Epilogue

732 44 17
                                    

'Ayon sa PAG-ASA, ang bagyo ay pansamantalang nawala sakanilang RADAR, ngunit ilang minuto lamang ay muli itong bumalik at mas lalo pang lumakas, sa tala ng PAG-ASA ay mas lalo pa itong lalakas sa lilipas na limang oras. Maging alerto dahil hindi na rin masagap ng RADAR ang mga maaaring mangyari sa lilipas na oras.'

Huminga ako ng malalim saka pinatay ang telebisyon.

Hanggang ngayon ay napakarami pa ring naglalarong tanong saaking isipan, hindi ko na alam kung paano ito susulusyunan.

"Darling? Mukhang alam ko na kung bakit ka nagkaroon ng account sa panahong ito." Lumipat ang tingin ko kay Crane nakasalukuyang nakaluklok sa hologram at palipat-lipat ang tingin saakin saka sakanyang ginagawa.

"Do you want to know?" Umayos ako ng upo saka marahang tumango.

Hindi ko alam kung bakit habang unti-unti nitong inihaharap saakin ang hologram ay siya namang pagkabog ng malakas ng aking dibdib. Hindi ko mawari kung bakit, mukhang masasagot na ang matagal kong katanungan.

Suminghap ako sa nakita, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. At tila ba huminto ito ng magsalita si Crane.

"You were my wife.." Sumabog ang katahimikan sa paligid.

"B-baka naman nagkakamali ka lang--"

Napahinto ako ng seryosong tumingin ito saakin, diretso saaking mga mata.

"Sa tingin mo nagbibiro ako? Nasa harap mo na ang ebidensya, bakit pilit mo pa ring itinutulak palayo?" Bumaba ang tingin ko saaking mga kamay.

"Nakasaad dito ang lahat, Eirlys. Maybe this is Crane's diary. Ang Crane na totoong nasa hinaharap, at sinasabi ditong.." Muli nitong hinuli ang aking mga mata.

"He choose his wife over his dreams, that's why his wife die. Sa panahon ng kalamidad, mas pinili niyang ialay ang buhay niya sakanyang asawa kesa iligtas ang mundo, kung kaya't namatay ang asawa niya dahil sa biglaang pagguho ng lupa." I don't know what to say, what should I do now? What will happen next?

Nasagot nga ang katanungan ko, ngunit nagulo naman ang puso ko.

"Eirlys?" Habol ang hiningang nilingon ko si Tita Merry.

Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Eirlys, nandito ang Papa mo." Sa gulat ko ay bigla na lamang itong pumasok at bumaling sa teleponong hawak ko.

Napuno ng gulat at kaguluhan ang mga mata nito saka muling bumaling ang tingin saakin.

"Anak, pasensya ka na. Patawarin mo si Papa.. kung nagsikreto man ako saiyo." Napaiwas ang tingin ko dito.

Dama ko naman ang pag-upo nito saaking tabi.

"Mahigit isang dekada na ang nakararaan, sa tingin ko ay dapat ko ng sabihin saiyo ang totoo." He looked at Tita Merry then to Crane.

Tahimik lamang nagmamasid ito sa paligid, nakikiramdam kung ano ang sunod na gagawin.

"Eirlys, hija.. Patawarin mo si Tita, n-nagawa ko lamang maglihim dahil, dahil gusto kong suportahan si Ate sakanyang mga ginagawa. Gusto kong iparamdam sakanya na may karamay siya, na hindi siya nag-iisa."

"Totoo iyon, Eirlys. Kinuha ka lamang namin sa nakaraan.." Kita ko ang pag-awang ng mga labi ni Crane, ngunit hindi naman nagsalita.

"Sa tingin ko, tama ng magulo ang buhay mo. Alam kong mali, pero nais naming huwag ng sabihin saiyo ang totoo dahil alam naming magugulo lang ng tuluyan ang buhay mo, hindi lamang saiyo pati na rin ang, ang buhay ng lalaking iyan." Nakagat ko ang aking labi.

Whimsical VoyageWhere stories live. Discover now