Chapter 39: Final Rehearsal

240 15 3
                                    

JAE/JAGER'S:

Nandito kaming lahat sa haven ko at kasalukuyan akong gumagawa ng dinner habang inaayos naman nung apat 'yung mga instrument na gagamitin namin sa final rehearsal mamaya. Bukas na ang pinakahihintay naming araw, ang mabawi sa Guys In Plaid Shirts ang titulo namin bilang Musikrakan Champion.

Buti na lang at hindi namin nakita sina Blythe sa mall kanina. Hindi naman sa pagiging bitter pero sure ako na may feelings din siya para sa'kin pero si Graysen pa din ang pinili nya tss...hindi naman ako manhid para hindi makita na nagselos siya sa sweetness namin ni Khaki last time sa BOTB sa Emerson Academy.

Nahinto ako sa pagmumuni-muni nang magsalita si Khaki mula sa likuran ko at nakadungaw sa niluluto ko. Eating monster talaga ang isang 'to.

"Malapit na bang maluto 'yan JAE? Nagrereklamo na talaga ang mga 'alaga' ko," naka-pout na sabi nito habang inaamoy-amoy ang niluluto kong afritada.

"Saglit na lang 'to eating monster, konting tiis na lang at mapapakain mo na 'yang mga alaga mo," pang-aasar ko sa kanya.

"Tse bilisan mo na lang kasi dyan! Aayusin ko ang dining table," sabay kuha ng upuan kasi nga mataas ang cupboard hahaha!

"Ang liit mo talaga Cassiopeia. Be careful," paalala ko sa kanya.

"Oo na JAE, ikaw na higante."

"Hahaha small but terrible ka naman."

"Sabay bawi e 'no? Hahaha!" sabi nito habang inihahanda na ang mga plato at kubyertos sa lamesa.

"Mahirap na baka makatikim ako ng ginawa mo sa mga goon na nagtangka kay Helena."

"Buti alam mo."

"Hahahaha! Okay luto na ang afritada!"

"Yun pede na chumibog!" biglang sulpot naman ni Harold mula sa living room.

"I smell daing na bangus yum yum!" segunda naman ni Marco.

"Pati pinakbet!" sumunod na din si Yoshiro.

"Tulungan nyo na si Cassiopeia sa paghahanda ng dineer para makakain na tayo," utos ko sa tatlo.

"Aye, aye Captain!"

Dahil sa teamwork (o dahil gutom na kaming lahat ay mabilis naming naihanda ang lahat ng pagkian.

"Kaina na!"

* * * *

Si Khaki naman ang gumawa ng dessert na Banana Split kaya kahit ang dami na naming nakain sa dinner ay hindi namin matanggihan ang dessert dahil nakakaengganyo sa paningin at mukhang masarap talaga ang 'Banana Split Cassiopeia's Version' kaya naubos din namin ito kaagad.

"The best 'yung ginawa mo Khaki, kahit busog na busog na ako ay hindi ko matanggihan ang dessert. Sarap!" - Harold

"Ang cute kasi ng design kaya nagmukha lalong masarap," - Marco

"Superb talaga kapag si Cassie ang gumawa!" - Yoshiro

"O siya 'wag na kayo mambola guys next time gagawan ko ulit kayo hahaha!" - Khaki

Nagpahinga muna kami for half an hour bago mag-proceed sa rehearsal. Sabi ni bunso ay magkakaroon ng twist sa Musikrakan bukas kaya napaghandaan na namin 'yan *winks*. Baka hindi ako makatulog sa sobrang excitement. Si Harold muna ang pansamantalang vocalist ng Black Stones. Kami naman ni Khaki ay for the 'main event'.

P.S. Salamat nga din pala kay Alexandrea kasi siya ang nakaisip ng line-up namin.

Una nilang tinugtog ang Anino Mo by Slapshock dahil ang Round 1 ay OPM Songs Category. First song pa lang ay ganado na silang lahat (pinapanuod ko lang sila kasi hindi nga ako kasali sa round na ito).

Sumunod naman ang Careless Whisper ng Seether dahil ang Round 2 ay Cover Songs Category. Astig ng intro no Khaki nakakabilib dahil mabilis siyang natuto sa mga itinuro ko sa kanya.

At para naman sa 'Twist' part ay ang live version ng My Heart by Paramore at Iris by Goo Goo Dolls ft. Avril Lavigne.

Bilib na ako sa galing ng mga ka-banda ko. No doubt na mababawi na namin ang dapat na para sa'min.

"Good job guys! Ready na talaga kayo para bukas!" masayang sabi ko sa kanila.

"Syempre naman 'tol! Dapat na silang maghanda sa ating 'sweet revenge' hahaha!" - Harold

"Naiimagine ko na ang respond ng crowd sa'tin bukas!" - Marco

"Excited na ako!" - Yoshiro

"First time ko 'to hehe," - Khaki na naka-peace sign.

And we all burst into laughter.

* * * * *

Matapos na maiayos ang mga gamit ay umuwi na sina Harold, Marco at Yoshiro. Hindi na din kami masyadong nagpagabi para relax at fresh ang aura namin bukas.

"Show them what you've got my rock princess," nangingiting sabi ko kay Khaki nang kami na lang ang natira sa bahay.

"That will be a sweet comeback JAE," she winked at me.

At nagpaalam na siya at tinalon na lang ang katapad na balcony.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon