KHAKI'S:
Kapag sinuswerte ka nga naman. Ang gwapo na nga ng kasama ko, LIBRE pa ang groceries ko. Yes LIBRE LAHAT AS IN LAHAT-LAHAT. After makipag-debate sa kanya sa counter ay naiabot na nya agad ang credit card nya sa cashier at nai-swipe na ito kaagad. Grabehan!
"Tara early lunch muna tayo," sabi nito habang palingon-lingon at naghahanap ng makakainan.
"Wag na JAE, umuwi na kaagad tayo. I'll cook our lunch, bawal tumanggi." Dire-diretsong sabi ko baka kasi tumanggi pa.
Napataas ang dalawang kilay nito. "Well, that's a good idea. I prefer home-cook meals than restaurant's." Tumatango-tango pa siya habang nakahawak ang kamay sa baba.
"Don't worry, kasama natin si Mel dahil sa amin siya maglalunch ngayon," sabi ko habang papalabas na kami ng hypermarket.
* * * * *
SARMIENTO'S RESIDENCE
Inilagay ko na sa kusina ang mga pinamili ko (na si JAE naman ang nagbayad) at inihanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Buti na lang at nakagawa na ako ng vegetable salad at Tiramisu kanina bago kami pumunta ng hypermarket. Si JAE naman ay kinakausap si Manong na driver ng truck na nagdala ng mga furniture. Si Mel naman ay busy sa pakikipag-chat sa laptop ko.
Adobo, stir-fry veggies at grilled fish fillet ang menu ko ngayon. 'Yong adobo request ni JAE, 'yong grilled fish fillet naman kay Mel at 'yong stir-fry veggies ay request nilang dalawa.
After one hour ay nailuto ko na silang lahat at nakasaing na rin ako. Yes, I'm a NINJA!
Pagkatapos ko i-set ang table ay tinawag ko na sila. "Guys, kakain na!"
"Wala ka pa ring kupas bestfriend mukhang masarap 'tong lunch natin ngayon!"
"Sentensyahan na 'yan." Naupo si JAE sa may tapat ko.
"Okay fight!" excited pa ako matapos ilagay sa lamesa ang pitsel ng fresh orange juice.
* * * * *
"Ang sarap mo talaga magluto bestfriend!" sabi ni Mel habang kumakain ng Tiramisu
"Pwede ka na mag-asawa," segunda naman ni JAE.
"Asawa agad-agad? Hindi ba pwedeng boyfriend muna?" tanong ko habang naglalagay ng Tiramisu sa platito.
"E 'di ang swerte naman ng boyfriend mo." sabay subo nito ng Tiramisu.
"Oo swerte nga kaso wala akong boyfriend!" Tumawa pa ako ng medyo maapaklal
"Sa ganda mong 'yan?"
Nasamid tuloy ako. Ehem!
Inabutan naman ako ni Mel ng orange juice. "Dahan-dahan kasi sa pagsubo Khaki, di ka naman namin uubusan ni Jager." Asar!
"E 'di maswerte rin ang girlfriend mo sa'yo kasi marunong kang magluto?"
"That is, if I have a girlfriend."
"Sa gwapo mong 'yan?" nirevise ko lang ang tanong nya kanina.
Bigla siyang nagblush. Ang cute lang hihi.
"Tama na nga 'yan, baka in the end e kayong dalawa ang magkatuluyan," panunukso ni Mel.
"...." speechless tuloy kami pareho ni JAE.
"O paano alis na muna ako Khaki punta ako ng DFA at magrerenew ng passport. Baka kasi bigla akong papuntahin ng Mexico nina Mommy. Jager ikaw na muna bahala sa bestfriend ko." Tumayo na ito at humalik sa cheek ko.
"Ingat bestfriend."
"Ingat sila sa'kin," then he winked.
Inihatid na lang namin siya ng tanaw ni JAE palabas ng pinto.
A/N: Si Mel 'yang nasa picture.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) √
Teen FictionTwo-rockers, different attitudes. Will they cope up with their differences? 10172014 03022015