KHAKI'S:
Sembreak is over. Back to school na at second semester na, woo! Excited lang akong pumasok kasi na-miss ko ang ARV University. Ang kagandahan sa school namin, hindi required ang uniform kaya araw-araw wash day, kapag P.E. lang kami naka-uniform.
Katatawag lang nina Mama at Papa to inform me na pauwi na sila next week at excited na ako sa pasalubong! Si ate Alice naman ay kauuwi lang from Palawan at binigyan nya ako ng black printed shirt na may nakasulat na Palawan pati na din black bracelets. Tig-isa kami ni Mel pero tatlo ang ibinigay sa'kin ni ate e hmm...bigay ko na lang kay JAE ang isa kapag nakita ko siya.
"Khaki dahan-dahan naman sa pagkain, hindi ka naman namin uubusan ng ate mo," nakiki-almusal sa'min si Mel kasi nga nandito na si ate. Crush nya iyon, e.
"Ayoko kasing ma-late 'no."
"Ang lapit-lapit ng ARV-U sa'tin Khaki 'wag kang exaggerated," sabi naman ni ate.
Pagkatapos magtoothbrush ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Si Mel kasi graduate na tulad ni ate. "O pa'no pasok na 'ko ikaw na muna bahala kay ate ha," sabay kiss ko sa cheek ni Mel.
"Aye, aye Captain!"
Kiniss naman ako ni ate sa cheek. "Mag-iingat ka, Khaki."
"Sila ang mag-ingat sa'kin my dear sister," sabi ko naman habang inihahanda ang skateboard ko.
"Sabagay!"
Habang nakasakay sa skateboard ko ay binagtas ko na ang daan patungong ARV-U.
* * * * *
Nang makarating na ako ng gate ng University ay binitbit ko na ang skateboard ko sabay saludo kay Manong Freddie, our school guard at nginitian naman nya ako. Hindi naman ako sisitahin dahil suot ko ang school ID ko.
Naglalakad ako sa hallway at pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Bibihira kasi ang rakista sa school namin. I'm wearing black shirt na may nakaprint na The Used, black faded skinny jeans, red Converse sa kaliwang paa at black naman sa kanan hehe suot ko din yung pasalubong ni ate na bracelet.
Malapit na ako sa room namin at mukhang may pinagkakaguluhan ang mga kaklase ko.
"May 2 tranferees pala ngayon."
"Oo at ang gugwapo sis!"
"Rakista pumorma parang si Khaki!"
"Ehem!" at napalingon sila sa'kin (nasa likuran kasi nila ako)
"Oh, hi Khaki!" chorus nilang tatlo.
"Hello. Ahm excuse me nakaharang kayo sa uupuan ko."
At nagsitabi naman sila para makadaan ako, only to find out na may dalawang unfamiliar persons na nakaupo malapit sa pwesto ko.
"Hi Khaki!" Duet nilang dalawa.
Kumunot ang noo ko at nagtaka kung paano nila nalaman ang pangalan ko. Ay oo nga pala, binanggit no'ng tatlo kanina.
"H-e-l-l-o. Transferees?"
"Oo e. Ako nga pala si Harold Collins," sabay abot ng kamay at tinanggap ko naman.
"Marco Heinz here." At nakipagkbro fist siya sa'kin.
"Buti naman at may 'kadugo' na kami rito. Puro ata hiphop at kikay mga tao rito," sabi ni Harold habang pinagmamasdan ang mga classmate namin.
"Pero may mga rakista din dito, makikita nyo sila mamaya 'pag breaktime." inform ko sa kanila.
"Okay na din atleast seatmate ka namin," sabi ni Marco habang inilalabas ang Deathnote notebook nya. Cool.
After 10 minutes ay dumating na si Prof at kinolekta ang classcards namin.

BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) √
Fiksi RemajaTwo-rockers, different attitudes. Will they cope up with their differences? 10172014 03022015