"AHHH, PUTANG INA!"
Sunud-sunod pang napamura si Poseidon nang tumalsik na palabas sa ari niya ang katas ng pinaghirapan ng kamay niya. Umagos pa iyon sa palad niya hanggang sa dumiretso sa bandang puson niya na bahagyang balot sa buhok.
Napabuntong-hininga siya pagkatapos at napatingin sa kisame. "'Tang ina ka, Poseidon. Hanggang kelan ka ba magsasalsal na parang highschool."
Kumuha siya ng labahing damit mula sa ilalim ng kama at saka pinunasan ang kamay at ang katawan. Kasalanan talaga iyon ni Margaux. Kung hindi niya sana nakita ang nagmumurang dibdib at matambok na pwet nito ay hindi siya magsasarili sa kwarto niya naparang hayok na hayok sa laman.
Pero mas mabuti na sigurong nagma-mariang palad na lang siya sa tuwing nalulungkot siya. Sawang-sawa na siyang makipaglokohan sa mga babae sa lugar nila. Pare-pareho rin namang hindi seryoso ang mga ito. Sa oras na makaramdam na ng kati ay nagsisimula nang maghanap ng kakamot. Kung minsan ay ang mga babaeng may gusto na sa kanya ang kusang bumubuka sa harap niya, na hindi niya noon matanggihan. Kung tutuusin, medyo swerte siya dahil lahat ng dumaan sa kanya, mga birhen. Na-first blood niya.
'Buti na lang at natuto na siyang magkontrol sa sarili niyang libog. Ayaw niyang paulit-ulit na makipag-jack en poy sa mga babaeng kung sinu-sino na rin ang inupuan. Mapili rin naman siya. Wala siyang planong mamatay nang dahil sa AIDS.
Matapos linisin ang sarili at itaas ang nakababang salawal ay pabalagbag siyang nahiga sa kama at napatingalang muli sa kisame. Wala na siyang gagawin pa sa araw na 'yon kundi ang tumunganga dahil wala namang bisita sa resort nila. Tengga na naman. Tapos na ang summer. Bihira naman 'yong mga taong trip pumunta sa beach kahit tag-ulan.
Sa susunod na buwan, kapag gano'n pa rin nang gano'n ang sitwasyon ay maga-apply na siyang teacher sa highschool sa lugar nila. Nakapagtapos naman siya ng kolehiyo sa tulong ng 'sangkaterbang scholarship, pamamalimos sa mga matapobreng kamag-anak at sa sikap ng ermat niya.
Kaya nga lang, bago ito mawala ay pinakiusapan siya nito na huwag pababayaan ang maliit nilang resort na namana pa nito mula sa mga magulang nito. Dahil mahal niya naman ang nanay niya, kahit wala na ito ay pinipilit niya pa ring maging hands-on sa maliit nilang resort kahit pa katabi niyon ang higanteng resort nina Margaux.
Pero sa mga ganoong sitwasyon na walang bisita, wala ring kita. Kailangan niya pang s-um-ide line bilang tutor ng mga kapatid ng tropa niya para lang may maipanglaman siya sa sikmura niyang laging gutom. Naglalagay rin siya ng bubu o trap sa mababaw na bahagi ng dagat para makakuha ng mga isda na pangkain.
Ganoon na ang buhay nila noon ng nanay niya magmula pa nang magkaisip siya. Silang dalawa lang. Wala ang tatay niya na parang nagputok lang ng kargada sa kumot. Ni hindi niya alam kung nasaan ito. Wala namang sinasabi ang nanay niya kung tao o demonyo ba ang tatay niya.
Basta ang isang bagay lang na napagtanto niya nang magbinata siya ay baka may lahi ito. Baka foreigner. Kano siguro. Lagi kasi siyang napagkakamalang inglesero noon sa school. Lumaki siyang sinasabi na Amboy raw siya. Na blonde ang buhok niya.
Wala siyang ibang alam tungkol sa ama. Ang alam niya lang, tarantado ito. Hindi nito nagawang panagutan ang nanay niya na laging tinatawag na disgrasyada noon ng mga tsismosa nilang kapitbahay.
Naisipan niyang bumangon at magpahingin na lang sa labas. Palubog na ang araw. Wala namang tao sa resort. Wala na siyang gagawin sa maghapong iyon. Pakiramdam niya naman ay tatagal ng isang linggo ang mga pinamili niyang pagkain na hindi naman na magagamit.
Nagsimula siyang maglakad palapit sa dalampasigan. Kumalma siya nang makita ang dagat. Kahit kailan, hindi siya nagsawa sa lugar na iyon. Napakarami nilang masasayang alaala ng nanay niya roon.
Sinipa-sipa niya ang isang maliit na bato. Sinusundan niya ang bawat talbog. Natawa siya sa sarili habang ginagawa iyon. Naalala niya na naman ang kabataan niya. Noong bata siya, nangunguha pa siya ng mga magagandang bato at seashell sa dalampasigan nila at tuwing isasama siya ng nanay niya sa isang tiyahin sa Maynila ay ibinibenta niya iyon sa mga pinsan niya.
Hindi niya namalayan na sa kakasipa niya ay umabot na siya sa bandang dulo ng dalampasigan. Sa boundary ng maliit niyang resort at ng higanteng Surface Interval Resort ng pamilya ni Margaux.
Napahinto siya at napatingin sa kinatitirikan ng bahay ng pamilya nito na nasa isang sulok ng resort.. Nagulat siya nang makitang naroon din si Margaux. Nakatulala sa may terrace. Ang pangit ng awra. Daig pa ang nagulangan sa jueteng.
Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila. Kahit pala malungkot ito, artistahin pa rin ang mukha.
"Ba't ka nakatingin diyan?!" sigaw nito na parang nasa kabilang sitio pa ang kausap.
Artistahin, 'wag lang bubuksan ang bibig. Daig pa nito ang laging may kaaway. Kung hindi lang talaga siya naglalaway sa ganda ng katawan nitong naka-display lagi ay baka ma-turn off din siya rito.
"Ang sungit mo kasi!" pasigaw at nakangisi niyang tugon. Pasimple pa siyang tumingin sa paligid. Baka marinig siya ng erpat ni Margaux. Hindi maganda ang naging usapan nila ng ama ng babae noong isang gabi.
Sa halip na sagutin ay walang pasabing pumasok ito sa loob ng bahay nito. Naiwan siyang nakatunganga sa bakanteng terrace.
"'Labo talaga ng utak ng mga babae," bulong niya sa sarili bago naiiling na naglakad-lakad muli sa kabilang side ng dalampasigan.
Siguro, kung hindi siya lumaki sa nanay niya ay hindi niya maiintindihan nang kahit kaunti ang mga ito. Ang lalakas ng mga topak ng ibang babae.
Ang daming issue sa buhay. Noong huling beses siyang mag-girlfriend ay namayat lang siya dahil sitsirya na lang ang inuulam niya sa school mabili lang ang gusto nitong milktea. Puta, tagtipid siya sa baon. Kahit yata tubig, sa gripo ng guardhouse na lang siya nakikiinom noon.
Pero alam niya namang iba-iba rin ang ugali ng mga ito. Siguro ay hindi pa lang siya nakakakilala ng babaeng maayos kausap, hindi topakin at hindi masama ang ugali. Wala pa siyang nakikilalang kagaya ng nanay niya.
Pabalik na sana siya sa loob ng bahay at naglalakad na palayo sa dalampasigan nang mapansin niya ang babaeng pumasok sa loob ng bakuran ng Poseidon's Paradise. Napahinto siya sa paglalakad nang ma-realize kung sino iyon.
"Margaux?" Gulat na gulat siya.
Kanina lang, inirap-irapan pa siya ng babae. Ngayon, nasa bakuran niya na. Ano ba'ng trip nito?
"May gagawin ka?" parang sigang tanong nito.
Gusto niyang matawa ngunit mabilis iyong nawala nang mapansin niyang medyo hilam sa luha ang mga mata nito. "Wala naman. Papasok na sana."
Walang pasabi nitong hinila ang braso niya. Napilitan siyang magpakaladkad dito pabalik sa dalampasigang pinanggalingan niya. Nang makarating sila sa kanang bahagi kung saan malayo sa tabi ng Surface Interval, bigla itong sumalampak sa buhanginan. Itinupi nito ang tuhod at niyakap ang mga binti. Tuloy, kitang-kita niya ang suso ng babae. Napalunok siya.
"Tabihan mo 'kong tumanga rito," anito nang mapansing hindi siya natitinag sa pagkakatayo.
"Lasing ka ba?" Kusang lumabas ang gagong tanong na iyon mula sa bibig niya.
"Kung pwede lang," matabang na tugon nito na nakatingin na sa papadilim na kalangitan.
Sumalampak na rin siya sa buhangin at nag-Indian sit sa tabi nito. "Nakakapangit ang mamrublema."
"Gago," maaskad na tugon nito. "Baka 'di mo alam, kahit malugkot ako alam kong maganda ako"
Napahagalpak siya ng tawa. Kahit malungkot na ito, iba pa rin ang ugali.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-Door
Romance--TO BE PUBLISHED UNDER RED ROOM IMPRINT-- - Kailangan ni Margaux ang kapirasong lupa ni Poseidon para mabawi ang nawalang atensyon ng ama. At isa lang ang alam niyang paraan: Ang akitin ito gamit ang sarili niyang katawan. --- WARNING: -This story...