Chapter 11

321 26 1
                                    

"Hindi mo ba ako matandaan? Hindi ko maaninag ang pagkakakilanlan saiyong mga mata.." Datapwa't magkawangis ang dalawa, batid kong hindi ito si Crane.

Magkaibang-magkaiba ang dalawa.

Ang lalaki sa nakaraan, at ang lalaki sa hinaharap at kasalukuyan.

Tanging ugali lamang ang pinagkaiba..

Inilagay nito ang kamay na hawak sa sumbrero sa kanyang tyan saka bahagyang yumuko.

"Kung gayun ay magpapakilala na lamang akong muli.." Napatitig ako dito.

"Binibini, ang ngalan ko ay Cosimo, ang ginoong naggawad ng iyong unang halik." Umakyat ang init saaking pisngi.

Kung titingnan, isa ng bayarang babae si Paraluman umpisa pa lamang ng tumapak ito sa loob ng silid-aliwan. Ngunit kung itrato siya ng ginoong ito ay tila ba isa pa rin siyang malinis at karespe-respetong babae.

Hindi kapani-paniwala ang ikinikilos nito.

Nang tumunghay ito ay bakas ang nakakalokong ngisi sa mga labi, halatang nang-aasar at may ibig ipahiwatig.

Umiwas ako ng tingin saka hinigpitan ang hawak sa coat.

Hindi ko akalaing maging sa nakaraan ay mga taong mapang-abuso at ibig na itulak sa bangin na walang sumasalo. Napakasakit isipin na maging ang iyong kadugo ay kaya kang ihulog makamtan man lamang ang salapi. Isang bagay na maaari mong gamitin upang makuha ang iyong naisin. Sa pera lamang umiikot ang mga mata ng mga tao, natutuliro sa'twing tatapatan ng pera sa mukha.

Isang ugali na kailanman ay hindi na magbabago pa.

"Nilalamig ka na, halika't dadalhin kita sa tamang lugar." Tulalang nagpatianod ako dito.

Napakaganda ng paligid, noon. Napakasariwa at lamig pa ng hangin, walang polusyon, wala pang palutang-lutang na basura sa ilog. At kahit madilim ay kita ang kalinisan sa paligid, malupit man at masakit ang pamamalakad ng mga Espanyol. Ngunit nasisigurong malinis ang paligid, sa kasalukuyan, napalaya man tayo mula sa kamay ng dayuhan. Nananatiling sakop ng mga dayuhan ang kanilang isipan. Nasayang lamang ang sakripisyo ng ating mga bayani, ang buhay na kapalit para lamang sa kalayaan. Naging napakasakit sa puso dahil tayo ay nagpapasakop na naman sa kasalukuyan.

"Ano ang iyong iniisip?" Tumigil kami sa harap ng isang karwahe, naroroon na rin ang kartero, tinanguan ako nito.

Mukhang kilala ako ng lalaki.

"Ihatid mo kami sa kubo." Napaigtad ako ng hapitin ako nito palapit sakanya.

Kumalat ang init na nagmumula sa kanya, nanunuot sa aking bawat ugat. Tila isang dugo na mabilis kumalat saaking katawan.

Nakakanginig ng tuhod, nakakapanghina ng mga buto-buto.

Marahan ako nitong hinila papasok sa karwahe, tulala lamang akong nakasunod dito. Nagpapatianod sa anumang kanyang gusto.

"Bakit hindi pa sa simbahan ang punta niyo? Tutal naman ay nakuha mo na hinahanap mo, Cosimo." Muli akong namula sa sinabi ng lalaki.

Ginagap ni Cosimo ang aking kamay saka isinuot saakin ulo ang kanyang sumbrero.

"Hindi muna ngayon, sapagkat nababagay lamang saaking minamahal ang isang engrandeng kasalan." Napakagat ako saaking labi.

Hindi ko batid kung ano ang mararamdaman. Si Paraluman kaya na makaririnig sakanya ay sasang-ayon sakanyang desisyon?

"Itali mo na, nang wala ng kawala pa."

"Oo, itatali ko siya ngayong gabi." Rinig ko ang tawa ng lalaki sa sinabi ni Cosimo.

Whimsical VoyageWhere stories live. Discover now