Chapter 31: Sweet Moment

218 16 2
                                    

JAE/JAGER'S:

Nagising ako bandang ala-una at malakas pa rin ang buhos ng ulan. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ang isang anghel na mahimbing na natutulog. Napangiti ako, mukhang anghel si Khaki 'pag tulog. Akalain ko ba na ang astiging babaeng ito ay may kinatatakutan pa rin. Noong una ay gusto kong matawa dahil takot siya sa kulog at kidlat pero nang nakita ko na bigla na lang siyang umiyak ay naawa ako sa kanya that's why I comforted her hanggang sa makatulog siya.

Inayos ko siya sa pagkakahiga at marahang iniangat ang ulo nya para iunan sa kaliwang braso ko. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang kanang braso nya at iniyakap sa'kin. Ano kaya magiging reaction nito kapag nagising at ganito ang makikita haha puro talaga ako kalokohan.

"Sleep tight my rock princess," and I planted a kiss on her forehead.

KHAKI'S:

Ang ganda ng panginip ko. Yakap-yakap ko raw ang lalaking mahal ko habang umuulan. I can feel his warmth and smell his manly scent. Parang tunay... Parang...

Bigla akong napadilat. Hindi pala ako nananaginip dahil TUNAY nga na may yakap-yakap akong lalaki at si JAE pa! Hindi agad ako nakakilos pero ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Pinagmasdan ko na lang siya. Payapang-payapa ang itsura nya habang natutulog. Gwapo pa rin kahit unruly hair na. Gusto ko sanang hawakan ang mukha nya kaso baka biglang magising kaya nagkasya na lang ako sa pagkilatis sa facial features nya: thick brows, long lashes, pointed nose and kissable lips... In short, GWAPO.

"Baka matunaw naman ako Cassiopeia."

Napapitlag tuloy ako, so alam nya na pinagmamasdan ko siya? Aalisin ko na sana ang braso ko na nakayakap sa kanya nang biglang ako naman ang hinila nya palapit. Geez!

"Don't move. Just stay this way."

Hindi tuloy ako naka-react agad.

"Mas masarap may kayakap habang umuulan besides wala naman tayong ibang gagawin maliban na lang kung gusto mo rin ng kiss," nakakalokong sabi pa nito habang nakapikit.

"Balian kita ng buto gusto mo?"

He smirked. "Go to sleep my rock princess ang aga-aga pa," at itinaas nya ang kumot hanggang sa balikat namin.

"Okay as you wish."

At pumikit na ako and I move closer to him dahil nagsisimula na namang kumulog at kumidlat.

* * * * *

JAE/JAGER'S:

Nauna pa rin akong magising kaysa kay Khaki. Pinagmamasdan ko na naman siya ngayon habang nahihimbing siya sa pagtulog.

After 10 minutes, I kissed her on the forehead at bumangon na ako at inayos ang kumot para hindi siya ginawin dahil umuulan pa rin kahit hindi na gaanong malakas.

After I fix myself ay nagpunta na ako ng kusina para magluto ng breakfast dahil anytime ay magigising na rin si Khaki dahil early bird din ang isang 'yon.

Dahil malamig ang panahon ay naisip ko na magluto ng champorado. Sayang walang stock ng dried fish (tuyo) kaya gumawa na lang din ako ng tapsilog.

Patapos na ako sa pagluluto nang maramdaman kong may nanunuod sa ginagawa ko. Pangalawang beses na nya 'tong ginagawa sa'kin.

"Good morning Cassiopeia," bati ko sa kanya nang hindi lumilingon.

She giggled. "Magandang umaga JAE. Nakakagutom ang niluluto mo."

"Malapit na 'tong matapos kaya konting tiis na lang."

"Hahaha o sige ayusin ko na lang 'tong lamesa," at nagsimula na siyang maglagay ng mga plato, kubyertos at mga baso.

* * * * *

"Lakas mo nga kumain, 'di ka naman tumataba."

"Malakas lang talaga ang panunaw ko!"

"Sayang wala 'yong ka-partner ng champorado."

"Kumakain ka ng tuyo?" takang tanong nya sa'kin.

"Oo naman. Hindi naman ako maselan sa pagkain. Kahit street foods kumakain ako."

"Wow, yaan mo next time ililibre kita sa turo-turo."

"Itatake-note ko yan bakas kasi kalimutan mo!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Hoy hindi ha!"

"Naninigurado lang!"

"Oo na lang JAE!" Sabay pa kaming humagalpak ng tawa.

O 'di ba ang saya-saya lang ng almusal namin. Si Khaki ang nagprisintang magligpit ng pinagkainan namin. Ayaw naman nyang paawat, e.

A/N: Tinry kong maging sweet kaso maloko talaga tong si Jager e HAHAHA



Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon