hindi niya napigilan ang pagbulalas ng kanyang sariling tinig nang makuha na nito ang kanyang pinaka-iingatang pagkakababae.

Kapwa silang iginupo ng pagod dahil sa ilang ulit na paglalakbay patungo sa kasukdulan ng kanilang kaligayahan. Subalit nanatili siyang gising dahil sa kanyang pagsasariwa sa bawat tagpong naganap sa pagitan nilang dalawa.

“Sisiguraduhin kong hinding-hindi mo ‘ko makakalimutan,” aniya habang marahan niyang hinahaplos ang malapad na dibdib ng kanyang minamahal, na mahimbing pa ring natutulog sa kanyang tabi.

Sa huling pagkakataon ay mariin niyang hinalikan ang labi nito. Matapos iyon ay tumayo na siya upang maligo, linisin ang kanyang katawan sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagkaloob niya sa isang lalaki.

ALAS DOSE na nang gabi kaya lalo pang nangibabaw ang takot sa buong pagkatao ni Janina dahil hindi pa nakakauwi si Dmitri sa bahay ng kanyang Ate Celine. Hindi rin niya makontak ang cellphone nito kaya muli niyang naalala ang matalingahang sinabi ng taong tumawag sa kanya kaninang hapon.

“Pa’no kung nanganganib ang buhay ni Dmitri dahil sa taong ‘yon? Pa’no kung napa---”

Nanlulumo siyang napaupo sa kanyang kama nang maisip niya ang mga posibilad na nangyari kay Dmitri. Hindi niya kakayanin kung mawawala sa kanilang buhay ang kanyang pinakamamahal.

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon