Chapter 21: Black Stones Jamming Part 2

247 16 3
                                    

JAE/JAGER'S:

Nandito na kami ni Alice sa harap ng bahay nila at dinig na dinig namin ang 'mini concert' sa may balcony. 'Bring Me To Life' ang kinakanta ni Khaki at Harold...?! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Harold ang ka-duet nya. Malakas ang kutob ko na sina Marco at Yoshiro ang naririnig ko'ng nagdadrums at nagbabass. Paano nya nakilala ang tatlong 'yun? At bakit hindi nya sinabi sa'kin tss.. Malamang sila din ang ka-conference call nya last time.

"Mukhang may mini concert ang kapatid ko ah haha isinama nya siguro sa bahay ang mga kaklase nya."

"Sina Harold, Marco at Yoshiro."

"Wow napangalanan mo na agad sila kahit hindi mo pa nakikita?"

"Alam ko'ng sila 'yun. Ang mga kabanda ko sa Black Stones."

"Hmm mukhang may reunion na magaganap ngayon," sabay ngiti sa'kin ni Alice.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa may kwarto ni Khaki. At hindi nga ako nagkamali. Silang tatlo nga ang nakikita ko na ka-jamming ni Khaki.

* * * * *

"Bring me to life...!

Si Yoshiro ang unang nakakita sa'kin at patakbong sumalubong sa amin ni Alice.

"Kuya Jaeron!" at niyakap ako ng sobrang higpit. Na-miss siguro ako nito ng sobra.

"'Tol!" nakipag bro fist sina Harold at Marco.

"Uhm ate Alice meet my classmates Harold Collins and Marco Heinz. And this is Yoshiro Akiyama," turo naman ni Khaki doon sa tatlo.

"Bakit hindi mo sinabi na kakilala mo na sila?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ka naman nagtatanong JAE," painosenteng sagot naman nito tss..

"Ganda ng ate mo Khaki kaya hindi na 'ko magtataka kung bakit maganda ka din," napakabolero talaga nitong si Marco kahit kailan.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo 'tol!" isa pa itong si Harold.

"Pero mas astig pa din si Cassie," wow may sariling tawag si bunso (bunso tawag naming tatlo kay Yoshiro) kay Khaki.

"Crush mo lang si Khaki e!" duet pa nung dalawa.

Nag-blush tuloy si Yoshiro haha mukhang crush pa nga nito si Khaki.

"'Tol why don't you join us?" - Harold

"Not now. Audience muna kami ni Alice, so what's your next song? I bet kakaumpisa nyo pa lang." sabi ko sa kanya.

"Iris by Goo Goo dolls ft. Avril Lavigne?" - Marco

At nag-thumbs up ako sa kanila.

Inintrohan naman ni Khaki ang pagkanta. Ang astig nya talaga at may chemistry sila ni Harold on dueting. Astig.

Sunod nilang kinanta ang 'When I'm With You' ng Faber Drive. This time si Harold na lang ang kumakanta. Nag-improve na siya, in fact pwede na nga siyang maging vocalist ng Black Stones.

"Nagpipigil umiyak si Khaki."

Napalingon ako kay Alice. "Bakit?"

"Favorite kasi 'yan ni Alexavier. Her first love."

"Ex-bf?"

"Nope. Hindi din naging sila kasi namatay si Alex from a terminal disease last year. Di na nya nahintay maka-graduate si Khaki hayss...

Napatingin naman ako kay Khaki. Teary-eyed na nga siya. Hindi ko akalain na sa likod ng masayahin nyang aura ay may nagtatagong kalungkutan at sa tingin ko mas brokenhearted pa siya kaysa sa'kin. Napatingin naman siya sa'kin at biglang nag-iwas ng tingin nang makita nyang titig na titig ako sa kanya.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon