Chapter 18

288 19 0
                                    

I stared at the them as they do their job, they have their 'always' smiling face for everyone. They always wear their smile eventhough their work is too risky and dangerous. They are the one who holds the patients lives, it's scary because all of the pressure are given into them. But still, they manage to smile. I wonder how they do that..

White, it's all white. Kahit saan bumaling ang aking paningin, puti ang aking nasisilayan. Mula sa itaas, hanggang saaking damit, naalala kong hindi nga pala ako nagpalit. Tila batang ikinuskos ko ang aking namumuting paa sa sahig, namamanhid na ang aking paa sa lamig, idagdag pa na wala akong sapin sa paa. I sway both of my foot like a child, wishing that maybe, I can be a child again, a child that only cries everytime they are hungry, and when their diaper is already full. Sana, sana ganun din ang rason ko, sana ganun lang din ang dahilan kung bakit tumutulo ang luha ko. Sana ganun lang din kababaw lahat ng iniinda ko, na isang galaw lamang ay may solusyon na kaagad ang mga luha ko.

Ngunit hindi, hindi na nga pala ako bata. Na ang sakit na nadarama ko ay tanging naaayon lamang sa edad ko, na kaya ko ang sakit kumpara sa isang batang paslit. Ngunit kung kaya ko naman ang sakit, bakit marami pa rin ang nagpapakamatay? Isa lamang ang rason, dahil hindi nila kinaya. Pero walang nagtanong, kung kaya ko nga ba. Kaya ko pa nga bang ipagpatuloy ang lahat?

Pakiramdam ko unti-unti na akong namamanhid, namamanhid sa sakit. Katulad ng paa ko na kanina pa nakatapak sa malamig na sahig, namamanhid dahil hindi kinaya ang ang nanunusok na lamig. Namumuti na rin ito, patunay na ilang oras na ang aking inilagi sa malamig na gusali.

Tumungo ako habang pinaglalaruan ang aking mga paa, matapos kong masilayan ang balita ay kaagad akong lumabas ng silid ni Mama. Hindi ko kinaya lahat ng aking nakita at narinig, lahat ng aking naisip sa araw na ito. Napakagulo, gulong-gulo na ako, bakit tanging damdamin lamang ang namamanhid? Bakit hindi pati ang isip? Wala na bang katapusan ang pagtatanong at paghahanap ng sagot?

"Eirlys?" Umangat ang aking tingin.

Ang naguguluhang mukha ni Zef ang aking nasilayan.

"Anong ginagawa mo dito? Pasyente ka rin ba? Bakit ka na sa labas?" Hindi ako sumagot, bagkos ay muling tumungo.

Ayoko munang mag-isip, gusto ko munang magpahinga, ngunit subukan kong ipikit ang aking mga mata, tila bangungot na paikot-ikot saaking isipan ang lahat. Hindi ako nilulubayan ng bawat katanungan, akala ko ba'y walang permanente sa mundo? Bakit tila isang bubog na hindi matanggal saaking katawan ang lahat ng sakit? Bakit paulit-ulit na rumaragasa ang katanungan saaking isipan kahit anong tulog ang gawin ko?

Naramdaman ko ang pag-upo nito saaking tabi.

"Nag-transfer ka daw, saan ka lumipat?" I heard him sigh.

"Are you okay, Eirlys?" I slowly nodded my head without glancing at him.

"Do you remember the day that I ask you if you are okay? I know, when you said yes, it's the opposite. Right? I know you are not, you can tell me. I can listen, Eirlys. You have a friend, and that's me." Napalingon ako dito.

Hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi, yes he help me one time. We talk, sometimes. But I didn't know that he consider me as his friend. One of his friends, I thought I don't have one, but still I am thankful that he is always their to listen to me, to every pain that I feeling right now.

I manage to give him a smile.

"Thank you, but I am okay. I can do this alone, Zef. I don't want to drag you in this mess, this is my challenge. Wait for your turn, and do whatever it takes to pass your challenges." Somehow, the heavy feeling in my chest slowly lessen. It feels good to talk with your friend, ganito pala ang pakiramdam na mayroon kang kaibigan na nais kang pakinggan sa lahat ng oras, ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan. At kahit pa hindi ko sinabi ang kabuuan ng aking problema, still, I manage to be strong for the shortest period of time.

Whimsical VoyageDove le storie prendono vita. Scoprilo ora