Chapter 38: The Day Before The Battle

268 14 11
                                    

KHAKI'S:

FAST FORWARD.

Ang bilis lumipas ng mga araw dahil bukas na pala ang Musikrakan. Parang last week lang nang makipag-jamming kami sa Raindrops sa tambayan nila. Ang akward lang kasi ang cold ngvocalist nila which is Ayesha. Ano kaya'ng problema nya? Well I hope na ma-solve na nila agad. By the way, guest band sila bukas together with Black Out.


Nandito kaming lima sa mall dahil niyakag ako ng mag-pinsan para bumili 'raw' ng isusuot nila bukas for free. Oh yeah, manlilibre na naman sila. Desidido na rin sila na mabawi ang titulo nila from Guys In Plaid Shirts.

Habang abala sila sa pagpili ng mga damit sa Men's Section ay napukaw ang pansin ko ng isang babae sa labas ng boutique habang nagtetext. Teka, parang nakita ko na siya dati e. Tama! Siya si...


"Helena?" I called her nang makalapit na ako sa kinatatayuan nya.


"Khaki! Nice to see you again!" at nakipag-beso beso pa siya.


"Nag-iisa ka 'ata?"


"No, kadarating ko lang at tinetext ko si ate kung saan siya nakatambay habang hinihintay ako. Na-late kasi ako paniguradong lagot na naman ako sa kanya hehe"


"Goodluck girl sana kindi ka mapagalitan!"


"Ikaw sino'ng kasama mo?"


"Bandmates ko. Namimili sila ng isusuot para sa Musikrakan bukas."


"Really? May band din kasi ang ate ko."


"Baka isa sila sa makakalaban namin?"


"Maybe, pero sila ang nanalo last year e. Natalo nila ang Black Stones."


"You mean to say—"


Naputol ang sasabihin ko nang mag-ring ang phone ni Helena. Astig kasi Helena by My Chemical Romnce pa ang ringtone nya.


"My sister is calling me so I have to go Khaki see you tomorrow!" At nagmamadalung lumakad na ito papuntang Starbucks.


Tama ba ang pagkakarinig ko? Natalo daw ng banda ng ate nya ang Black Stones last year so GIPS ang bandang tinutukoy nya at si Blythe ang...ate nya?!


"Whoa!" saloob-loob ko habang naglalakad pabalik ng boutique. Siguro naman ay nakapili na ng damit ang mga 'yon.


* * * * *


"Tapos na kayo mamili?" I asked them while scanning some clothes at the rack.


"Yup. Nakapila na si Marco sa counter." Inform ni Harold.


"Sa'n ka galing Cassie?" 


"Dyan lang sa labas Yoshiro, may nakita kasi akong kakilala. And you wouldn't believe na si Helena Sta. Ana pala ay kapatid ni Blythe."


"You met her?"


"Yes, JAE. Ako lang naman ang nagtanggol sa kanya sa 3 pangit este sa 3 lalaki na nagtangka ng hindi maganda sa kanya last time."


"Why didn't you tell us?" Napa-tsk pa nga si Harold.


"Nawala na rin kasi sa isip ko 'yong incident, sorry na." Sabay peace sign ko sa kanila.


"Sayang wala kami no'ng time na nangyari 'yon." 


"Ayos lang, sisiw lang naman sa'kin ang goons so no need to help me."


"At sino naman ang may sabi na tutulungan ka namin? Papanuorin lang naman namin kung paano mo sila ilampaso." Wika ni Marco na nakabalik na at narinig ang pinag-uusapan namin.


 "Kailangan ng audience mga gano'n?" natatawang tanong ko sa kanila.


"Ipapavideo sana namin kay bunso. Dagdag audience din 'yon." Aba't loko 'tong si JAE.


"Tsk puro kayo kalokohan!"


"Oo nga sayang e 'di sana nailagay ko na 'yon sa Youtube, Twitter at iba pang networking sites."


"Tama si Yoshiro. Trending ka na sana nayon Khaki!" Humagalpak pa ng tawa si Harold. Kutusan ko 'to e.


Binatukan ko nga silang apat."Tara na nga nagugutom na ako e. Saan ba tayo kakain?"


"Burger King?" Suggested ni Harold.


"Pizza Hut?" Segunda ni Marco.


"Tokyo Tokyo?" Si Yoshiro naman 'yan.


"Starbucks?" Lastly, si JAE.


"Nasa Starbucks sina Blythe at Helena JAE, gusto mo silang makita?" Nakkkakalokong nginitian ko siya.


He frowned. "Sa bahay na lang tayo kumain, ako na magluluto."


"Magandang idea yan bro!"


"Let's go?"


"Taralets!" At magkaka-akbay kaming lumabas ng mall.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon