KHAKI'S:
Bigla akong napamulat at sinalubong ako ng karimlan. Kinapa ko ang switch ng lampshade at dali-dali itong binuksan. Alas-syete na pala ng gabi, ang haba rin ng oras ng itinulog ko.
Tahimik sa buong bahay. Home alone na naman ako (kung wala si Manang Ising). Bumaba na muna ako dahil nagrereklamo na ang mga 'alaga' ko sa tiyan. May nakahanda na namang hapunan, ayos solved na naman ako nito.
Saktong pag-upo ko ay siyang dating ni Manang Ising galing sa kusina bitbit ang pitsel na may apple juice.
"Manang tara saluhan nyo na po ako maghapunan solo flight na naman ako e," yaya ko sa kanya.
"Tapos na ako kumain hija. Hindi na kita ginising dahil ayokong istorbohin ang tulog mo, ni hindi mo nga naramdaman na pumasok ako sa kwarto mo dahil walang sumasagot sa pagkatok ko," sabi pa nito at mukha siyang balisa.
"May problema po ba kayo o dinaramdam?"
Atubiling nagsalita si Manang Ising. "Magpapaalam sana ako sa'yo Khaki dahil namatay na ang nanay-nanayan ng mga apo ko...wala ng mag-aalaga sa kanila kaya naisip ko na ako na ang kukupkop sa kanila dahil wala na silang ibang kamag-anak."
Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa kanya. Mula pagkabata ay kasambahay na namin si Manang Ising. Nakakalungkot pero hindi naman namin pwedeng ipagkait na makasama nya ang itinuturing na nyang mga apo kahit hindi nya pa ito kadugo.
"Nasabi nyo na po ba kina Mama at Papa? Tatawagan ko sila ngayon -"
"Huwag na hija, alam na nila ang nangyari dahil umuwi saglit kanina ang Mama mo para ipasabi sa'yo na OT sila ng Papa mo sa opisina. Hindi ka raw kasi nagrerely sa mga text at tawag nila."
Nai-silent ko pala ang cellphone ko kanina.
Kailan po ang uwi nyo sa probinsiya?"
"Ngayon na sana dahil mahaba-haba rin ang byahe ko. Nagbigay na rin ng pera ang Mama mo, sobra-sobra pa nga."
Napabuntunghininga ako. Solo flight na nga ako nito dahil wala rin si ate, nasa Palawan siya for 2 weeks dahil sa pictorial at music video shooting.
"Text ko lang po si Mel para maihatid namin kayo sa bus terminal, " sabay dutdot ko sa cellphone ko.
"Naku maraming salamat talaga hija," mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Dumating agad si best at mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Hindi na rin ako nag-abalang magpalit ng damit dahil 'matino' naman ang suot ko. Si best nga todo porma pa pambihira akala mo makikipagdate e ihahatid lang naman namin si Manang Ising.
Bus Terminal.
"Mag-iingat po kayo Manang Ising," niyakap ko siya ng mahigpit hay...mamimiss ko talaga siya.
Iniabot naman ni Mel ang mga pinamili namin na mga pagkain sa isang convenient store para may stock na agad ng pagkain sina Manang Ising.
"Maraming salamat hija, hayaan mo kapag nakaluwag ay dadalaw-dalaw pa rin kami sa inyo," at umakyat na ito ng bus.
Kumaway ako sa kanya at malungkot na ngumiti nang umandar na ang bus na sinasakyan nya. Inihatid na lang namin siya ng tingin ni Mel.
* * * * *
"Khaki ihahatid na kita sa inyo may date pa kasi ako," sabi ni Mel habang tinitignan ang wrist watch nya.
"Kaya pala todo get-up ka may date ka pala, sige hatid mo na 'ko."
"Wag ka ngang mag-pout dyan, hindi chikababes ang ka-date ko kundi modelling agent!"
"Wow big time ka na talaga best! Tara na nga!" sabay punta ko sa front seat.
Sarmiento's Residence.
Napakatahimik ng buong bahay.Tahimik din sa kabilang bahay dahil umalis si Mel. Sabagay siya lang din naman mag-isa doon e at ayaw nyang kumuha ng kasambahay. Nasa Mexico kasi ang parents nya at doon na nag-i-stay. Saka na lang daw siya susunod doon kapag nagsawa na siya dito sa Pilipinas. Pero imposibleng magsawa 'yun dahil mamimiss nya ang secret crush nyang si Aphrodite Alessandra Sarmiento. Yes, PATAY NA PATAY po ang bestfriend ko sa ate ko.
Tahimik din sa isa pang bahay (kina JAE). Walang bukas kahit isang ilaw. Malamang umalis ang isang 'yon.
Hinalughog ko ang ref at kumuha ng dalawang bottled iced tea. Kumuha na rin ako ng potato chips sa cupboard (adik ako sa potato chips) dahil hindi ko masyadong naenjoy ang dinner dahil sa pagmamadali.
Pagkaupo ko sa may long bench sa balcony ay siyang pagbukas naman ng ilaw sa kwarto sa kabilang bahay. Mali pala ako ng akala na umalis si JAE.
Nakatingin pa rin ako sa kabilang bahay nang biglang lumabas si JAE - black sando, checkered boxers, unruly hair...kung ibabase sa itsura nya ay mukha siyang BAGONG GISING. Ano 'to kasabay ko din nakatulog kanina? Ang hunk naman ng isang 'to!
Mukhang wala pa siya sa wisyo dahil 'di nya 'ata ako napapansin nang mag-angat siya ng tingin tungo sa kalangitan. By impulse, napatingin na din ako (gaya-gaya e 'no?)
May 5 stars na naka-form ng letter W at ang constellation na 'yon ay walang iba kundi ang Cassiopeia. I bet 'yon ang tinitignan nya.
"Nagniningning ka na naman sa kalangitan Cassiopeia," ako ba ang kausap nito o yung constellation? 'Di naman kaya both?
"So you have a thing on constellations JAE?"
"Medyo. Hobby ko na kasi ang mag-stargazing."
Tumingin ako sa kanya to find out na nakatingin din siya sa'kin or should I say na sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"Good evening sleepyhead," I said to him.
He smirked. Napatingin din siya sa sandamakmak na pagkain sa tabi ko. I am an eating monster. Guilty as charged.
"Siguradong hindi ka pa kumakain. Tara foodtrip." Oh, is that an invitation to him?
"Eating monster mukhang kulang pa sa'yo 'yan." at pumasok na siya sa kwarto nya.
After a few minutes lumabas na siya. Suot na nya ulit ang suot nya kanina noong nakilala namin siya ni Mel. Pero mas lalo 'ata siyang gumwapo ngayong gabi. Ngayong gabi lang siguro 'to. Peace.
Medyo nakatulala pa ako sa kanya nang magsalita siya. "Alam kong gwapo ako, 'wag ka namang obvious na nag-fafangirling sa'kin."
The nerve! Binawi ko na ang tingin ko and rolled my eyes.
Tumalon siya papunta sa'kin sabay kuha ng V-Cut. Buti pala at naisipan ko na 2 bottled iced tea ang kinuha ko sa ref kanina.
"Makikikain muna ako sa inyo. Bukas na lang ako pupunta ng hypermarket."
"Gusto mo ipaghanda kita ng matinong dinner? May leftover food pa kanina. Hindi kasi ako nakakain ng ayos dahil inihatid namin si Manang Ising sa bus terminal."
"Okay na 'tong light snack, 'wag ka nang magpakapagod pa." Wow concerned ang kuya nyo.
"Uhm, sige..."
"Home alone?"
"Yeah. Baka bukas pa umuwi parents ko. Si ate naman may photoshoot sa Palawan."
At walang imik na nagsimula na kami sa pagkain while stargazing.
A/N: Naks ang romantic sana ng ambience 'nila 'no? :D
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) √
Teen FictionTwo-rockers, different attitudes. Will they cope up with their differences? 10172014 03022015