Chapter 2: New Neighbor

640 36 12
                                    

Sunday Morning! Good morning sunshine! Todo stretch pa ako habang tinitignan ang papasikat na araw dito sa may balcony. Sembreak na pero ang aga ko pa ring nagigising. Tulog pa sina Mama at Papa pati si Ate Alice pero gising na si Manang Ising at nagluluto na ng almusal. Matapos panuorin ang breath-taking sunrise, bumaba na ako para mag-breakfast.

* * * * *

10:00am.

Kung ang ibang estudyante ay may kanya-kanyang gimik or outing during sembreak, ako 'eto mas feel ko ang magbabad dito sa bahay at magpatugtog. Pwede ring mag-movie marathon or read a good book.

Kasalukuyan akong nag-i-strum ng guitar nang tinawag ako ni bestfriend mula sa kabilang bahay (tinatalon ko na nga lang minsan 'yon papunta sa kanila kapag tinatamad akong bumaba at gano'n din naman siya).

"Khaki punta ako dyan." Sabay talon papunta sa'kin.

"Parang akyat bahay lang a?" tukso ko sa kanya.

"Sus mana lang ako sa'yo, best."

"Himala at naka-tengga ka sa inyo ngayon. Wala kang gala?" tanong ko sa kanya as I set aside my guitar.

Nakapanlakad ang get up nya pero nasa bahay lang naman siya. Ayos din ang isang ito, e.

"Hmm...tinamad akong bigla tsaka navivibes ko na may kakaibang mangyayari ngayon."

"Wow best kailan pa sumanib ang kaluluwa ni Nostradamus sa'yo?"

"Ngayon lang." Sabay pag-iiba ng timbre ng boses.

At sabay pa kaming humagalpak ng tawa.

* * * * *

Nasa kasarapan kami ng kwentuhan ni Mel nang may tumigil na kotse sa may tabi ng bakanteng bahay. Sabay pa kaming napadungaw sa ibaba.

"Big time naka-Porsche!"

"Oo nga best mukhang may titira na sa kabila so may new neighbor na tayo!" Excited na sabi ko.

"Sana chicks para madiskartehan agad."

"Wish mo lang!" pang-aasar ko sa kanya.

Lumabas na ng kotse ang taong lulan nito.

"Sorry best, fail ang Nostradamus mode mo. It's a guy." I pat his shoulder.

"E 'di siya ang itinadhana sa'yo Cassiopeia Krista." 'Langya ginamit na naman nya 'yong boses nya kanina at tinawag pa ako sa real name ko, tsk.

Bigla ko tuloy siyang binatukan.

"It's Khaki. K-H-A-K-I." I said, emphasizing my nickname.

Nakatunganga pa rin kami sa ibaba at nakita namin na tinanggal ni Porsche guy ang shades nya.

"Gwapo.." Duet namin pero pabulong lang.

I examined his looks. Rugged-look (on his attire) oh yeah, mukha siyang band vocalist. Black shirt na fitted sa kanya kaya lutang ang kamacho-han nya (Oh, Khaki stop!), faded black jeans and black Chucks. Rocker ang kuya mo, ang ipinagkaiba lang "neat-looking rocker" siya physically kasi wala akong makitang any trace of piercings or tattoos around his body.

Napatingin siya sa tapat ng hinituang bahay at kinuha ang cellphone mula sa front pocket nya.

"Hey bro, nandito na 'ko sa bagong lilipatan ko," - that musculine voice

Tumango-tango ito habang nakikipag-usap at narinig namin ang "Okay" bago nito ibalik ulit ang cellphone sa bulsa. This time sa amin naman siya matamang nakatingin. OMG gwapo talaga!

Sumaludo si Mel kay Porsche Guy. "Welcome new neighbor! Antayin mo kaming makababa!"

Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon