Chapter 22: That Beast!

259 14 4
                                    

*FAST FORWARD*

KHAKI'S:

Nailikom na namin lahat ng instruments na ginamit namin for the 'mini concert' pero kanina ay nagpipigil talaga ako maiyak dahil kinanta ni Harold yung 'When I'm With You'. Naalala ko tuloy si Alexavier.. Paborito nyang kanta 'yun, na-miss ko tuloy siyang bigla.

Kinuha ko ang isang black box sa may drawer at inilabas ang necklace na ibinigay nya sa'kin. May 'Cassiopeia' na nakalagay sa pendant nito pati na din ang mismong constellation. Hindi ko ito isinusuot kasi mas lalo akong nalulungkot.

"One of these days isusuot na kita ulit," parang timang na kausap ko sa kwintas at ibinalik ko na ulit sa drawer.

Hindi na kami masyadong nagpagabi sa mini concert kaya eksakto alas-diyes ay nakauwi na 'yung tatlo. May pasok pa kasi kami bukas. Naalala ko na sa friday na nga pala ang BOTB sa Emerson Academy. Ininvite kami ni Yoshiro dahil kakilala nya ang isa sa mga bandang makikipag-compete -- ang BlackOut.

A/N: BOTB- Battle Of The Bands

Pagkatapos ng ritual ko bago matulog, ikinabit ko na ang earplug ko and goodnight sa inyo.

* * * * *

*AT ARV-U*

Breaktime. Sino pa ba naman ang makakasama ko kundi sina Harold at Marco. Himala at nanlibre si Marco ngayon kaya 'eto kain lang kami nang kain ni Harold.

"Guys sa friday na ang BOTB sa Emerson Academy nuod tayo ha?" Inform ni Marco.

"Sus yung mga chicks lang naman na member ng Raindrops ang inaabangan mo roon." Pang-aalaska ni Harold.

"Hindi ba pwedeng kikilatisin ko lang ang mga sumaling banda?" Humagalpak tuloy ng tswa ang pinsan nya.

"Huwag kami Marco, iba na lang!" Duet namin ni Harold.

Nauwi tuloy kami sa malakas na tawanan.

"Khaki si Jager ba manunuod?"

"Hindi ko alam kasi hindi ko naman siya nakakausap."

Tama. 'Di ko naman nakakausap ang isang 'yon at si ate Alice lang ang madalas na kasama.

"Pero sinabihan din 'yon ni Yoshiro, baka manunuod din."

Kibit-balikat lang ang response ko.

Tinapos na namin ang sandamakmak na pagkain at nagready na for our next class.

* * * * *

Nasa harap na ako ng bahay at bitbit ang skateboard ko nang mag-ring ang cellphone ko?

"O Harold napatawag ka? Na-miss mo agad ako?" Natatawang bungad ko sa kanya

Hagalpak si Harold sa kabilang linya. [Si bunso kasi kinukulit ako. Dapat daw present ka sa BOTB sa friday.]

"Si Yoshi talaga, oo. E 'di ba tayong apat naman ang magkakasama? Sunduin nyo na lang ako sa bahay. Papakilala ko na rin kayo kina Mama at Papa pag-uwi nila."

[Aye, aye Captain!]

"O sige ibababa ko na 'to papasok na ako sa bahay e.

[Okay, okay bye Khaki!]

At inibaba ko na ang phone ko.

"Ka-close mo na talaga 'yong tatlo a."

Napatingin ako sa itaas. Si JAE na nagsasalita obviously.

"They're easy to get along with." Komento ko sa kanya.

"Wala ka pa bang napipili sa kanila?"

Tinaasan ko siya ng kilay at dire-diretsong pumasok na ng bahay. Sapakin ko na 'to, e. Napaka-antipatiko.

Iniiwasan ko na siya nitong mga sumunod na araw. 'Di na rin ako tumatambay sa balcony para hindi ko siya makita. Bahala siya kung manunuod siya ng BOTB sa friday dahil kina Harold ako sasabay.


Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon