Chapter 19

302 22 0
                                    

I can hear their cries, the sorrow in every bit of their screams. Tila ba napakasakit ng kanilang pinagdadaan, napuno ng sigaw at nakakabinging hiyaw ang paligid. Kahit saan ako tumingin, umaapoy ang paligid, napapalunok ako habang naririnig ang pagsigaw nila ng tulong.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pagbulusok ng isang bolang apoy sa dagat ng mga tao, mas lumakas ang sigaw at hiyawan ng mga nasaktang tao, hindi ko alam kung sino ang uunahin. Kung saan ko ibabaling ang aking paningin, lahat ay nagdurusa at nasasaktan, dumami ang mga taong nagtatakbuhan ng walang paroroonan, naghahanap ng masisilungan at ng bagay na makakapagprotekta sakanila. Hindi nais masali sa gulo, nais makalayo sa napipintong sakit na maaaring madama.

Humihiyaw ang lahat ng tulong, hindi ko alam kung sino ang aking uunahin, kung sino ang una kong lalapitan at tutulungan, tila nais ko na lamang takpan ang aking tenga sa sobrang ingay ng paligid.

Kitang-kita ko ang pagbagsak ng isang mataas na gusali, ang pagliyab ng isang matayog na mansyon, ang pag-iingay ng serena. Ang pagsabog ng isang kotse sa di-kalayuan, ang pagpupursigi ng mga bumbero na patayin ang nagtatataasang apoy, nababalot na ng makapal na usok ang paligid. Ang pinaghalong usok mula sa apoy at ang abo na nanggagaling sa bumagsak na gusali, napapalibutan ako ng nagkakagulong tao. Nais ko na lamang takpan ang aking tenga at mariing ipikit ang aking mga mata.

Hindi ko kaya ang nakikitang pagdurusa ng lahat, tila ba mas gugustuhin ko na lamang na wakasan ang aking buhay kesa sa panuorin ang kanilang pagdurusa, ang paglatay ng sakit sakanilang katawan. Tila wala ng pag-asa ang kanilang mga mata, pilit na naghahanap ng makakatulong sakanila, ang mag-aalis ng kanilang sakit. Hindi na ba ito matatapos? Nais kong makaalis sa lugar na ito, hindi ko nais ng ganitong gulo.

Puno ng dugo, sugatan ang lahat, namatay na ang mga puno, ang mga dahon ay wala ng kulay. Wala ng bulaklak ang nakikita, puno na ng malalaking butas ang lupa, at nasa itaas nito ang umuusok na bolang apoy. Ang iba ay naapulahan na, ngunit naging sagabal naman sa lahat ng tao.

Napatakip ako saaking bibig ng makita ang mga nadaganan na tao ng bolang apoy at ng tumumbang gusali, naghihinagpis at humihingi ng tulong. Kita ko ang paglapit ng babae ng isang babae sa wala ng buhay na lalaki at ang pagpalahaw nito ng iyak. Humagulgol ito at pilit na hinawakan ang kamay ng naipit na lalaki, marami ng patay ang nakahilata sa paligid. Hindi ko kaya ang sakit na kanilang nadarama, madilim ang langit at marami na rin ang tumumbang ilaw ng poste na naging dahilan upang masunog ang mga kable ng kuryente, madilim, nagpatay sindi ang mga ilaw hanggang sa tuluyang mamatay.

Paano ako napunta rito? Bakit kailangan kong makita lahat ng ito?

"Dito! Pumasok kayo sa loob!! Bilisan niyo ang galaw!!!" Kaagad na hinanap ng aking mga mata ang sumigaw.

Pamilyar ang kanyang boses, at bumangon ang pag-asa saaking dibdib, may tutulong sakanila. Nagtakbuhan ang lahat ng tao palapit dito, dahilan para matabunan nila ang taong sumigaw.

"Bilis! Bilisan niyo ang kilos!!" Kumabog ang aking dibdib habang dahan-dahang naglalakad palapit dito. Mas lalong nagkagulo ang mga tao ng makita ang papalapit na bumubulusok na bolang apoy. Dumami ang nagtatakbuhang tao palapit sa pinangagalingan ng boses, mas lalo kong nasilayan ang mga walang hubay na katawan ng tao.

"Magmadali kayo! Bilisan niyo ang paglalakad!!" Dinig ko na ang iritasyon nito sa boses at ang pagpupumilit nito na mailagay sa ligtas na lugar ang lahat.

Nang kumonti ang mga tao na nasa labas pa ay nasilayan ko kung saan sila papunta, isang underground. Sa ilalim ng lupa.

Inangat ko ang tingin dito, tila tumigil ang lahat ng bumaling ito saakin, pawisan ang mukha at kunot na kunot ang noo. Problemadong-problemado. Puno na ng grasa ang suot nitong puting long sleeves.

Whimsical VoyageDove le storie prendono vita. Scoprilo ora