Kapitulo VII - Tawag

1.2K 33 6
                                    

Ipinakansela ni Dmitri ang isang importanteng meeting upang makipagkita kay Inspector Estrada sa isang sangay ng Golden Coffee Bean coffee shop. Pasado alas dos na siya nakarating doon dahil sa pagkaipit sa bahagyang trapiko sa Ayala. Bago bumaba ng kanyang kotse ay inalis muna niya ang kanyang suot na tuxedo. Nagsuot din siya ng eyeglasses upang bahagyang itago ang kanyang pagkakakilanlan.

"Sorry, na-late ako," aniya nang makaupo siya sa upuang nasa harap ni Inspector Estrada.

"Okay lang po, sir," sagot nito.

Agad ding kinuha ni Inspector Estrada ang isang brown envelope sa kanyang dalang bag at ipinatong sa kanilang mesa.

"Ano ang mga bagong impormasyon ang nalaman mo tungkol sa kanilang dalawa?"

"Ayon sa isang impormante ko, limang araw na ang nakakalipas nang mamatay na si Dr. Marcial Lozano dahil sa sakit niyang Liver Cirrhosis," paglalahad nito.

Sa pagkakataong ito ay binuksan na niya ang laman ng envelope upang malaman ang iba pang impormasyong tungkol sa pamilya nina Enrique Diaz at Lawrence Lozano.

"Ilang linggo matapos mamatay sina Enrique at Lawrence, nagkaroon ng anxiety disorder ang ina ni Enrique na si Teresa hanggang sa tuluyan na rin itong mabaliw. Wala ng nagawa si Dr. Marcial kundi ipasok sa isang mental institute ang kanyang asawa," pagpapatuloy ni Inspector Estrada.

Ayon pa sa mga laman ng envelope, hanggang ngayon ay nasa mental hospital pa rin si Teresa. Tanging sumusuporta sa pangangailangan nito ay ang mga kapatid nitong may kaya sa buhay.

Malalim siyang bumuntung-hininga nang mapagtanto niyang dalawang buhay na naman ang naapektuhan dahil sa kanyang ginawa noon. Kahit nabaliw lamang si Teresa, tila pinatay na niya rin ito dahil tatlong importanteng tao sa buhay nito ang nawala.

Alam niyang hindi niya dapat sisihin ang kanyang sarili sa pagkamatay ng mga kamag-anak ng pitong taong kanyang pinatay noon ngunit nananaig pa rin ang kanyang pagsisisi dahil siya ang nagsimula ng pighati ng mga ito.

"Maraming salamat sa mga impormasyong 'to. Ipapa-deposit ko na lang sa account mo ang bayad ko," aniya matapos niyang maibalik ang mga dokumentong iyon sa loob ng brown envelope. Agad din siyang tumayo upang umalis na sa coffee shop na iyon.

"Hanggang saan ka dadalhin ng paniningil ng konsensya mo, Dmitri Morris?" ani Inspector Estrada habang matamang pinagmamasdan ang paglabas ng kanyang kliyente.

Sa loob ng ilang buwan nilang pangangalap ng mga impormasyon ni Inspector David ay nasisiguro niyang hindi pa rin sapat ang mga iyon upang tuluyang matahimik ang konsensya ni Dmitri.

Minsan, pakiramdam niya ay nag-aaksaya lamang sila ng panahon dahil kahit ano pang malaman ni Dmitri ay hindi na rin nito maibabalik ang mga buhay na naapektuhan dahil sa pagpatay niya sa pitong taong iyon.

"Sabagay, aanhin mo nga naman ang pera kung nilalamon ka naman ng konsensya mo? Gagastos ka ng kahit ilang libong piso malaman mo lang ang naging resulta ng mga kasalanang ginawa mo," giit niya.

Malaking sahod lang naman ang nag-uudyok sa kanyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Sapagkat halos tig isandaang libong piso na rin ang natanggap nila ni Inspector David mula kay Dmitri. Bawat mahahalagang impormasyon ay may katumbas na malaking halaga. Kaya sinisiguro nilang bawat impormasyong kanilang makakalap ay malaki ang koneksyon sa kanilang kliyente.

Sampung minuto pa matapos umalis ang kotse ni Dmitri nang magpasya siyang umalis na rin sa coffee shop. Nang makalabas siya roon ay isang tawag ang kanyang natanggap mula sa isang importanteng tao.

“Sige, pupunta ako d’yan ngayon din,” aniya bago siya pumara ng isang taxi upang mabilis na makarating sa lugar na iyon.

PAREHONG napangiti sina Janina at ang kanyang Ate Celine nang makita nila ang pakikipaglaro ng isang taong gulang na anak nitong si John Lester sa kambal na magkasamang nakahiga sa isang kuna.

I Know Who Killed Me 2 (Published under LIB DARK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon