Chapter 2

600 36 0
                                    

The eyes, they never lie..

In present time, human beings already perfected the art of lie. Magsusuot ng maskara upang kawaan, pagtatakpan ang katotohanan. Marami na ang mga huwad at nagbubulag-bulagan. Ngunit sino nga ba ang dapat paniwalaan, sino nga ba ang nagtatanga-tangahan? Ang masisilaw ng maling akala, ang makaaalam ng mali at tama, ng huwad o katotohanan?

Living in this world is so difficult, because the truth is being cover up, with lies.

Ngunit habang nakatingin ako sakanyang mga mata, nakikita kong hindi huwad ang kanyang ipinapahayag. Na walang lugar ang kasinungalingan sa kanyang mukha.

I don't want to interfere with his life, because I'm scared that it might be the reason that my world will turn up side down.

Iniwas ko ang tingin dito.

Hindi ko talaga kaya ang mga mata niya. May kakaiba na hindi ko maipaliwanag, nakakatakot ang kanyang mga mata. Napupuno ng kakaibang salita na naghahatid ng kilabot saaking kalamnan.

"Huwag mo nga akong tingnan." Inis na kinuha ko ang telepono saka isinilid sa bag.

"Nagsasabi lamang ako ng totoo."

"Pero hindi mo ako kailangang titigan ng ganoon." Itinapon ko na ang balat ng chico.

Ngayon, hindi ko alam kung papaano tatanggalin ang dagta nito, dapat pala sa bahay ko na lang kinain.

"Hindi ka makakatakas sa paningin ko, Eirlys Melinoe.." Napatalon ako sa gulat ng bumungad ang mukha nito sa telebisyon na naroroon, na mas matanda pa kay Ate Erin.

What the hell!?! Pati ba naman sa telebisyon?

"Hacker. A damn bad hacker." Kumurba ng ngisi ang labi nito.

"Bad? Am I? Darling..?" Mas hindi ko kinaya ang mga titig niya ngayon.

Nakakapaso, nakakatunaw sa sobrang seryoso, nakakalunod sa dami ng emosyon na aking nadarama.

"I like that, bad. My poor darling, Am I being bad to you?" Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan.

Lumalalim ang itim sakanyang mga mata, tila ba nilalamon ako ng buong-buo ng kanyang mga titig.

"Don't change the topic." Umiwas ako dito saka itinapon sa basurahan ang plastic.

"You are the one who change the topic, why blaming it to me?" Nagsimula kong kagat-kagatin ang aking labi.

Umaakyat ang nerbyos saaking dibdib.

Tumalikod ako dito saka naghanap ng mantika.

"What is it? Ano ang bumabagabag saiyo, Lime?"

"Ayokong magtanong." Hindi ko gustong madamay, ayokong gumulo ang aking isipan.

"Bakit ako, Crane? Bakit ako ang ginugulo mo? Pwede namang tumagal ng ilang taon ang account ko sa future, impossibleng ako lang ang nagtaggal ang account. Ni hindi ko kilala ang tatay mo, hindi rin kita kilala. Bakit hindi ka na lamang maghanap ng taong makikinig at tutulong saiyo ng bukal sa puso, na hindi mo na kailangan pang mang-blackmail, sa katulad ko?"

Suminghap ako sa hangin ng dumiin ang titig nito saakin.

Hindi ako makahinga, kailangan ko atang lumabas ng library.

Napansin ko rin na nagpalit ito ng damit, nakasuot na ito ng long sleeves na puti na bukas ang unang tatlong butones. At magulo pa ang basa nitong buhok.

Damn.

"Nagtanong ka rin." Sumandal ito swivel chair. Mukhang nasa loob ito ng opisina.

"Huwag mo na lamang sagutin." Inabot ko ang lipgloss sa itaas na parte ng shelf.

Whimsical VoyageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora