Chapter 19: Magnificent Monday

259 16 4
                                    

MONDAY MORNING.

KHAKI'S:

Monday na naman! Kung ang ibang tao ay nag-aala Manic Monday, pwes ako Magnificent Monday! Excited lang akong pumasok para maikwento sa dalawa 'yong nangyari last friday na napakinggan ni JAE ang jamming naming apat thru conference call.

I'm wearing a white shirt (himala 'di ako naka-black) na may nakaprint na Riot album ng Paramore tapos naka-khaki 3/4's ako then light brown Converse. Ako lang mag-isa ang nag-almusal dahil tulog pa si Ate. Mamaya pa kasi ang trabaho nya

Nakalabas na ako ng bahay nang makasalubong ko si JAE na mukhang katatapos lang mag-jogging. Early bird din ang isang 'to, e. Deadmahin ko na sana kaso biglang nagsalita.

"Goodmorning Cassiopeia."

"Goodmorning." tipid kong sagot.

"Si Alice?"

"Tulog pa."

"A, gano'n ba?"

"Sige pasok na 'ko," at sumakay na ako ng skateboard ko at hindi ko na hinintay ang sagot nya.

AT ARV-U.

Kaunti pa lang ang mga estudyante sa room namin dahil maaga pa naman pero nandito na agad sina Harold at Marco. 'Di naman halatang excited 'tong magpinsan dahil sa text message ko sa kanila kanina.

"Ibig mong sabihin, narinig ni Jager 'yung jamming natin via conference call?" excited na tanong ni Harold.

"Yup!"

"At wala siyang idea na kami ang kausap mo dahil hindi ka gumamit ng loudspeaker," ani Marco.

Tumango naman ako.

"Excited na akong makita ang mokong na 'yon, e. Miss na rin siya ni bunso," malamang si Yoshi ang tinutukoy nito.

"A, basta bigla na lang kaming susulpot na tatlo sa harap ng bahay nyo Khaki!" ngiting-ngiti na sabi ni Harold.

"Magugulat 'yon panigurado dahil hindi naman nya alam na kaklase ko kayong dalawa."

"Alright!" at nag-apir kaming tatlo.

Dumating na ang aming prof for our first subject.

* * * * *

DISMISSAL.

Two subjects lang kami kapag Monday afternoon kaya maaga ang uwian namin. Nakatanggap ako ng text message from ate Alice na medyo late ang uwi nya mamaya kaya 'wag ko na raw siyang hintayin for dinner. Naisip kong yayain na lang ang dalawang 'to para naman hindi boring mag-isa sa bahay.

"Guys sa 'min na lang kayo mag-dinner tutal solo flight ako, e. Nag-text kasi si ate na malelate siya ng uwi. Malamang susunduin 'yon ni JAE dahil sa company ng kapatid nya nagtatrabaho si ate."

"Naks naman may dinidiskartehan na agad si Jager!" Agad na sabi ni Harold.

"Okay na rin para makakmove on na siya kay Blythe." Segunda naman ni Marco.

Kibit-balikat lang ang response ko sa kanila.

"E 'di tara na sa inyo at para masorpresa si Jager kapag nakita nya kami! Epic no'n panigurado!"

"Sunduin natin si Yoshiro para kumpleto!"

"Okay lang bang mag-antay tayo ng 1 hour Khaki? Alas singko pa kasi dismissal ni bunso."

"No problem."

Dating gawi, kay Harold ako umangkas at on the way na kami to Emerson Academy para sunduin si Yoshiro.

Pierres Noires (Black Stones) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon