KHAKI'S:
Nakakapagod ang araw na ito pero sulit naman dahil marami kaming napasayang bata sa Elizalde Home of Hope. Lucky day din for RAE dahil nagkita silang muli ng childhood sweetheart nya. Buti na lang pala at naisipan kong pumunta ng mall kanina.
Nandito kami ngayon sa Starbucks at nagkakape pero hot choco ang iniinom ko dahil hindi ako nagkakape. Sinisikmura kasi ako kapag umiinom.
"Medyo mahangin sa labas, mukhang nagbabadya ang malakas na ulan."
"May paparating nga palang bagyo."
Tinapos namon agad ang drinks namon ay baka maabutan kami ng ulan. Mahirap na baka bigla kaming ma-stranded pauwi.
* * * * *
"Ngayon na 'ata ang datong ng bagyo," sabi ni JAE habang nagmamaneho.
Tumango-tango naman ako habang nakatingin sa may bintana. Halosw ala na akong makita dahil sa lakas ng ulan.
"Sa resthouse muna namin tayo dumiretso tutal malapit na 'yun dito. Mukhang mai-stranded pa tayo kapag nagbyahe pa tayo pauwi sa'tin."
Sa resthouse nila? Patay baka nag-aalala na sina Mama at Papa sa'kin pati si ate Alice.
"I'll call your parents to inform them," mukhang nabasa naman nya ang iniisip ko.
*cellphone rings*
"Hello Alice. Yes lowbat na cp ni Cassiopeia."
Napatingin naman ako sa gawi ni JAE.
"Okay. Sige salamat. Ingat bye."
"Ano'ng sabi ni ate?"
"Na nasa office pa din ang parents mo at OT kaya kung nagkataon ay mag-isa ka sa inyo ngayon. Si Alice naman ay nasa condo nya na nag-stay dahil na-stranded na siya kaya hindi na siya umuwi.
Tumango-tango na lang ako. So siya ang makakasama ko buong magdamag. At sa REST HOUSE pa nila. Geez?
"You're safe with me Cassiopeia. Just trust me."
"Mindreader ka ba Jager Aareon Elizalde?"
"No. Pero nababasa ko ang iniisip mi because of your facial expression."
"Okay fine," napa-pout na lang ako.
"Don't pout. You look like you're asking a kiss from me."
"Seriously?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Kidding." he smirked.
* * * * *
After 15 minutes ay nandito na kami sa resthouse nina JAE. Medyo nabasa pa nga siya ng ulan dahil lumabas siya saglit ng kotse nya para buksan ang gate. May pinindot siyang number combination sa mga gilid ng gate at kusa na itong bumukas. Wow high-tech.
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay dali-dali siyang umakyat sa kwarto nya sa may itaas. Iginala ko muna ang paningin ko sa loob ng bahay. All white siys at mukhang alagang-alaga pa din kahit mukha namang walang nagtitigil dito.
Pagbaba nya ay may dala na siyang towel at damit pambabae. Bakit may naligaw na damit pambabae dito e dalawa lang naman silang magkapatid?
"May pinsan ako na kasing size mo kaya kasya 'yan sa'yo. At bago pa yan oh," hanga na talaga ako sa pagiging mindreader ng isang 'to.
"Salamat."
"Come with me and I'll show you the guest room."
Tumango ako at sumunod sa kanya.
* * * * *
Hindi ako makatulog. Contest ba naman ang kulog at kidlat at pinipigilan ko talagang umirit baka marinig ni JAE. Nakakahiya mang aminin pero takot talaga ako sa kulog at Kidlat.
"Aaaahhh!" 'di ko na napigilan umirit kasi biglang kumulog ng malakas.
Biglang bumukas ang pinto ng guest room at pumasok si JAE at nakita akong nakatalukbong. Ang awkward talaga ng ganito.
"Cassiopeia are you alright?"
"No I'm not." sabi ko habang nakatalukbong pa rin ng kumot.
I heard him sigh at unti-unting tinanggal ang kumot na nakasaklob sa'kin.
"Para ka namang bata. Natatakot ka pa rin sa kulog at kidlat."
At mukhang nananadya pa ang ulan dahil kumulog na naman ng malakas at napapikit na naman ako sabay takip ng magkabilang tainga. Napaiyak na tuloy ako sa takot.
"Hush Cassiopeia I'm not gonna leave you," sabi ni JAE habang yakap-yakap ako at hinahaplos ang buhok ko.
"Please don't leave," I said between sobs.
"Yes my rock princess," and I felt relieve in his arms.

BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) √
Teen FictionTwo-rockers, different attitudes. Will they cope up with their differences? 10172014 03022015