Chapter 20

363 24 0
                                    

(Continuation of Flashback)

Umiling ako dito.

Kasabay ng pagsagot ko ang pagtanggal ng pagkakahawak niya saakin.

"Hindi pwede, kasi may pangarap din akong tutuparin.."

Mariin akong napahawak sa gilid ng lamesa, bukod sa panginginig ng aking tuhod dahil sa sakit ng aking katawan, at ang malakas na pwersa ng hangin na paikot-ikot saaming bahay. Hindi ko matagalan ang pag-iisip kung paano nangyari ang ganitong bagay.

Lahat na yata ng emosyon na dapat madama ng tao ay naramdaman ko na, paikot-ikot saaking kalooban, tumatakbo saaking isipan. Nais ko ng sukuan, ngunit kailangan ko paring lumaban, ngunit ano nga ba ang dahilan?

Paulit-ulit na lamang, wala na bang katapusan? Puro na nga lang ba katanungan? Wala ba akong makukuhang kasagutan? Bakit ba sa bawat paglubog ng araw, ang sandaling ito'y sumikat at magliwanag, nagpapatuloy ang sakit at katanungan, mga hindi maipaliwanag na nararamdaman. Ay aking dinadala, patuloy na hindi mawaglit saaking sistema. Tila ba parte na rin ng aking buhay ang makatuklas ng isa pang katanungan at masaktan dahil hindi malaman ang kasagutan. Walang gabing hindi lumuha ang aking labi, pilit na nagpupumilit umalpas ng sakit, nais iluha ang bawat sandali, ang damdaming hindi mawaglit. Hindi ko maipabatid, dahil walang makakatulong saakin. Dahil alam kong magpapatuloy lamang ang sakit, walang magreresolba ng mga problemang ako lamang din ang sasagot.

Ngunit may sagot nga ba sa mga katanungan na wala namang katugon?

Itinuturing na isang mahina ang isang tao kapag siya ay sumuko, sumuko sa problema, sumuko sa kanyang pangarap, sumuko sakanyang minamahal, sumuko dahil hindi niya maipaglaban. Ngunit ano nga ba ang ipaglalaban kung alam mong umpisa pa lamang ay talo ka na? Kung alam mo namang walang sagot saiyong katanungan, bakit pipilitin mo pang maghanap? Ngunit kung nasa harap mo na ang kasagutan, bakit ka pa magbubulag-bulagan? Mga katanungang alam mo na ang sagot ngunit magpupumilit pa rin maghanap ng alternatibo, mga katanungang hindi na dapat sagutin ay pilit pa ring reresolbahin. Madaling sabihin na suko ka na, na hindi mo na kaya, ngunit bakit patuloy ka pa ring lumalaban?

Ang mundo ay napupuno ng katanungan, misteryo na hindi maipaliwanag ng iba na akala ay nasagot na ng sensya, ngunit paano nga ba ang mundo kung walang katanungan? Kung walang sikretong pilit na itinatago ng lahat? Kung walang problema na nagsisilbing bato na dapat mong tapakan upang matupad ang iyong mga pangarap. Ano nga ba ang mangyayari sa mundo kung wala ang mga ito? Paano iikot ang mundo, paano gagalaw ang tao, anong gagawin natin sa ilang libong bilyong taon na ipinagkaloob saatin? Nakikita mo ba ang mundo ng walang problema at pasakit?

Napangiti ako.

Pilit ko lamang pinapagaan ang loob ko, dahil wala naman akong masasandalan kung hindi ang sarili ko. Walang makakatulong saiyo kung hindi ikaw mismo.

Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ko ang pahina, patuloy pa rin ang malakas na hampas ng hangin at ang nakakahilakbot na ugong ng malakas na ulan na patuloy na humahampas sa yero, dahilan para umalingawngaw ang ingay na gawa ng dalawang bagay. Ngunit dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng aking puso, sa hindi malamang dahilan ay kumakabog ito ng malakas at hindi malaman kung paano ito patitigilin. Huminga man ako ng malalim, ay hindi ko pa rin magawang pahintuin ang malakas na kalabog ng aking puso, naninikip na naman at hindi na rin maayos ang aking paghinga. Nakakapanghina ang ganitong pakiramdam.

Pumipintig ang aking ulo habang dahan-dahan kong inililipat ang pahina.

1830...

Umawang ang aking labi at pilit na nilunok ang bikig saaking lalamunan. Hindi ako makapaniwala, tila pinaglalaruan ako ng tadhana.

Naka-imprinta sa pahina ang larawan kung saan kami kumuha ng video para sa aming trailer. Ang simbahan kung saan nakabalik akong muli sa nakaraan, kung saan nakadama ako ng kakaibang emosyon ng umapak ako dito. Ang lugar kung saan pakiramdam ko ay malaya ako, na wala akong problema sa mundo. Ito pala ang lugar kung saan una silang nagkita.

Whimsical VoyageWhere stories live. Discover now