Chapter 12

296 20 0
                                    

Will he be mad at me?

Why isn't he saying something?

Namatay ang tawag, nawala ang kanyang hologram.

Just what I thought..

Napatawa ako ng mahina. Sino nga ba naman ang niloko ko??

Paniwalain ang sariling matutuwa ito saaking balita, ngunit maging ako ay nasaktan at naloko sa kaalamang nakatago lamang pala ito sa loob ng kanyang tindahan, ng library ni Papa.

Marami akong nais itanong, sobrang gulo ng aking isip, nahihilo ako dahil sa antok. Sumobra na ang aking pag-iyak, mukhang anumang oras ay pipikit na ang aking mga mata.

Hindi ko nais matulog ng may dinaramdam na sakit, dahil sigurado akong mumultuhin ako nito hanggang saaking panaginip, na maging sa pagtulog ay guguluhin ako ng mga nasaksihang pangyayari.

Napatawa ako ng maramdaman ang pagtulo ng masaganang luha mula saaking mga mata, kung paano ngumiti ang aking mga labi sa kabila ng sakit na nadarama.

Walang pagsidlan ang pagdaloy ng sakit, umiikot ito sa aking buong sistema. Tila ba ay ito na lamang ang may kakayahang magpadama saakin ng mga bagay. Namanhid na ang aking puso at isipan.

Hanggang kailan tatagal ang sakit? Ang kirot na hindi mawari? Ang problema na hindi ko kailanman hinangad na mangyari.

Umiikot saaking isipan ang binanggit ng matanda.

Animo'y isang masamang panaginip na may malalim na kahulugan at nakamamatay na kasagutan. Tila ayaw ko ng balikan..

Ang ingay ng mga kotse sa ibaba, ang lamig ng bawat dampi ng hangin saaking balat, ang bawat pintig ng aking puso at ang kislap ng luha saaking mga mata.

Ito lamang ang tanging aking nadarama, ang kirot ng kahapon. Ang pagtakas sa ngayon, hanggang kailan nga ba ako luluha at tatakasan ang bawat problema? Kailan ko nga ba ito mareresolba?

Maaari bang mawaglit ng isang bagay ang aking problema?

Napangiti ako sa naisip.

Kamatayan, ang sagot ng lahat ng taong hindi nakayanan ang mga problema, ang mga suliraning kinahaharap.

Bakit ako maghahangad ng katapusan? Gayung maaari ko namang takasan ang iba, harapin kapag kaya ko na.

Iipunin ko muna ang lahat, iisipin ang lahat ng posibilidad, iluluha ang kirot na hindi makayanan. Tatanggapin ang aking tadhana.

Maraming tanong ang nabubuo, sagot na hindi ko alam kung saan ko mapupulot.

May katapusan nga ba ang lahat? Ngunit wala namang permanente sa mundo, lahat ay may umpisa at katapusan. Katulad ng pag-ibig na hindi matumbasan..

Ang tadhana ang tatapos, ang tanging kalaban ng tao.

Bumaba ang aking tingin saaking telepono.

Nanginig ang aking labi kasabay ng pagdaloy ng luha saaking nakangiting labi.

Lilipas din ang sakit, mawawala kahit isang saglit.

~Just to think what I might have missed

Looking back, how did I exist?

I dreamed, still I never thought I'd come this far

But miracles come true, I know 'cause here we are~

I never dreamt this way, I didn't know that my simple dream will came out this way. That it will hurt like this, I haven't even reach my dreams, because somehow. I learned my lesson, that dreaming so high can make you fell so deep, so deep that you can't never stand up again.

Whimsical VoyageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora