KHAKI'S:
Umaga na naman at kahit late na ako natulog ay maaga pa rin akong nagigising. Abangers kasi ako ng sunrise. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa balcony. Just right on time, ang ganda talaga!
Pagkatapos ay inayos ko na ang higaan ko at pumunta sa bathroom (may sarili akong bathroom sa kwarto) para maligo. Napili ko naman suotin ang printed shirt ko na may nakalagay na The Used sa harap at camouflage shorts na below the knee. 'Di ko trip magsuot ng maiikling shorts.
Dumiretso na ako ng kusina para magluto ng agahan. Good for 3 baka sakaling dumating nang maaga sina Mama at Papa. Tapsilog ang naisip kong iluto dahil may ready na'ng marinated beef strips sa ref na ginawa ni Manang Ising kahapon para sa agahan namin ngayon. Naglaga na rin ako ng kapeng barako kasi paborito ito ni Papa. Hot chocolate naman ang sa akin at may mainit na tubig na rin para sa tea with milk ni Mama. Nag-toast ako ng tinapay at nagluto ng omelet. Ready na rin ang pancakes na may maple syrup.
Na-set ko na ang table nang biglang tumunog ang doorbell. Sumilip ako sa peephole at nakita ang parents ko kay agad ko silang pinagbuksan.
"How's my baby girl?" yakap ni Papa at ginulo ang buhok ko.
"Maganda pa rin. As always." Lakas ng confidence ko, woo!
"Tamang-tama pala ang dating natin sweetheart dahil ready na ang almusal," sabi naman ni Mama.
"Nakita ko kasi kayo ni Papa sa sa crystal ball na pauwi na dito sa bahay kaya nagluto na ako."
Tawa tuloy kaming tatlo.
Si Mama naman ang nag-lead ng parayer at sinimulan na namin ang masaganang almusal.
* * * * *
"Khaki anak, may business conference kami ng Papa mo abroad kaya maaga kaming umuwi ngayon para mag-impake ng dadalhin namin. 'Wag kang mag-alala inihabilin ka na namin sa bestfriend mong si Mel para naman hindi ka ma-bore dito sa bahay," sabi ni Papa habang inaayos ang mga gamit nila ni Mama sa maleta.
"Papa kaya ko namang mag-isa tsaka marunong naman akong magluto kaya pwede na akong mag-asawa este makaka-survive!"
"Magtapos ka muna ng pag-aaral Khaki, saka na 'yang bf/gf o asawa maliwanag ba?"
"Yes Mama, gagraduate po muna ako bago mag-boyfriend."
"Good girl." Bihigyan ako ni Mama ng halik sa noo.
* * * * *
"O, paano aalis na kami ng Papa mo, mag-iingat ka rito Khaki." Niyakap ako ni Papa at tinapik sa ulo.
"Tito sila dapat ang mag-ingat dito kay bestfriend!"
"Oo nga naman sweetheart. Bali ang buto ng mga magtatangka ng hindi maganda dito sa anak natin."
Natatawa na naiiling na lang ako sa kanilang tatlo. Oo paniguradong bali talaga ang buto ng mga mantitrip sa'kin.
"Best, ihahatid ko muna sina Tito at Tita ha? Didiretso na rin kasi ako sa ka-appointment ko," paalam sa'kin ni Mel sabay kiss sa cheek.
"Okie-dokie ingat kayo! 'Ma pasalubong ha!"
"Ano ba'ng gusto mo?" tanong ni Mama habang inilalagay naman ni Papa ang maleta nila sa bandang likuran ng sasakyan ni Mel.
"Kahit ano 'Ma basta black and fuschia pink," ngiting-ngiti ako sa kanya.
"Ikaw talaga oo. O siya, aalis na kami," at hinalikan ako nina Mama at Papa sa cheek.
Hinatid ko sila ng tingin habang papalayo ang sasakyan ni Mel.
* * * * *
Pagkatapos maghugas ng pinagkainan at maglinis ng bahay ay nag-ready na ako para pumunta ng Hypermarket. Nakalista na rin ang bibilhin ko para hindi ako magtagal, maliban na lang kung may magustuhan pa akong bilhin.
"That's what you get when you let your heart win, whoa..." Tamang kanta pa ako palabas ng gate nang may bumusina sa harap ko.
"Going somewhere?" si JAE. As usual ang gwapo ni mokong.
"Hypermarket." tipid kong sagot.
"Tamang-tama balak ko din mamili so samahan na lang kita."
Ayos libre pamasahe na ako!
Agad-agad akong sumakay sa may front seat. Kasalukuyang tumutugtog ang 'Careless Whisper' cover by Seether nang makaupo ako. Nice song pero awkward moment.
May iniabot siyang papel. List of things to buy - 'yan ang nakasulat. Kinuha ko naman ang listahan ko sa back pocket at pinagcompare. Halos walang pinagkaiba ang listahan.
"Parehong-pareho ng mga bibilhin, naiba lang ang pagkakasunod-sunod," natatawang sabi ko sa kanya.
"Hassle-free right?"
"Uh-huh." tumango-tango ako.
* * * * *
JAE/JAGER'S:
After 15 minutes ay nandito na kami ni Cassiopeia sa Hypermarket. Bumaba na kami at sabay na pumasok sa loob.
Pinagtitinginan kami the moment we enter. Sabagay artistahin naman ang itsura ko (yabang e 'no?). At ang cute-cute ng kasama ko. Cute kasi cute ang height nya. Five feet lang yata 'to e tapos 5'11 naman ako, para tuloy kaming mag-kuya.
Hindi kami nag-usap pero halos pareho ang suot namin. Kung iisipin nga ay para kaming couple. Kaso mukha kaming mag-kuya kasi ang liit-liit nya.
Get-up namin? Pareho kaming naka-Top 40 shirts - Mudvayne sa'ken tapos The Used naman sa kanya. Pareho rin kaming naka-camouflage (pants sa'kin at shorts naman sa kanya) at black Converse na high cut ('yong all black na Converse talaga).
"Ang cute naman nilang tignan, couple ba sila o mag-kuya?" bulong ni girl 1 kay girl 2 pero dinig naman namin. Pambihira!
Nagkatinginan tuloy kami ni Cassiopeia.
"Love ang astig nila tignan o, halos pareho sila ng get-up," sabi naman no'ng babae na tadtad ng piercings sa kasama nyang lalake na may tattoo sa magkabilang braso. Obvious na couple ang dalawang 'yon.
"Ay sayang taken na si Fafa hingin ko sana number!" sabi naman ni beki 1 kay beki 2. Asa pa na ibigay ko ang number ko sa kanila. Si Cassiopeia nga hindi alam number ko. Digits lang ni Radford ang mayroon siya.
I heard her chuckle a bit. Ang awkward talaga sa may entrace ng hypermarket tss...
"Tara na nga baka ma-rape ka pa rito bigla, JAE!" Natatawa pa siya sabay hila sa'kin papunta sa Food Section.

BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) √
Teen FictionTwo-rockers, different attitudes. Will they cope up with their differences? 10172014 03022015