🔮CHAPTER 42🔮

36 3 2
                                    

CHAPTER 42: MEDUSA THE CURSED DEITY
_____________________________________________

UNKNOWN POV

Dapat at nararapat Lang Ang ginawa Kong hakbang para mailigtas ko siya sa kamay ng traydor na iyon.

Hindi niya dapat mapatay Ang hinirang bago niya pa man magising Ang kaniyang kapangyarihan, Dahil tiyak akong Ang buong Imorania Ay mapapasailalalim sa kaniya Ganun na rin Ang Mofalia na payapa na sa ngayon.

At nangangamba ako sa pwedeng mangyari..

"Mahal na Reyna, Nandito na po siya" saad niya naman sa akin at nagbigay galang. Alam na alam ko Ang ginagawa nila Dahil sa May salamin sa aking harapan.

Nakuha na pala nila Ang pinapahanap ko sa kanila. Mabuti naman at Hindi sila nabigo sa pinapahanap ko lalo na at pareho talaga Ang mukha nilang dalawa.

"Ilagay niyo sila sa kaniyang silid ganun din Ang kaniyang mga kasamahan na Walang malay. Siguraduhin niyo rin na maayos sila sa kani-kanilang pwesto. Lalong lalo na Ang hinirang" nakatalikod Kong saad sa kaniya. Mas mabuti nang maging komportable siya para sa kaniyang pagdating sa aking palasyo.

"Masusunod po, Mahal ma Reyna" sambit niya naman sa akin at naglakad na paalis nang may mapansin akong kakaiba.

May kakaibang presensiya akong nararamdaman, napakabigat para sa akin ang presensiya na iyon..

"Lahat ba yan mga royalè?" Tanong ko sa kaniya bilang pagsisigurado na tama nga Ang hinala ko laban sa mabigat na presensiya.

"Mahal na Reyna, Lahat sila ay Royalè Ngunit sa mga Royalè na ito ay May tatlong espiya kaming nakita at nalaman na galing pa sa dyosa. Pero wag po kayong mag-aalala maigi po namin silang ipinatulog sa kadahilanang Hindi na sila makakatakas" saad niya naman sa akin habang Hindi humaharap sa akin. Alam kung may mga espiya siyang pinadala Pero Hindi ko aakalaing tatlo Ang ipinadala niya.

Napakasigurista ng babaeng yun para Lang Hindi mawala sa kaniyang mga mata Ang hinirang.

"Ang tatlong Espiya ay ipalagay mo sa silid na Walang nakakatakas para panatilihin Ang kapayapaan. Makakaalis ka na" sambit ko naman sa kaniya at umalis na siya sa aking harapan..

Mahirap maging Reyna na Walang mukha Dahil Hindi mo alam na may nakahanda na pala saying pagiging Pero Alam ko naman na Hindi sila magtratraydor sa akin nang Ganun Ganun Lang lalo na at kagaya ko, gusto rin nilang maging payapa Ang Imorania-mofalia at maibalik Ang kapyapaan.

Sa katanuyan May isang babae na nagpalakas sa aking kalooban. Isang alipin na ginawa Ang lahat para sa akin. Bulag na alipin na may malakas na loob para harapin ako at tulungang makabangon muli Ngunit sa kasamaang palad, ibinuwis niya Ang kaniyang buhay para sa akin.

Isang login na pagkatao Ang nasa likod ko. Ang pagkatapos kinakakatakutan ng lahat. Walang nakakaalam kung sino ako dahil sa sumpang ibinato sa akin ni Athena.

Isang Prinsesa ng mga Diwata na umibig sa hari ng mga imortal na hanggang ngayon ay pinagsisihan Ang kaniyang inaalay na pag-ibig sa kaniyang tunay na sinisinta. Nagsisi na akong Hindi ko sinunod Ang bilis sa akin ng Dyosang si Athena.

And bawal na pag-ibig na sadya Kong ipinilit. And pag-ibig ko sa hari ng mga imortal na nakatadhana na para sa reyna ng mga mortal.

Napakasakit nang aking nakaraan Ngunit Ang lahat ay gagawin ko para sa Imorania kahit na tuluyan na nga akong itinakwil ng lahat at Hindi na kinilala.

Para sa Imorania at para sa aking sinisinta.

Pumasok na ako sa kwarto kung saan inilagay ng aking tagapagsilbi Ang hinirang. And bunga nang tadhana nilang dalawa. And bunga ng aking sinisinta.

THE LAST GODDESS (Aphrodite's Greediness)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon