🔮CHAPTER 47🔮

32 2 0
                                    

CHAPTER 47: XUENGIT AND DINOSAUR
_____________________________________________

{One month later}

ASHER POV
(Dino)

"Dinosaur, please stay..." Si Xuengit, umiiyak at Mukhang mahihirapan ngunit Wala akong magagawa.

"Please stay, don't leave me. Please, I need you" saad niya naman sa akin Ngunit Hindi ako makasalita, Hindi ako makagalaw.

"Please fight for your life I need you...." saad niya naman sa akin ng umiiyak... in this time I cupped her face, at pinunasan Ang kaniyang luha ng aking daliri. I can move but I can't talk.

"Gising"

"Asher Gising parang awa mo naman"

"Asher, Ginising ka na diyan Hindi magandang magbiro"

"Wag muna Ngayon kuyaaa"

"Huhuhuhuhu"

"Fight for your life, Dinosaur" sambit naman niya Sa akin at ngumiti, Yung totoong ngiti Ang pinapakita niya na mas lalo niyang ikinaganda.

"Kailangan ka ng Imorania ngayon at kailangan kita".....

Napadilat nalang ako ng makaramdam ako ng kuryente.. Anong nangyayari? Bakit nanghihina Ang aking katawan?

"Asherrrrrrr" sigaw naman ni Percy ng makitang nakadilat ako. Hindi ako makagalaw at makapagsalita, Anong nangyayari sa akin?

"Akala ko iiwan mo na Kami kuya" saad naman ni Nima sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Umalis na muna kayong mga Royalè rito para makapagpahinga Ang Prinsipe. Nanghihina pa Ang kaniyang katawan at Hindi niya pa kayo makakasama. Maghanda nalang kayo at mag-ensayo" narinig ko namang saad sa kakapasok palang na Principalem. Anong nangyari sa akin?

"Masusunod po Principalem" saad naman nila at naglaho na silang lahat. Naglakad naman papunta sa akin si Principalem at umupo sa tabi ko.

Kailangan ko siyang makausap, Ngunit Di ko magawa..

Hindi ako makagalaw o makasalita man lang.

"Patawad sa nangyari sa Asher, hindi ko aasahang mangyayari Ang lahat ng ito. Patawad Dahil pinadala ko kayo sa misyon na sobrang delikado. Patawad" sambit niya naman sa akin at hinawakan Ang aking kamay. Hindi niya naman kasalanan Ang nangyari, kasalanan ko at Hindi ako nag-ingat.

"Alam Kong Hindi ka pa nakakagalaw o nakakapagsalita at nanghihina pa Ang iyong katawan. Kaya nga, nagpahanap ako ng pinakamagaling na manggagamot na galing pa sa mundo ng mga tao. Wag kang mag-alala Hindi siya Mofalian, isa siyang Diwata na nagpunta para sa isang misyon" saad niya naman at pumasok Ang Isang lalaki. Matipuno siya at kitang Kita mo talaga na isa siyang napakagaling sa kaniyang tindig palang.

"Ikaw pala Ang sinasabi nilang Prinsipe na nabatuhan ng itim na apoy. Delikado kapag natamaan ka nito, Mabuti nalang at naagapan ka ng maaga bago ka pa man makontrol na patayin mo Ang sarili mo nito. Isang kapangyarihan na itinatago ng kamahalang Si Zeus para Hindi makasakit pa, at Ang lahat ng May kapangyarihan na ito ay pinalitan niya at kung May sumuway, ipinatupad ng limang kaharian na patayin Ang sinumang gumamit nito" saad niya naman sa akin habang May ginagawa na kung ano ano sa aking katawan. Kimakausap niya Ang pasyente niya habang ginagawa niya Ang kaniyang kailangan na gawin.

THE LAST GODDESS (Aphrodite's Greediness)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon